Nang makarating kami sa Baguio, ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa mukha ko. Russia is way colder compared to this place but I like the chill here.
Pumasok sa maluwang na parking area ng isang 7 floor building ang kotse ni Cymon.
"Welcome to Pines Apartment," nakangiting sabi niya sa akin nang makapag-park na siya. "Here, palitan mo yung suot mong jacket, baseball cap, at magsuot ka ng mask."
Napatingin ako sa mga inaabot niya sa akin.
"May CCTV ang bawat sulok ng building namin, Julian. Who knows, baka pinahahahanap ka na ngayon. For sure, alam na ni Jessica na umalis ka. And most likely, isa sa magiging suspect si Mommy. At kapag suspect siya, siguradong pati kaming magkakapatid ay iche-check nila. Ayaw mo naman sigurong umuwi agad pabalik sa fiance mo, di ba?
Tumango ako sa kanya at nagmamadaling hinubad ang suot kong jacket at isinuot ang bagong bigay niya.
Cymon is younger than me at 20 pero nakasanayan na niyang hindi ako tawaging Kuya. He's also so smart at sa pagkakaalam ko, second course na niya ang kinukuha niya ngayon. He attends Saint Louis University and he graduated from his first course which was Biology there when he was just 18. Pinagbigyan lang daw niya ang Dad niya na isang doktor sa gusto nito thinking na susunod si Cymon sa yapak nito gaya ng Ate niya. Ngunit imbes na ituloy sa medicine, computer engineering na ang kinukuha niyang kurso sa kasalukuyan.
"It's called an apartment but it's more of a condo siya," pagpapaliwanag sa akin ni Cymon habang naglalakad na kami papasok sa building.
"I'm surprised you don't own the building," pagbibiro ko sa kanya.
"Well, my aunt does. Pero hindi naman porke auntie ko siya ay libre na akong titira rito. I have the capacity to pay anyway at ayoko siyang malugi siya nang dahil sa akin. This is business after all." Napatango ako. May point din naman siya. Ganon din naman ang gagawin ko kung sakali.
"Anyway, Julian, we will live in separate units. In case paimbestigahan din ako nina Uncle Jurace, walang makakapagsabi na nakatira ka sa akin. I can easily manipulate the apartment's CCTV system but we still need to be careful," sabi niya sa akin ang nasa elevator na kami.
Napabilib ako ng pinsan ko. He's indeed very smart.
"Dito na muna tayo sa unit ko. Mamaya, titignan natin yung unit mo bago tayo pupunta sa mall for some shopping."
Napatingin sa wooden door. Nakalagay doon ang unit number 508. Binuksan ito ni Cymon sa pamamagitan ng fingerprint system at ilang sandali pa ay nasa loob na kami.
Maluwang iyon. May sariling living room kung saan may malaking smart TV, bar, dining area, at kitchen. Dalawa rin ang kuwarto.
"Ganito rin sa unit mo. Upo ka muna at magluluto ako ng pagkain natin. Do you prefer rice or bread?" tanong niya habang naglalakad papunta sa kitchen pagkatapos niyang ipatong sa couch ang mga dala niyang paper bags.
"I prefer rice. Let me help," saad ko at sumunod sa kanya. Ilang sandali pa ay abala na kaming dalawa sa pagluluto. I prepared the rice while he cooked tocino.
"That's smells good," puri ko.
"Minsan ka lang makatikim ng Filipino tocino sa Russia, 'no?" saad niya while he was preparing some salad. Umupo ako sa isa sa mga upuan ng dining table at pinanuod siya.
"Yeah. Wala na kasi akong time para sumama sa grocery at bumili. Kinakain ko na lang ang inihahanda nila sa bahay. You're good at preparing meals, huh?" pansin ko kasing sanay na sanay siya sa mga ginagawa.
"Well, you know Mom. She trained us well bago kami pinayagang mag-solo living. She said, kailangan naming matuto or else mamamatay kami sa gutom."
"At what age did you start studying here?" curious kong tanong sa kanya.
"Fourteen. I graduated high school at the age of thirteen, eh."
"Buti pinayagan ka na agad nina Auntie at Uncle."
"I wanted to be independent at a young age. Besides, they always nag me so I decided na dito sa Baguio mag-aral para malayo sa kanila."
Natawa ako sa pagbibiro niya. I can't help but be jealous of how easy it had been for him. Unti-unting nawala ang ngiti ko. When I was at his age, I was suffering at my own home. Ipinilig ko ang ulo ko. I promised my self to forget about my dark past but sometimes, sumisingit pa rin ito sa isipan ko.
Napatingin kaming pareho ni Cymon nang biglang mag-ring ang phone niya. Sinilip niya ito.
"Mommy's calling," pagbabalita niya sa akin.
"Should I answer it for you?"
"No. Ako na."
Inilapag na niya ang mga hawak at kinuha ang phone. He signal me to stay quiet before answering his phone.
"Ma," bati niya sa ina. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses ni Auntie Coco.
"Is he there?"
"Yeah. Is the ground safe?"
"Yes, hijo. Let me talk to your cousin," utos nito sa anak. Saka lang iniabot sa akin ni Cymon ang phone niya.
"Auntie," bati ko agad nang itapat ko na ang phone sa mukha ko.
"Julian, my favorite nephew!" masiglang bati niya sa akin. I can't help but smile sweetly at her. She's older than Papa but she looked ten years younger than him because of how young her face is.
"I can't thank you enough for saving me, Auntie."
"It's no problem, Julian. Anyway, mag-stay ka lang dyan sa Baguio hanggang gusto mo. Your cousin loves that place and I hope you'll love it, too. I've sent him some money for your things. Kapag kinulang, Cymon also has one of my cards. Don't be shy in telling him what you want, okay?"
"Thank you, Auntie. Auntie, did Papa...? Did they...?"
Nawala ang ngiti ni Auntie sa tanong na Hindi ko matapos-tapos sambitin.
"He did. He called me early this morning asking me if you've called me since you've arrived. Sinabi kong hindi ka pa tumatawag sa akin and I've been busy, too kaya nawala sa isip kong dumating ka na dito sa Pilipinas. You know, I'm really so glad I was a part of a theater when I was in college. Nagamit ko yung talent ko sa pag-arte." Napangiti ako sa sinabi niyang iyon.
"Julian, your fathers should learn that they should not push you into a marriage you are not ready for. That man may give billions of dollars as his dowry but you must matter more to the Vladimier family."
Sa sinabi niyang iyon ay tila nakaramdam ako ng suntok sa dibdib. Ang pilit kong inaalis sa isipan ko ay nasabi ng auntie ko gamit ang ilang salita lang.
"You're worth more than some billion dollars, Julian. Enjoy your singlehood hanggang gusto mo."
"Thank you for understanding me, Auntie." Ngumiti ako sa kanya kahit maluha-luha na ang mga mata ko.
"I will be contacting you through Cymon, Julian. Since it's weekend, mamasyal kayo pagkatapos ninyong mamili. Sobrang ganda dyan sa Baguio. Sulitin mo hanggang hindi ka pa nila nasusundan dyan," pagbibiro niya kaya natawa ako.
"Yes, Auntie. I will."
...
Pagkatapos ng breakfast ay lumabas na kami ni Cymon sa unit niya at nagtungo sa unit ko. Gaya ng sabi niya, halos magkapareho lang ang itsura ng unit naming dalawa. With the same get up, we went down the building at naglakad na kami dahil halos 10 minutes walk lang mula sa apartment niya hanggang sa Session Road.
I've never felt so much freedom while I was walking along with him. Sa Russia kasi ay nagtrabaho na ako agad pagkatapos kong grumaduate. I only go out with my boyfriend or my cousins kaya parang may bantay pa rin ako at gindi magawa ang lahat ng gusto ko.
"Kapag nasa school ako at maiinip ka sa unit mo, pwede kang maglakad-lakad at mamasyal nang mag-isa. Hindi ka naman mawawala basta tatandaan mo iyong mga nadaraanan natin," Cymon said. Iginala ko naman ang tingin ko sa paligid.
"Kung mawawala ka, tawagan mo lang ako sa phone or sa messenger. I was thinking na yung isang dummy account ko na lang ang gamitin mo sa messenger para Hindi ka na gumawa ng panibago."
"You have dummy accounts?" natatawa kong tanong.
"Lahat yata ng tao sa mundo bukod sa inyong magpipinsan ssma father side ay may dummy accounts. Mind you accounts hindi lang account." Nagkatawanan kami.
"What are those for? Why create a lot?"
"Well, pang-stalk. Pang-warrior kapag ayaw mong ipakita ang mukha mo at ipaalam ang totoong pangalan mo." Lalo akong natawa sa sinabi niya.
Humihingal na kaming pareho nang makarating kami sa mall. Nananakit na rin ang paa ko.
"Malayo din pala," I told him.
"Malapit lang. Pataas kasi yung mga nilakaran natin kaya na-stress yung muscles ng mga binti natin. Tara, bili na tayo ng mga damit mo."
"Okay."
Ilang shops din ang pinasok namin at sa bawat isa sa kanila at may binibili kaming damit. We even bought some sweaters and jackets for me and Cymon. Sabi niya, nangongolekta talaga siya ng mga jackets. We even bought some pajamas and underwears for me.
Ilang shopping bags na ang bitbit namin nang matapos kami. We then went to a tech shop to buy a tab. Then we had some donuts, bought some food for our late lunch and dinner, did a little grocery which mostly consist of food, at pagkatapos ay nag-taxi na kami pauwi sa apartment niya.
Nang makauwi na kami ay sa unit ko kami dumiretso. Tinulungan ako ni Cymon na ayusin ang mga pinamili namin at pagkatapos ay inilagay na niya ang dummy account niya sa tablet ko. Napagod ako sa mga ginawa namin kaya nakatulog ako pagkatapos. He woke me up at 9 pm for our late dinner sa unit ko and then we watched some movies sa tv na naka-install na sa unit ko bago siya bumalik sa unit niya.
I really enjoyed the day na nakalimutan ko kahit papano ang ginawa kong pagtakas mula kay Ivan Petrov.