(The side of him) KAHIT NA TANGHALI na ay pumunta pa rin sila ng dagat. Malapit talaga sa tubig si Fortney dahil malayo pa lang sa mala-asul na repleksiyon ng langit ay gusto na niyang lumangoy sa dagat. “Gusto mong lumangoy?” tanong sa kanya ni Garette. Hindi nito binibitiwan ang kamay niya. “Mamaya siguro. Kapag hindi na masyadong mainit.” “Kung sabagay, kakaligo mo rin lang.” Naupo sila sa mahabang upuan. Kapwa ang mga mata ay nakatuon sa mga maliliit na alon ng dagat. “Masaya ka ba?” mayamaya pa ay tanong ni Garette sa kanya. “I mean, masaya ka ba sa buhay mo ngayon?” Napatingin siya sa lalaki kasunod ng pagyuko. “Bakit mo naman naitanong?” “Mula ng umalis ka Maharlika Province, hindi ka nawala sa isip ko. Aaminin kong labis akong nasaktan, Fortney. Pilit kong hinahanap ang s

