(A deep connection with Karen) “I-IKAW ANG KAPATID KO, Karen?” Namimilog ang mga mata niyang nakatitig lang sa kaibigan. “Oo, ako nga Fortney,” sagot nito na tila may bara sa lalamunan. “I’m sorry kung hindi ko man lang nagawang aminin sa iyo noon. Naduwag ako na magpakilala sa iyo.” “Kaya ba kinaibigan mo muna ako?” “Hindi ko intensiyong gawin iyon pero wala akong maisip na ibang paraan para mapalapit sa iyo. Nang malaman ko sa Mommy ko kung sino ang tunay kong ama ay gusting-gusto ko na siyang makita at makilala. Hindi ko nais na guluhin ang masaya ninyong pamilya kahit pa sa malayo ko lang kayo napagmamasdan. Alam kong anak ako sa labas kaya hindi ako nagpumilit pa. Pero… nang magpakilala ka sa akin at sinabi mong gusto mo akong kaibigan, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamsayang ba

