(The- not- so unexpected news) “AH – oo, Ali. Nagkausap na kami.” Sinikap niyang maging normal lang ang kanyang boses dahil sa kalooban niya ay naroon pa rin ang pagkapahiya sa sarili. “Nakasalubong ko nga po nang papunta nap po ako rito. Ang bilis ninyo po yatang nag-usap?” “Ah… kasi nagmamadali siya. Ma-may meeting pa raw siyang pupuntahan kaya matapos niyang pirmahan ang proposal ay umalis na rin agad.” “Masyado po silang busy no, Maam?” Umikot ito upang kunin ang mga folders na nasa mesa. “Pero Maam, ang ga-gwapo po nilang lahat? Ngayon lang ako nakakita ng ganoon katitikas na katawan!” “Oo nga. Ahm, mayroon pa ba tayong importanteng gagawin?” pag-iiba niya ng usapan. “Wala na po, Maam. Akala ko nga po ay magiging mabusisi sina Mr. Monteverde eh. Ang bibilis lang naman po pala ka

