(Only you and me) MATAPOS SILANG magpakasawa sa tubig ng dagat ay agad silang bumalik sa loob ng bahay. Walang salitang namagitan sa kanilang dalawa. Tila ba alam nilang pareho ang iniisip ng bawat isa. Sa naging usapan nila kanina ay naging malaya ang mga agam-agam nila sa dibdib at napalitan iyon ng purong pagmamahal at pagtitiwala sa isa’t isa. Mahal nila ang isa’t isa ngunit hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kanilang dalawa. Subalit isa lang ang laman ng kanilang mga puso at isipan sa mga oras na iyon… ang patuloy na ipadama sa bawat ang isa ang kanilang pagmamahalan. Sabay silang nagbanlaw sa banyo. Mula pa lang doon ay hindi na sila humihiwalay sa isa’t isa. Ang katawan nila naging isa sa saliw ng isang tugtuging tanging sila lang ang nakakarinig. Hindi pa natapos doon. M

