(Resistance) GUSTO NIYANG HABULIN ang papalayong si Fortney ngunit wala siyang lakas na gawin iyon. Hindi niya napigilan ang sarili na hagkan ang mga labi nito na labis niyang pinanabikan. Malakas niyang hinampas ang manibela na nagdulot ng malakas na ingay. Kanina sa hapag-kainan ay hindi niya makontrol ang selos na nararamdaman lalo na ng banggitin nito ang tungkol sa fixed marriage. Nagngingitngit ang kalooban niya. Ang buong akala niya ay naka-move on na siya ngunit hindi pa pala. Siya dapat ang lalaking iyon. Ang lalaking pakakasalan ni Fortney. Siya lang at wala ng iba. Muli niyang tiningnan ang kanyang harapan. Wala na ang anino ni Fortney. Tanging ang liwanag sa mga poste ang siyang nakikita niya. Bihira rin ang dumaraan na mga sasakyan. D**n! Paano kung may mangyaring masam

