Ibinaba ako ni Jared sa isang fastfood chain at mula roon ay kumuha ako ng taxi at nagpahatid sa ospital gamit ang perang ibinigay niya sa akin. Hindi ko na iyon tinanggihan dahil wala akong anumang dala maliban sa suot kong damit na galing din sa kanya at sa wedding band ko. Nang ibaba ako ng taxi sa tapat ng ospital, hindi pa yata ako nakakasampung hakbang ay may tumabi na sa aking dalawang kalalakihan. They are Ivan's bodyguards. "Sir Julian," bati sa akin ng isa. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sila. "I'm sorry but you are not welcome here anymore." Hindi ko mapigilang mapasinghap sa sinabi niyang iyon. Nang lingunin ko ang isa pa, nasa mukha nito ang pagsang-ayon sa sinabi ng kasama nito. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang damdamin ko. Naghahalo kasi roon ang g

