bc

Owning a Vladimier

book_age18+
28
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
independent
heir/heiress
bxg
serious
loser
musclebear
seductive
like
intro-logo
Blurb

Julian has to marry the wealthiest businessman and mafia leader of Russia even though he doesn't have feelings for the older man. Matutulungan na niya ang kumpanya nila, matutulungan din siya nitong pagalingin ang kanyang sugatang puso. Ngunit paano kapag nalaman niya na ito ang nag-set up sa dating niyang nobyo na magpakasal sa iba para mahulog siya sa mga palad nito? Ano ang gagawin niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Jayson Vladimier Jr. went inside a tall building followed by the Vladimier men. Imbitado sila sa kasal ng pamangkin ng presidente ng bansa at ang reception ay ang isa sa pinakamalaking hotel dito sa Russia. Hindi sana siya dadalo dahil nasasaktan din siya para sa kanyang pinsan na si Julian na dating nobyo ng groom na si Alexei ngunit kailangan ngayon doon ang kanyang presensiya bilang kumakatawan sa Vladimier Group. At hindi lang iyon tungkol sa negosyo kundi pati na rin sa mafia group nila. Marami silang kaalyansya na naroroon ngayon at alam niya na ang okasyong tulad nito ay isa ring pagkakataon upang makilala ang iba pang lider ng mga organisasyon sa buong Russia bukod syempre sa mga oportunidad sa negosyo na pwedeng mahulog na lang basta sa kanyang mga kamay. Kailangan niyang magpa-impress sa matatanda lalo na sa Kuya Azyra niya na siyang kasa-kasama nila ni Julian sa pagpalago ng Vladimier Group of Companies. Ito nga sana ang dadalo ngunit may biglaan na lakad ito na hindi nito maipagkakatiwala sa kanya kaya siya na lang ang pinapunta rito ngayon. Hindi naman niya maaasahan si Julian dahil busy pa ito sa pagpapagaling sa puso nitong sugatan. "Mr. Vladimier," bati sa kanya ng isang lalaki na nakasuot ng itim na suit. Tumango rito si Jayjay at sinundan ito dahil ihahatid sila nito sa mesa na nakalaan para sa mga Vladimier. Nang maupo na siya at ang mga tauhan sa mga bakanteng silya ay napasulyap siya sa pangalan na nakalagay sa isang papel na nagsasabing ito ang table na laan para sa mga Vladimier. Napangiti siya nang mapait nang makita ang pangalan nila ng kanyang mga pinsan. Are these bloody fools expecting Julian's presence? Pagkatapos nilang puwersahin ang kadugo nila na makipaghiwalay sa pinsan niya dahil may nabuntis itong babae? Iniisip nga ni Jayjay baka sinet up ng sarili nitong pamilya ang lalaki. The guy was so in love with Julian. They've been dating for almost four years. College student pa lang sila nila ni Julian ay makarelasyon na sila. Ito ang tumanggap at nagmahal kay Julian sa kabila ng kaalaman nito tungkol sa nangyari sa kawawa niyang pinsan. They were a perfect couple until recently when the guy got entangled on a scandal with the woman who claims that he is the father of her child. Since they belong to a political family, the guy has to marry that woman leaving his dear cousin with a broken heart. Hindi naman sila pwedeng makialam dahil pangalan na ng lalaki ang nakasalalay sa wskandalong kinasasangkutan nito. Saka lang nawala ang madilim na ekspresyon ni Jayjay nang may mga lumapit sa kanyang kalalakihan at bumati. May mga kasama ang mga ito na ipinakilala sa kanya. Naging abala si Jayjay sa pakikipag-usap sa mga ito kaya naman hindi na niya napapansin ang nangyaring programa ng kasal. Malayo rin naman ang kinaroroonan nila sa talagang reception mg kasal. Ang lugar na kinauupuan nila ay talagang intended for business. Bumabaha ang mga pagkain at alak. Jayjay can say na sadyang pinagkagastusan ang kasal to impress the public. But of course, he wouldn't enjoy it. He wouldn't even dare show his face to Julian's ex kahit na naging malapit din ito sa pamilya nila. Para na rin niyang pinagtaksilan ang pinsan kung babatiin pa niya ito sa kasal nito sa iba. Katatapos lang linisin ang mesa nila ng mga waiter at naglapat ang mga ito ng isang bote ng mamahaling kopita at mga wine glass nang isang grupo ng kalalakihan ang lumapit sa mesa nila. "Mr. Jayson Vladimier, Mr. Ivan Dmitrch Petrov would like to speak with you, Sir." Pinagtaasan ni Jayjay ng kilay ang lalaking humihingi ng kanyang permiso at saka bumaling ang kanyang tingin sa lalaking nasa likuran nito. Kilala niya ang lalaki. Ito ang leader ng pinakamalakas at makapangyarihang Mafia group sa buong Russia. Isa rin itong tusong businessman. Halos kalahati yata ng businesses dito sa Russia ay pagmamay-ari nito and he has a partnership with the rest. He's the literal multi-billionaire of Russia. Tumayo si Jayjay bilang pagbibigay-galang dito. "Mr. Petrov, it's a pleasure to meet you." Inabot ng 38 years old na lalaki ang kamay ni Jayjay at nagkamay sila. "Please, sit down, Sir," paanyaya ni Jayjay sa lalaki. Nagsipagtayuan naman ang mga tauhan niya upang maglaan ng puwesto para sa lalaki. Nang umupo ang lalaki ay pinaikutan ng mga tauhan niya at ng tauhan ng mga Vladimier ang mesa upang ipakita sa ibang bisita na pribadong nag-uusap ang dalawang leader ng mafia organization. "Glad to see you here, Mr. Vladimier. I was supposed to ask my secretary to schedule a meeting with you." Nagdikit ang mga kilay ni Jayjay sa sinabi ng lalaki. Bakit gusto siyang makausap nito? Wala ng interest ang Vladimier Group na sumali pa sa kumpitesyon ng mga mafia group dito sa Russia. Mas abala na sila sa pagpapadami ng kanilang mga business. Ang tanging rason kung bakit nakatayo pa rin ang kanilang grupo ay para sa proteksiyon ng kanilang pamilya at mga negosyo. Samantalang si Mr. Petrov ay aktibong-aktibo sa buong Russia at sa karatig na bansa. Kaya naman labis na nakapagtataka para kay Jayjay na bibigyan nito ng pansin ang kanilang maliit na mafia family. O baka naman gusto nitong makisosyo sa negosyo nila. That would be great. Siguradong ma-iimpress sa kanya ang Kuya Azyra niya dahil sa possible partnership nila kay Mr. Ivan Dmitrch Petrov. "We used to be friends with the groom, Sir. And this place right now has all the businessmen in the entire Russia. I was seeking a possible partnership with the others. Anyway, is there anything that the Vladimier Group could do for you, Sir?" Ngumiti ang lalaki at saka uminom sa alak na dala nito. "You have something that I want, Mr. Vladimier." Nakangiti pa rin itong tumingin kay Jayjay. "Something?" naiintrigang tanong ni Jayjay. "Oh, my apologies. It shouldn't be something. It's someone... someone that I really want to have for a long time now." Ngumisi ito kay Jayjay na nagdidikit ang mga kilay. Nang tumingin ang lalaki sa pangalan nila nina Julian na nasa mesa ay nanlalaki ang mga mata niya at bigla siyang pinanlamigan ng buong katawan. "And Mr. Vladimier..." Nakanganga pa rin si Jayjay sa harap ng bilyonaryo hanggang ngayon. Hindi makapaniwala na interesado ito sa pinsan niya. Napangisi naman ito habang pinagmamasdan si Jayjay. "I suggest you to listen well to what I want to offer you and the Vladimier Group once you could bring him to me." ... "Where the hell is Julian?" kaagad na tanong ni Jayjay sa kasambahay nang makapasok siya sa loob ng sariling bahay ni Julian. "Sir, lumabas po siya kanina," nasisindak na sagot ng kasambahay sa kanya. "Anong oras daw siya babalik?" nagmamadaling tanong ulit ni Jayjay. Hindi siya matatahimik hanggang hindi niya nakakausap ang pinsan niya. "Magpupunta raw po siya sa bar. Baka hatinggabi na po siyang makakauwi o di kaya ay bukas na po." Ibinagsak ni Jayjay ang sarili sa couch na nasa living room sa sobrang frustration na bumabalot sa kanya sa mga sandaling iyon. Katatapos lang ng pag-uusap nila ni Mr. Petrov at dito siya agad dumiretso upang magtanong sa pinsan niya ngunit hindi pala niya ito maaabutan. He was overwhelmed with the offer Mr. Petrov laid on him at gusto niyang ipaalam iyon sa mga pinsan dahil involved ang mga ito lalo na si Julian. Ngunit wala siyang Julian na nadatnan. "Could you just give me a black coffee, please? Bigyan mo na rin ang mga tauhan na naghihintay sa labas," hiling niya sa kasambahay. "Yes, Sir." Mabilis na tumalilis ang kasambahay samantalang si Jayjay ay nagdesisyon na magpahinga muna saglit at pakalmahin ang sarili. Mr. Petrov offered the Vladimier Group a multi-million dollar deal ngunit may hinihingi itong kapalit - ang kanyang pinsan na si Julian. And no, hindi lang basta si Julian. He wants Julian's name. Matapang ang kape na dinala sa kanya ng kasambahay at nagawa nitong pakalmahin ang kalooban ni Jayjay. Nang kalmado na siya nang tuluyan ay inabot niya ang kanyang phone upang tawagan si Azyra. "Kuya, you wouldn't believe who I talked to at the wedding reception," kaagad niyang sabi sa pinsan pagkasagot na pagkasagot nito sa kanyang tawag. "Don't make me guess, Jayjay. Katatapos lang ng meeting ko at masakit ang ulo ko. Spill it out," nag-uutos nitong sabi na nagpasimangot kay Jayjay. Hanggang ngayon ay parang tau-tauhan lang siya kung kausapin na kanyang pinsan na si Azyra Salvador. "Well, the richest man in Russia came to offer me a multi-million deal, Kuya," may pagyayabang niyang saad upang matauhan ito at maisip na asset din siya ng kumpanya nila. Ngunit nang maalala kung ano or rather kung sino ang nakasasalay sa business deal na iyon ay nawala ang ngiti niya. "Great. And when are we going to sign that deal with them?" Natahimik sandali si Jayjay bago nagsalita. "Well, the man said that we will sign the deal during his wedding." "How convenient," panunuya ni Azyra. "Sa kasal pa talaga niya. So when would that happen?" "Kapag pumayag na si Julian, Kuya." Matagal na natahimik sa kabilang linya ngunit naririnig naman ni Jayjay ang paghinga ng nakatatandang pinsan. "Ku---" "What?!" Nailayo ni Jayjay ang phone niya sa tenga niya dahil sa lakas ng boses ni Azyra. "What are you saying, Jayson Vladimier Jr.?" Huminga nang malalim si Jayjay bago nagsalita. "He wants Julian in exchange of the deal, Kuya. He wants to marry our cousin."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.3K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.1K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.2K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
37.5K
bc

The Sex Web

read
132.3K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook