(In the name of love) HINDI ALAM NI Fortney kung saan nanggagaling ang lakas ni Garette dahil natagalan nito ang pagdala ng bigat niya habang inaangkin siya nito sa kanyang gitna. Nang makaraos siya ay dahan-dahan nitong ibinaba ang paa niya sa sahig at mahigpit na hinawakan ang kanyang baywang. Idinikit nito ang noo sa noo niya na nakapikit ang mga mata. Hinintay nitong bumalik na sa normal ang kanyang paghinga saka nagmulat. “I love you, Fortney,” anito. “Kahit na gaano katagal ay maghihintay ako sa iyo, hmmn? Tandaan mo iyan. Ako lang ang pwedeng umangkin sa iyo ha? Ako lang dapat at wala ng iba.” Napangiti siya. Iyon na nga ang ginagawa nito pero tila nakukulangan pa ito. Kung alam lang ng lalaki na walang siyang ibang nais na humawak at umangkin sa kanya. “Wala ng iba, Garette

