(Happiness versus sadness) TUNAY NGANG INALAGAAN siya ng husto ni Garette. Dinalhan siya nito ng makakain sa higaan at hindi rin siya hinayaan na kumain mag-isa dahil ito pa mismo ang nagsubo sa kanya. Pinahigop rin siya nito ng gawa nitong soup saka sinamahang maglinis ng katawan at mag-toothbrush sa banyo. Binihisan pa siya nito saka inihiga sa higaan. Ang sarap-sarap sa pakiramdam na may isang tao na handang mag-alaga sa isang tulad niya na walang hinihintay na kapalit. Nang maramdaman niyang lumubog ang higaan ay agad na inabot niya ang katawan nito. Sumiksik siya sa malapad nitong dibdib at niyakap ito ng mahigpit. Pinaulanan siya nito ng halik sa buong mukha pati sa buhok bago ipinalibot ang mga bisig sa kanya. Kasunod niyon ay narinig niya ang mahinang bulong nito na kailanman

