Nang makabalik ako sa kuwarto ko ay agad akong dumiretso sa kama at nahiga. Pabalik-balik sa isipan ko ang mga napag-usapan namin ni Cymon sa kuwarto niya kanina.
Is Ivan really here? Nagtatago ba ito at tanging ang mga tauhan lang ang pinagagalaw para bantayan ako? Was he satisfied with that?
Hindi ko napigilan na igala ang paningin ko sa suite. May inilagay kaya silang hidden camera dito para kahit nandito ako sa loob ng suite ay mababantayan niya ako? Although, curious ako kung talaga ngang may hidden camera sa suite ko, hindi ko sinubukang hanapin iyon. I don't want him to know na alam na namin ng pinsan ko na nandito siya unless may hidden camera din sa suite ni Cymon at narinig niya ang mga pinag-usapan namin ng pinsan ko kanina.
Malakas talaga ang suspetsa ko... ang instinct ko. Pero mapapatunayan lang iyon kung talagang may darating na pizza para sa akin mamaya.
My phone pinged. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pantalon ko at binasa ang mensaheng natanggap ko na galing kay Cymon. He informed me na nakapatawag na siya sa receptionist para sa order kong pizza.
Now, the countdown begins.
But while waiting, I need to stalk my siblings' social media account to see whether they're still panicking. Nag-log in ako sa dummy account ni Cymon. Una kong tinignan ang posts ni Jessica. May mga post pa rin siyang pinapauwi ako pero hindi na halos oras-oras. She just posted twice about asking me to go home today. Nagpunta ako sa socmed ni Ate Mikaella. She has no post for today. Hmm, fishy. Lalo tuloy lumakas ang hinala ko na alam na nila kung nasaan ako as of today.
Well, since wala pa naman sila rito para hilain ako pabalik sa Manila, I'm guessing Ivan has told them already. Baka nga nakiusap pa siya sa pamilya ko na hayaan akong magbakasyon muna nang mag-isa gaya ng ginagawa niya.
I think I owe it to him... my sugar daddy.
Natawa ako sa palayaw na itinawag sa kanya ni Cymon. Sugar Daddy talaga. Well, he's really acting like one sa simula pa. Expensive gifts, billion dollar accounts, mansion, car? Only a sugar daddy provides those luxuries.
I can't believe that I found a sugar daddy unexpectedly.
Well, baka naman ngayon lang siya mabait. Once he has married me, bawiin din niya ang lahat ng naibigay niya. Baka nga I have to work free pa sa company niya. O di kaya, ikulong na lang niya ako sa bahay niya at gawing parausan niya.
Well, what would I expect from a mafia boss and a shrewd businesman like him? Should I really believe that he's in love with me? Ang napakalaking tanong kasi at kung bakit ako pa? Am I that good looking enough to attract him? To make him fall in lov Napakarami namang lalaki sa Russia—models, actors, heirs. Ako pa talaga na used and abused ang napili niya.
When my cousins talked about him before, there was an underlying tome telling me that I should be proud that he has chosen me. But why can't I feel it yet? After all that he has given me, why can't I fall for him yet?
A knock on the door made me stand up. Biglang kumabog ang dibdib ko. Is this the confirmation I was waiting for?
Kabado akong nagtungo sa pinto ng suite ko at bago ko buksan iyon, huminga muna ako nang malalim. I then unlocked the door and slowly opened it. Ang una kong nakita ay isang lalaking naka-white long sleeves at necktie. Nang bumaba ang tingin ko ay nakita ko ang isang cart na nasa harapan niya. There are plates there containing food and there arw also bottled water and canned juice.
Nang muli akong bumaling sa lalaki ay nakatulala siya sa akin. Oh, yeah. Forgot to wear a mask. Am I really that good looking para mapatulala siya sa akin? Well, my biological mom is half Italian and Russian tapos Papa is a Filipino. So siguro nga sa mata ng ibang tao ay maganda ang kumbinasyon ng mga dugo nila kaya ganito ang itsura ko. Or maybe it's just the s*x appeal that makes people attracted to me.
"Are these for me?" tanong ko at saka lang siya napangiti at bumalik sa normal. Pero Hindi pa rin niya maitago ang madalas niyang pagbato ng humahangang tingin sa akin.
"Good evening, Sir. Your dinner..." tukoy ng lalaki sa dala niya.
"Oh, okay. Did my cousin ask you to bring them here?" tanong ko habang binubuksan nang maluwang ang pinto at maipasok ng lalaki ang cart sa loon. Hindi ko alam kung makakahinga ba ako nang maluwag o madidismaya since dinner ang dinala dito sa suite ko at hindi pizza. It only means na walang Ivan na nagtatago sa dilim.
"Yes, sir. Nandito na rin po pala Ang request ninyong pizza."
Muntik na akong madapa sa pagsunod sa kanya dahil sa narinig kong iyon. Pizza?
Nakatulala ako sa lalaki nang kunin niya ang box ng pizza sa ibabang bahagi ng cart at ilagay sa mini dining table kasama na ang mga pagkaing dala niya.
"Tawag na lang po kayo kapag tapos na para makuha ko po yung mga pinagkainan ninyo," paalam ng lalaki sa akin.
Napatango na lang ako sa kanya dahil sa mga oras na iyon ay parang naipit ang lalamunan ko at walang boses na lumalabas sa akin. Nang makaalis na siya ay napabaling ako sa box ng pizza. Matagal akong nakipagtitigan sa box bago ko kinuha ang phone ko at nagpadala ng message kay Cymon. Iisang salita lang iyon pero nasagot niyon ang lahat ng mga tanong namin.
Confirmed.
...
"Aren't you hungry yet? Kanina ka pa tulala dyan," tawag ni Cymon sa atensiyon ko. Kasalukuyan na niyang kinakain ang pangatlong hiwa niya ng pizza.
"Kumain ka na. Malamig na itong pizza at dinner mo."
Itinakip ko ang kamay ko sa may bibig ko
"Cymon, how can I eat if he's here!" impit kong sabi sa kanya.
"Well, kung ipapahalata mo na kabado ka, then he'll suspect na alam mo na. Iisipin niya na tatakbuhan mo na naman siya kaya ang ending, baka magpakita na siya sa'yo."
"You're scaring me, Cymon."
"I'm just telling you some possibilities," sagot niya.
"What should I do? Should we go home?"
"Mas ipapahalata mo na kapag ginawa natin yan. Tsaka magtataka yung mga classmates ko. Magtatanong sigurado yung mga yun. Or worse, magtatampo kasi siguradong kapag umuwi tayo, sasama sila. Hindi matutuloy yung pagdi-disco nila mamaya."
I fisted my hands. They're trembling.
"Cymon, ninenerbiyos ako. I don't even know why."
"Gusto mong alisin natin ang nerbiyos mo, Couz?" Sunod-sunod akong tumango sa kanya.
"You need a drink."
"A drink?" ulit ko sa sinabi niya.
"Oo! Para makatulog ka agad mamaya at hindi mo na maisip iyang nerbiyos mo. Tapos bukas, paggising mo, breakfast lang tayo then uwi na. Tapos back to normal life na kahit may mga nagbabantay sa atin sa dilim. Teka, let me check kung ano ang pwede nating inumin sa mini bar.
Tumayo siya at nagpunta sa mini bar ng suite ko. Pagbalik niya ay may dala na siyang bote ng scotch at dalawang maliliit na baso.
"Ilang shot lang nito, for sure aantukin ka na." Tumango ako sa kanya. Maybe I really needed that.
Nagpunta ulit si Cymon sa bar at tila may hinahanap sa maliit na freezer na naroroon.
"Julian, look. Found some ice cubes there. Ang galing maman."
Napakunot ang noo ko. Ice cubes? Scotch? Parang...
"Here."
Napatingin ako sa basong inabot niya sa akin. Lumalangoy na ang ice cubes sa scotch.
"Gawin mong pulutan yung pizza at yung mga ulam na pang-dinner mo sana."
"Cymon, parang..."
"Julian, don't think of anything else. Uminom ka na lang kesa naman magdamag kang gising at natatakot na baka bigla ka na lang pasukin dito ng Sugar Daddy mo," pagbibiro niya sa akin.
Nagsususpetsang tumingin ako sa kanya. Bakit parang gusto niyang uminom ako agad at malasing?
"Are you going to follow your friends at the bar after coming here?" tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa ulo niya.
"Eh, cousin, sayang naman kung ako lang mag-isa ang matutulog sa kuwarto ko mamaya, di ba? Nalasing lang talaga ako kagabi kaya hindi ako nakapanghilanng chic, eh. Pero mamaya, sisiguraduhin kong may kasama na akong matutulog." Kumindat siya sa akin.
Napailing ako sa kanya.
"Really? One-night stands, Cymon?"
"Don't tell Mom. Syempre, lalaki Tayo. We have needs. Sa'yo bawal na pero sa akin, pwedeng-pwede pa."
"Do you have condoms with you?" tanong ko at pagkatapos ay uminom ng alak. Napangiti ako sa pait na dumaan sa dila at lalamunan ko.
"Of course, I have. I'm always ready when it comes to that," pagmamalaki pa niya. Tapos ay uminom din siya sa baso niya.
"Ayaw mo ba talagang sumama? Sandali lang tayo."
"No. Ayoko na. Matutulog na lang ako mamaya kapag medyo lasing na ako."
"Sige, kahit limang shot lang nito, aantukin ka na."
Tumango ako at saka pikit-matang ininom ang natitirang alak sa baso ko. Muli iyong sinalinan ni Cymon at bago ko pa namalayan, nakailang baso na rin ako.
Nang magpaalam si Cymon ay mainit na mainit na ang pakiramdam ko sa katawan ko. Thankfully, nagawa ko pang makapagbanyo para mag-toothbrush at makapaghilamos bago ako naglakad na parang pilay papunta sa kama. Patumba na nga ang ginawa kong paghiga dahil talagang umiikot na ang mundo ko.
But the problem was, kahit gustong-gusto ko na ang matulog, yung hilo ko pa rin ang kumukuha sa atensiyon ko isama pa na sobrang nag-iinit ang katawan ko so I decided to remove my sweater.
It was so fricking hard dahil pakiramdam ko ay naging jelly ang mga kamay ko at nawalan sila ng lakas. I exerted so much effort maaalis lang iyon sa akin and once I succeeded, I threw it.
"Damn, ang init, Cymon...!" naiinis kong bulong. Kahit wala na akong sweater ay naiinitan pa rin ako so I decided to remove my shirt and even my jeans as well.
At gaya kanina, pahirapan na naman sa pagtanggal ang naranasan ko dahil bukod sa nanlalambot kong mga kamay, ramdam kong hinihila na rin ako ng antok.
I decided to remove my jeans first. I tried to unbutton it a couple of times but I can't until I felt as if dumami ang kamay ko na nagtutulungan para maaalis ang pagkakabutones nito. Once done, I tried to push it down. And lo and behold, my hands extended dahil naitulak ko iyon hanggang sa mga paa ko. Parang spiderman pala na humahaba ang mga kamay kapag lasing na ang isang tao. You can make impossible things possible. Or maybe, just maybe, naawa sa akin ang guardian angel ko at nagdesisyon na tulungan akong mahubad ang pantalon ko.
Next, my shirt. Para akong uod sa paggalaw para lang maalis iyon sa katawan ko na hindi ako tumatayo. Unlike sa sweater kanina, mas mabilis ko iyong natanggal sa katawan ko. Thanks to my guardian angel who decided to help me once more. I even felt him fix me on the bed.
Pero bakit parang hinahaplos ng guardian angel ko ang hubad kong katawan? Ang mukha ko? Ang ulo ko. Ang mga labi ko? And then...
A pair of lips crashed into mine.