(Leaving him without notice) SINIKAP NI FORTNEY na pantayan ang pangangailangan ni Garette. Ibinigay niya ang lahat ng nais nito. Tila wala ng katapusan ang init na nasa kanilang mga katawan. Ang paulit-ulit na pagniniig nila ay walang katumbas na kahit na anumang bagay sa mundo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses nilang narating ang langit. At hindi niya rin akalain na kayang sabayan ang labis na lakas ng binata. Wala itong sinayang na sandali dahil tanging ilang segundong paghinga lang ang pahinga nila kasunod muli ng paulit-ulit na pag-angkin nito. Walang kapaguran siya nitong binali-baliktad at ganoon din ang ginawa niya sa binata. Wala siyang inaksayang oras upang mapaligaya ito katulad ng pagpapaligaya sa kanya. Ang walang humpay nitong pagbaon at paghugot ng kahabaan sa k

