Nakatayo si Mimi sa gilid habang nakatingin kay Jaksawn na nakaupo at nakapadekwatro sa kaniyang mahabang sofa. Inililibot ng lalake ang mga mata sa kabuuan ng kaniyang apartment. Maliit lang iyon at para lang talaga sa kaniya. Hindi naman talaga sa rooftop ang kaniyang silid noon, ipinarenovate lang niya iyon simula nang mawala ang kaniyang ina dahil noong nasa dating unit nila siya ay nakaramdam siya ng matinding kalungkutan. Sa lahat kasi ng sulok ng dating tinutuluyan nila ay nakikita niya ang imahe ng kaniyang yumaong ina. Kaya nagpasya siya na lumipat sa rooftop. Nagustuhan rin naman niya dahil sa tuwing gabi kapag hindi siya nagtatrabaho ay nakatingin siya sa maliwanag na mga ilaw ng mga building sa kalawakan ng kanilang lugar. "Jaksawn," pagkuha niya sa atensyon ng lalake. "Hm

