(Just an acquaintance) “MAAM FORTNEY, pa-check na lang po.” Dala-dala ni Ali ang laptop sa kanyang mesa. Matapos niyang basahin ang nilalaman niyon ay tumango-tango siya. “Okay na. I-print mo na, Ali.” “Yes Maam.” Bumalik niyang muli sa harap ng sariling computer. Inayos niya ang schedula niya for the next coming days dahil nga sa nalalapit na kasal ni Britney. Wala naman masyadong importanteng appointment kaya naman lumuwang ang kanyang pagkakangiti. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil pakiwari niya panibagong karanasan ang pagiging isang maid of honor sa isang kasal. Masyado siyang inosente sa mga bagay na normal naman sa iba. Tumunog ang mobile phone niya at nasagot niya ang tawag na hindi tinitingnan kung sino ang caller. “Hello?” Nakatitig pa rin siya sa computer. Natutuw

