(Freedom of making love with him) ALAS DIYES NA ng umaga nang muling magising si Fortney. Nag-iisa na lang siyang sa kama. Muli niyang naipikit ang mga mata at doon muling bumalik ang alala kung paano siya nagpaubaya kay Garette. It was intense. Nabuhay lahat ng dugo niya sa mga ugat at aaminin niyang hinahanap-hanap na niya agad ang mga halik at haplos nito sa kanya. Agad siyang bumangon at tinungo ang banyo ng walang saplot. Nasa ilalim na siya ng dutsa nang maalalang wala siyang tuwalya na gagamitin. Ni hindi nga niya alam kung naka-lock ang pinto ng kanyang silid kaya naman pilit niyang minadali ang pagligo. May shampoo roon na mabilis niyang inilagay sa buhok. Hinayaan niya lang na maglandas ang tubig habang nagsasabon siya ng katawan. Buo ang atensiyon niya sa pagsasabon nang may

