(The agreement) NAGISING SI Fortney dahil sa mabibining halik na dumadampi sa kanyang kaliwang balikat. Alam niya kung sino ang gumagawa niyon. Oo nga at nalasing siya sa tatlong beer ngunit kakaiba ang kalasingan na hatid ng bawat halik at haplos ni Garette sa kanyang kabuuan. Ang mainit na hininga ng lalaki na tumatama sa kanyang balat ang nagpabalikwas sa kany. Mahigpit na hawak niya ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. “What’s wrong?” nag-aalalang tanong nito. “Ba-bakit na-nandito ka?” nauutal siya. “Don’t tell me na nakalimutan mo na – “ “I mean, bakit nandito ka pa? Umaga na. Baka madatnan tayo nila Britney sa ganitong ayos!” Hindi niya alam kung anong paliwanag ang sasabihin niya sa oras na makita silang magkasama sa iisang kama ni Garette. “Ano naman ang ikinakatako

