Chapter 2

1094 Words
CELEBRITY SERIES 1: The Unexpected Celebrity by: Pennieee Chapter 2 Kaagad na gumayak si Mimi nang makatanggap siya ng mensahe kay Marcus. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kaniyang mga labi dahil sa wakas magkikita muli sila ng kaniyang kasintahan. Sinabi nito na magkita sila sa convenience store malapit sa kaniyang apartment. Ang tagal na rin kasi simula noong huling pagkikita nila tapos ang alam niya pa ay may taping si Marcus ngayon pero nais nito na magkita sila. “Ayos na kaya itong pink hoodie ko? Gabi naman na, hindi na ako mag-aayos,” sabi niya at itinali ang mahaba niyang buhok. Nang makagayak ay kaagad niyang tinungo ang pinakamalapit na convenience store sa kanilang lugar. Nasa labas pa lamang siya ay nakita na niya si Marcus sa loob at nakaupo. Napangiti siya nang makita ang lalake. Naka puting jacket ito at nakafacemask. “H-Hey,” bati niya kay Marcus. Naupo siya sa tapat nito. Hindi siya makapaniwala! Alam niya kasi na nasa taping si Marcus ngayon! “I told you already to ignore the bad comments on my photos, right? Kilalang-kilala ka na ng mga haters ko. Ngayon iniisip nila na malapit kitang kaibigan dahil marami kang nalalaman na bagay tungkol sa akin,” sabi ni Marcus sa kaniya. Walang hello o hi. Iyon kaagad ang sinabi nito. Nawala ang mga ngiti niya. Ipinakita pa nito sa kaniya ang mga komento niya sa mga larawan nito. “You even mentioned about me having an american father. That’s true, Miho but you know that I don’t want to bring it in showbiz.” Napayuko siya, nasasabik pa naman siyang makita si Marcus akala niya ay ganoon rin ito dahil nagmessage ito na magkita sila ngunit iyon pala ay upang paalalahanan siya sa mga komento niya sa mga larawan nito. “I’m sorry,” sabi niya sa mahinang boses habang nakayuko. Akala pa naman ni Mimi ay magkakaroon na sila ng moment ni Marcus ngunit iyon pala ang mga nais sabihin nito kaya sila nagkita. “Stop commenting, Miho. Huwag mo nang patulan ang mga masasamang komento na makikita mo. Sa showbiz hindi iyon maiiwasan, walang artista na walang bashers. Lahat ay magkakaroon at magkakaroon. Ako tanggap ko, ikaw din ay dapat matanggap mo. Hindi iyong lahat ng bad comments ay papatulan mo.” Napalunok siya at napalabi. Pinipigilan niya na hindi maluha. Miss na miss na niya si Marcus tapos ngayon na lang sila ulit nagkita na-disappoint niya pa ito. “P-Pasensiya ka na, ayoko lang naman kasi nakakabasa ng mga pangit na komento tungkol sa ‘yo kaya hindi ko maiwasan na patulan sila,” sabi niya. Nang tumayo si Marcus ay napaawang ang mga labi niya. “A-Aalis ka na agad?” tanong niya sa lalake. “Ito lang naman ang dahilan kung bakit ako nakipagkita sa ‘yo. My manager also asked me about this dummy account user who knows a lot about me. Nagduda siya dahil maraming mga private information na tungkol sa akin ang sinasabi ng dummy account na ginawa mo, Miho. Kaya nakipagkita na rin ako ng personal sa ‘yo para paalalahanan ka at para na rin matigil ang pagkokomento mo.” Hindi niya alam na ganoon na pala kalala na pati ang manager nito ay napansin na siya. Nang maglakad palabas si Marcus ay napatayo siya at sinundan ito. Naalala niya na anniversary nila bukas. “M-May gagawin ka ba bukas?” tanong niya. Lumingon si Marcus sa kaniya bago ito sumakay sa sasakyan nito. “Work from home ako bukas, Miho, bakit?” Umiling siya ng sunod-sunod at nagpaalam na. “Wala naman! Sige, mag-iingat ka, ha?” Tumango si Marcus at sumakay na ito sa loob ng sasakyan. Siya naman ay ngiting-ngiti. Mabuti na lamang at walang taping si Marcus bukas maaari niya itong surpresahin sa condo nito. Bumalik si Mimi sa loob ng convenience store upang mamili na lamang ng mga pagkain. Inspired siyang magtrabaho ngayon dahil nagkita silang muli ni Marcus kahit na pinagbawalan siya nito sa pagsagot sa mga bashers. Habang kumukuha ng mga cup noodles si Mimi ay napansin niya ang isang lalake na nakatingin sa corner ng mga tsokolate. Naka facemask ito at naka black leather jacket. Napakunot ang noo niya nang mapansin na matagal itong nakatingin sa mga tsokolate na nandoon. “I want one.” Dinig niyang sabi ng lalake. Wala kaya siyang pambili? Tanong ni Mimi sa sarili. Ngunit nang pasadahan niya ng tingin ang lalake ay mukhang mayaman naman ito. Hindi na lamang pinansin ni Mimi ang lalake at pumunta na lang siya sa corner ng mga sabon. Dahil sa maliit lamang ang convenience store ay muli niya na naman na napansin ang lalake nang magbabayad na siya. Naroon pa rin ito sa corner ng mga tsokolate at nakatayo pa rin ito doon! Magbabayad na sana si Mimi kaya lang ay hindi na siya nakatiis. Kumuha siya ng tatlong tsokolate at kaagad na pumunta sa counter. Ipinahiwalay niya ng lalagyan ang tatlong tsokolate na binili. “754 lahat tapos 165 iyong tatlong tsokolate,” sabi ng cashier. Nag-abot si Mimi ng isang libo. Nang mabayaran na niya ang mga pinamili ay nilapitan niya ang lalake na nandoon pa rin at nakatingin sa mga tsokolate! “Eto,” sabi niya at iniangat ang maliit na paperbag na naglalaman ng tatlong tsokolate na binili niya. Napatingin sa kaniya ang lalake at nakita niyang nagsalubong ang makakapal na kilay nito. Hindi man niya nakikita ang mukha ng lalake ay alam niya na nais nitong malaman kung ano ang ginagawa niya. Nilingon ni Mimi ang cashier at tinawag. “Kuya! Bayad na itong tatlong tsokolate, ha? Huwag mo nang singilin itong lalake dito,” sabi niya. Tumango naman sa kaniya ang cashier. Nang humarap siyang muli sa lalake ay nakita niyang humalukipkip ito. “What are you doing, woman?” tanong ng lalake sa kaniya. Napataas ang mga kilay ni Mimi nang muling marinig ang boses nito. “Ibinili kita ng tsokolate kasi kanina ka pa nakatingin diyan tapos sabi mo, ‘I want one’ mukhang wala kang pambili, kaya eto.” Binuksan ni Mimi ang paper bag at ipinakita ang tatlong tsokolate. Kinuha niya ang kamay ng lalake at inilapag sa palad nito ang maliit na paper bag. “Walang anuman!” sabi niya at nginitian ito. Nang tumalikod siya ay hindi naman niya narinig na tinawag siya ng lalake kaya’t dumiretso na siya sa kaniyang apartment. Sa klase naman ng pananalita at pananamit ay mukhang mayaman ang lalakeng iyon. “Pero bakit parang wala siyang pambili?”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD