"So, hindi kayo natuloy sa honeymoon ninyo dahil sa mag-ina niya." Napatingin ako kay Ate Jessica. Kasama niya ang Ate Mikaella ko na dumalaw sa akin nang malaman nilang hindi kami natuloy ni Ivan sa biyahe namin. Kaagad silang nagsabing dadalaw para kamustahin ako na agad ko namang sinang-ayunan. Ngayon nga ay sinasabi ko sa kanila ang dahilan kung bakit naririto pa rin kami sa Russia. Ate Jessica's brow was raised and there was a malice in her tone. Hindi ko na sana iyon papansin but I just couldn't let it go. "How heartless would he be kung uunahin pa niya ang honeymoon kesa sa anak niya, Ate. And of course, kasama na roon ang ina ng bata," I said in defense of my husband. "But he must have priority and clearly, hindi iyon ang pagiging mag-asawa ninyo," hindi nagpapatalong saad

