(The agony that lasts forever) INASAHAN NA NI Fortney na mangyayari ang kasalan na matagal ng nais ng kanyang ama at ni Alejandro. Wala siyang choice kung hindi ang sumang-ayon at tanggapin ang kanyang kapalaran. “So, kailan natin pag-uusapan ang tungkol sa kasal ninyo?” tanong ni Don Lucio. “Dad, huwag naman po natin biglain si Fortney – “ “O-okay lang, Ate.” Nilingon niya ang ama saka si Alejandro. “Kung kailan ninyo nais na pag-usapan ay walang problema sa akin.” “Fortney?” nagtatanong ang mga mata ni Karen na nakatitig sa kanya. “Ah, pwede na po ba akong mauna sa inyo? Pagod lang po ako sa maghapong trabaho.” Nang tumango ang ama ay tumayo na siya at mabilis na tinalunton ang daan patungo sa kanyang silid. Pagpasok niya ay agad na ni-lock ang pinto. Gusto niyang mapag-isa. Gust

