(Getting back the real Fortney) ISANG BUWAN ANG NAKALIPAS… “Good morning, Maam Fortney! Ang aga ninyo po yata ngayon?” masiglang bati ni Ali. Alas siyete pa lang naman ay nasa opisina na siya. Masyado na siyang ganado sa pagtatrabaho dahil may taga hatid-sundo siya sa mula sa pagpasok sa opisina at pag-uwi sa mansiyon. Iyon ay walang iba kung hindi ang Ate Karen niya. “Alam mo naman, Monday ngayon. Maraming trabaho na dapat tapusin,” aniya na nakangiti. “Oo nga, Maam. Manic Monday,” anito kasunod ng mahinang pagtawa. “Ano ang schedule ko ngayon, Ali?” “Ah, sandali lang po.” Nagmamadali itong tinungo ang drawer ng cabinet na malapit sa mesa niya. “Maam, kailangan ninyo nap o pirmahan ang mga proposal na pinasa last week. May meeting rin po kayo mamaya mula sa isang business partner, k

