(His real happiness) MAAGANG UMALIS ng mansiyon si Fortney. Nag-text na lang siya kay Ali na hindi siya papasok at alam din ng kapatid niya na makikipagkita siya kay Garette. Iyon na yata ang araw na hindi niya gugustuhing matapos. Kung sana ay pwede na lang na magkasama na lang sila ng lalaki segu-segundo, minu-minuto, oras-oras at araw-araw. Desidido na siya sa gagawin niya. Masakit man ngunit kailangan. Nasa kalagitnaan na siya ng pagmamaneho nang tumawag si Garette. Saktong nag-stop light kaya nagawa niyang sagutin iyon agad. “Hello, Garette?” pinasigla niya ang kanyang boses. “Bakit ka tumawag?” “Papunta ka na ba rito? Sana sinundo na lang kita.” “Ano ka ba? Kaya ko namang pumunta eh.” “Ginugulat mo ako, sweetheart. Pinasasabik mo talaga ako.” “Minsan lang naman ito. Ayaw mo

