Kinabukasan ay maagang gumayak si Mimi upang tunguhin ang JYD'A Entertainment. Nagmensahe na rin siya kay Clark. Sinabi niya na siya iyong babaeng muntik na nitong masagasaan dahil hindi nito napansin na nag-red light na ang traffic lights kahapon. Mabilis naman ito na nagreply sa kaniya at sinabi na may oras ito upang makausap niya. Ngayong araw ay kikitain niya ito sa coffee shop na malapit sa entertainment na pinagtatrabahuhan nito. Ang totoo ay nasasabik na siya, mukha naman mabait si Clark at matutulungan siya nitong makapasok sa JYD'A entertainment. "My love!" Pababa na siya ng hagdan nang marinig ang boses ni Hilaryo. "Malapit na ang pagtatapos ni Hanna! imbitado ka sa salo-salo, ha? sabi ni nanay hindi daw puwede na wala ka!" Ngumiti siya sa lalake, "Oo, sige, pakisabi kay

