(The preparation of the wedding) “FORTNEY! FORTNEY!” malakas na tawag sa kanya ni Karen. Katatapos niya lang kumain ng almusal at ito naman ay nakabihis na upang pumasok sa trabaho. Inubos niya munang inumin ang tubig sa hawak niyang baso. “Bakit Ate Karen?” “Ano’ng oras ka umuwi kagabi? Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot.” “Ah. Medyo late na.” “Saan ka nagpunta? Nakausap ko si Ali na maaga ka umalis ng office. Saan ka nagpunta?” “Ah – sorry, Ate. Hindi ako nakapagpaalam sa iyo. Pumunta ako sa bahay nila Britney. Aalis na rin kasi sila agad at tutungo na ng ibang bansa. Nakipag-bonding lang ako sa kanila.” “Ah, ganoon ba?” “Napasarap ang kwentuhan namin kaya hindi ko napansin ang oras. Hinanap pa ako ni Dad?” “Oo, pero siyempre sinabi kong may pinuntahan ka.” “Salamat, Ate.

