Chapter 1

1176 Words
CELEBRITY SERIES 1: The Unexpected Celebrity by: Pennieee Chapter 1 Tunog ng keyboard ang maririnig sa buong silid ni Mimi. Gigil na gigil siyang nagtitipa ng mga sagot sa komento ng mga haters ni Marcus. Si Marcus ay isang sikat na artista. Magaling itong umawit at umarte, sikat rin itong modelo ng iba’t-ibang brand. “Naku, hindi ako naniniwala na hindi nagpagawa ng mukha iyang si Marcus! Halata naman tingnan mo iyong ilong, grabe!” “Ang sabi ay hindi naman daw ganiyan ang kulay ni Marcus dati! Sabi rin ay masama ang ugali! Dati fan ako niyan!” Siya si Miracle Hope Rossi, dalawampu’t tatlong taong gulang, isang animator at mahilig magbasa ng mga manga. Mahilig din siyang kumanta at magsulat ng mga kanta. Nakatapos na siya ng kolehiyo at ngayon ay siya ang nagpapatuloy ng apartment business ng kaniyang yumaong ina. “Naku! Nandito na naman ang die hard fan nitong si Marcus! Palagi na lang nakabantay sa comment section itong si IloveYouMarcus13! Peke iyang ilong ng idol mo!” Napakunot ang noo niya nang mabasa ang isang komento na siya ang tinutukoy. Kaagad na nagtipa muli si Mimi ng sagot gamit ang kaniyang dummy account. “Hoy! Para sabihin ko sa iyo, tunay ang ilong ni Marcus! Hindi mo ba alam na may lahi siya na amerikano?! Basher ka na hindi nagre-research!” “Kapal ng mukha ng mga ito!” Tutok na tutok ang mga mata ni Mimi sa computer habang naghahanap pa ng mga negatibong komento sa bagong post na larawan ni Marcus sa social media. Maraming positibong mga komento at may iilan na mga negatibo. Sinasabi ng mga ito na retokado si Marcus at kumakapit lamang kay Lindsay upang sumikat. Si Lindsay ay kapareha nito ngayon sa isang drama sa television. Inis na nagtipa muli ng sagot si Mimi sa mga bagong komento na nabasa niya. “Huwag kang mag-alala, mahal ko! Ipagtatanggol kita sa mga hinayupak na ito!” sabi ni Mimi habang nakatingin sa standee ni Marcus na nasa loob ng kaniyang silid. Ilang beses na siyang nakabasa ng mga pangit na komento at madalas niya iyong replyan. Dummy account naman ang gamit niya kaya’t alam niyang safe ang image niya. Iyon nga lang, kilala na siya ng mga haters ni Marcus bilang number 1 fan nito dahil palagi siyang sumasagot at ipinagtatanggol ang lalake sa mga ito. “Mimi!” Napalingon si Mimi sa pinto nang marinig niya na may kumakatok doon. Tumayo siya at kaagad na binuksan ang pinto. Nakita niya si Hilaryo na may hawak na isang platong pansit. Nakangiti ito habang nakatingin sa kaniya. “Oh, ano ang atin?” tanong niya sa lalake. “Hello, my love, kumain ka na? ito nga pala ang pansit, birthday ni Jiji. Pinapadala rin ni nanay sa ‘yo itong puto,” sabi ni Hilaryo sa kaniya. Si Hilaryo ay isa sa mga tenant niya. “Ah, salamat,” sagot niya at kinuha ang pansit at puto na inaabot nito. Nang isasara na niya ang pinto ay iniharang ni Hilaryo ang paa nito doon kaya’t naipit ito. “Aray!” Napangiwi si Mimi dahil sa sigaw ng lalake. Napaupo ito habang hawak-hawak ang paa nito na nasaktan at siya naman ay nakayuko at nakatingin dito. “Ano ba kasi ang naisip mo at iniharang mo ang paa mo sa pinto? May kailangan ka pa ba?” tanong niya. “My love, bakit ang sungit-sungit mo sa akin? sumisilay lang naman ako.” Napairap siya, “May ginagawa kasi ako, nagtatapos ako ng trabaho. Pakisabi na lang kay Jiji na happy birthday, pakisabi na rin sa nanay mo salamat. Malapit na rin ang bayaran ng tubig at renta ninyo, ipapaalala ko lang, iyong nakaraan nga ay hindi pa bayad.” Alam na niya ang susunod na gagawin ng lalake. Aatras na ito paalis. Ang madalas kasi na panakot niya kay Hilaryo ay ang bayad sa renta ng mga ito. Hindi naman siya iyong tipo ng landlady na maninigaw ng tenants para lang makabayad, kung alam niyang wala pang pambigay ay hindi na niya pipilitin. Iba lang itong si Hilaryo dahil napakakulit. Nais kasi nito na manligaw sa kaniya. Sinabi na niya na may boyfriend siya ngunit hindi ito naniniwala. Wala naman kasing pumupunta sa kaniya sa apartment, hindi rin siya umaalis ng bahay at talagang bantay siya ni Hilaryo. Alangan naman na ang sabihin niya na ang boyfriend niya ay si Marcus? Tiyak na pagtatawanan siya ni Hilaryo. Alam din kasi nito na fan na fan siya ni Marcus. “May kailangan ka pa?” tanong niya. Napakamot naman sa batok si Hilaryo at unti-unting umatras. “A-Ah wala na, sige! Alis na ako!” sabi ni Hilaryo at umalis na ito. Tinungo ni Mimi ang kaniyang maliit na kusina. Inilagay niya sa ibabaw ng lamesa ang pansit na mainit-init pa. Kumuha siya ng pandesal na nakasabit sa gilid at nagtimpla siya ng kape. Kahit tanghaling tapat ay nagtitimpla siya ng kape kasi iyon na ang nakasanayan niya. Kumuha siya ng platito at naglagay siya ng pansit. Nang maihanda ang kaniyang pagkain ay binuksan niya ang cellphone at nagpadala ng mensahe kay Marcus. “Nakita ko ang ibang comments sa bagong post mo na picture. Kaunti na lang naman ang mga haters. Halos lahat ay mga supporters mo. Galingan mo pa! Nandito lang ako lagi para sa ‘yo!” Napabuntong hininga siya nang makita ang mga sunod-sunod niyang mensahe kay Marcus na walang reply. “Siguro busy lang talaga siya sa taping.” Bulong ni Mimi sa sarili. Inilibot ni Mimi ang kaniyang paningin sa bahay niya. Puno ng mga poster at standee ni Marcus. Madalas pa siyang makipag-away sa mga fans nito noon para lamang makipag-agawan sa mga standee ng lalake. “Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay magkasama kami, hindi ko inakala na iyong pangarap niya na maging artista ay matutupad kaagad,” sabi niya sa sarili. Walang nakakaalam bukod sa kanilang dalawa. Kahit pa ang manager ni Marcus ay hindi alam na mayroon silang relasyon. Kinailangan kasi na isikreto upang matanggap ito na maging isang artista. Isa naman sa ipinagpapasalamat ni Mimi ay hindi siya binitawan ni Marcus. Hindi ito nakipaghiwalay sa kaniya para lamang makapasok sa showbiz. Pumayag na lamang siya na isikreto ang kanilang relasyon. Alam naman niya na napakaraming sikat na artista na may tagong relasyon at sino pa siya para mag-inarte? Lalo na ngayon. Sikat na sikat si Marcus at napakaraming magagandang artista at mga modelo ang ipinapareha sa kaniyang boyfriend. Minsan ay hindi niya maiwasan na ikumpara ang sarili sa mga ito. Napakasimple lamang niya na manamit at hindi rin siya palaayos ng mukha. Ni hindi nga siya marunong mag makeup. “Pero ako pa rin ang pinili ni Marcus kaysa sa kanila.” Napangiti si Mimi at tiningnan ang mga larawan nila ni Marcus na magkasama. “Malapit na tayong maglimang taon, mahal! Nasasabik na ako sa surpresa ko sa ‘yo!” Sa isang araw na kasi ay ang kanilang 5th year anniversary nila Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD