(Getting over or not getting over) NAKAUPO SA BANDANG unahan ang magkasintahan na sina Britney at Brent at pinili naman niyang sa bandang likuran pumwesto. Apat lang silang sakay at panglima ang driver kaya naman maluwang ang sasakyan para sa kanila. Magkayakap na natulog ang dalawang magsing-irog samantalang nagbabasa naman ng libro si Garette na nasa tapat niya. Saglit niyang nilingon ito. Napakaseryoso. Hindi na nakapagtataka. Alangan naman na makaipag-usap ito sa kanya. Ayaw niya na rin pang maging malapit ito sa kanya. Matapos ang nangyari sa kanila ay pinilit niyang sawayin ang sarili. Isa pa sa ipinagtataka niya ay ang pagbabago ng expression ng mukha nito nang makita ang kanyang ama at si Alejandro. Baka guni-guni ko lang Hindi na niya pinagtuunan ito ng pansin. Malayu-layo pa

