Nang lumingon si Jaksawn sa kaniya ay salubong ang makakapal na kilay nito. Sa galit ni Mimi ay itinaas niya ang middle finger niya dito. She saw the man's lips parted. Magsasalita pa sana ito nang biglang tumunog ang cellphone ng lalake. Walang salita na nilisan siya nito habang may kausap sa cellphone. Hinihingal si Mimi nang muli siyang maupo sa sofa. Tumawag siya ng waiter at pagkatapos ay nag-order siya ng makakain. Kailangan niyang ibuhos ang kaniyang inis sa pagkain dahil talagang nasagad nung Jaksawn na iyon ang kaniyang pasensiya. "Who is he to tell me that? kahit ang isang presidente ay wala sa posisyon na magsalita ng ganoon! hindi pa nga niya alam ang aking kakayahan. Tapos ako pala talaga iyong tintukoy niya na basura sa entrance pa lang kanina ng entertainment! so rude!"

