Chapter 3

1406 Words
CELEBRITY SERIES 1: The Unexpected Celebrity by: Pennieee Chapter 3 Nakaharap ngayon sa salamin si Mimi habang tinitingnan ang kaniyang makeup. Nanood lamang siya sa youtube at hindi na nagpaayos pa sa parlor, gastos pa kasi iyon. Nakasuot siya ng purple dress na binili pa niya sa palengke, bumili rin siya ng heels at contact lens at kinulot niya pa ang mahabang buhok. Pinaghandaan niya talaga ang araw na iyon dahil espesyal ito para sa kaniya. “Mabuti na lang at naroon lang siya sa condo niya ngayong araw,” sabi niya habang nakatingin sa salamin.  Nang masiguro na wala na siyang dapat pa na ayusin sa sarili ay lumabas na siya ng kaniyang silid at kinuha niya ang paperbag na naglalaman ng mga regalo niya kay Marcus at saka siya lumabas na ng kaniyang bahay. Ngayong araw ang 5th year anniversary nila at hindi na siya makapaghintay na makita ito. Nai-imagine na niya ang gulat sa mga mata ng lalake. Pinasadahan niya ng tingin ang loob ng paperbag na naglalaman ng mga iniluto niyang pagkain para sa kanila. Mayroon rin na wine doon. Alam kasi niya na hindi naman sila makakalabas sa condo ni Marcus para mag celebrate kaya’t nagluto na lamang siya ng pagkain. Nang makasakay na siya ng taxi ay binuksan niya ang kaniyang cellphone at tiningnan kung mayroong mensahe ni Marcus. Ngunit ang huling mensahe doon ay ang reply niya pa kagabi. Pero sanay namana siya, siya kasi ang palaging unang nagte-text at tumatawag sa lalake. Baka nga tulog pa siya ng mga oras na ito. Napangiti siya nang ma-imagine niya ang gulat na itsura ni Marcus kapag nakita siya nito sa loob ng bahay nito at nag-aayos ng kanilang pagkain. Alam kasi niya ang password ng condo ni Marcus kaya’t makakapasok siya kaagad kahit na tulog pa ito. “Miss, nandito na tayo,” sabi ng taxi driver at nilingon siya. “A-Ay, sorry manong, hindi ko namalayan, ito po ang bayad.” Kapag talaga si Marcus ang nasa isip niya madalas na nawawala siya sa realidad. Nang makababa na siya ng taxi ay tinungo niya ang room number ni Marcus. Hindi naman nakalampas sa mga mata ni Mimi ang tingin ng mga nakakasalubong niya. Mula ulo hanggang paa ang tingin ng mga ito sa kaniya. “Ano ang problema ng mga ‘to?” tanong niya at pumasok na sa elevator. Kailangan niyang mag-ingat, walang dapat makakita na papasok siya sa unit ni Marcus kung hindi ay malaking issue iyon. Mabuti na lang din at wala siyang kasabay sa elevator kaya’t nang bumukas na iyon ay dire-diretso siyang pumunta sa unit ni Marcus. Wala ring mga tao sa paligid. Nang nasa harap na siya ng unit ay pinindot niya na ang password at napangiti siya nang bumukas iyon. Mabilis siyang pumasok sa loob upang hindi makita ng kung sino. Ngunit nang makapasok na siya sa loob ay napansin kaagad niya ang isang pares ng red stiletto sa gilid katabi ng sapatos ni Marcus. Nagsalubong ang mga kilay ni Mimi at kinuha ang jacket ni Marcus na nakasabit sa gilid. Inamoy niya iyon at nang maamoy niya ang pabango ng babae ay nilamukos niya ang jacket at ibinagsak sa sahig. Hindi maganda ang kutob niya. “Huwag ka lang magkakamali, babangasan talaga kita,” sabi niya ng mahina at kaagad na tinungo ang kwarto ni Marcus. Mahigpit ang hawak niya sa paperbag at sa kaniyang cellphone habang naglalakad papunta sa silid ni Marcus. Nang nasa tapat na siya ng pinto ay napahinto siya sandali at ilang segundo pa ay nakarinig siya ng kalabog. Nakagat ni Mimi ang pang-ibabang labi pagkatapos ay binuksan niya ang pinto. At hindi nga siya nagkamali sa naisip niya nang makita niya ang red stiletto kanina sa tapat ng pinto. She saw Marcus and Lindsay kissing each other on top of the bed. She knows that the woman was naked underneath. Nanginginig ang kanang kamay na kinuha ni Mimi ang wine na nasa loob ng paperbag at malakas na ibinato iyon sa pader kaya’t napansin siya ng dalawa.  “M-Miho? Anong ginagawa mo dito?”  tanong ni Marcus sa kaniya. “Ano ang ginagawa ko dito? 5th year anniversary natin ngayon, pak you ka! Ang kapal ng mukha mo!” sabi niya at naglakad palapit kay Lindsay. “Ipinagtatanggol pa kita sa mga bashers mong bwisit ka! Tapos ganito ang gagawin mo sa akin! pagtataksilan mo ako?! At dito pa sa retokadang babaeng ito!” sabi niya at aabutin na niya sana si Lindsay nang hilahin siya ni Marcus palayo sa babae. “Stop it, Miho! Don’t hurt her, wala siyang kasalanan! Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?!” Hindi na napigilan ni Mimi ang kaniyang mga luha. Pinaghandaan niya ang araw na iyon dahil iyon ang 5th year anniversary nila. Bumili siya ng heels, nag-ayos ng sarili, bumili ng dress at contact lens para sa espesyal na araw na iyon tapos ito pala ang bubungad sa kaniya? si Marcus at isang babae sa ibabaw ng kama nito? “Ano ang ginagawa ko dito? 5th year anniversary natin ngayon, Marcus! Limang taon na tayo ngayong araw! Tapos ito ang maaabutan ko dito sa condo mo?! Kailan mo pa ako niloloko? Ang kapal ng mukha mo— “You are in a relationship with that ugly woman, Marcus? Seriously?” singit ni Lindsay sa kaniya. Sinamaan ni Mimi ng tingin ang babae at nang susugurin niya itong muli ay pinigilan siya ni Marcus. “Ayus-ayusin mo iyang pananalita mo, ha? Kahit artista ka papatulan kita!” sigaw ni Mimi dito. “Look at your makeup, the eyeshadow is too dark, your lipstick is so red. Ang blush on mo, sobrang kapal, sino ang nag makeup sa ‘yo at bakit ginawa ka niyang payaso?” sabi ni Lindsay habang tumatawa.  Tumayo ito at nakatapis ang kumot sa katawan nito. “Also, your dress is old-fashioned. Iyong heels mo ay mukhang sa kung saan lang binili. Marcus, please tell me that this is a joke, may relasyon kayo ng babaeng iyan? Pumatol ka sa ganitong babae?” Tumingin si Mimi kay Marcus at hinihintay niya na sabihin nito ang tungkol sa kanila ngunit bagsak ang mga balikat niya sa isinagot nito. “N-No! Of course not! Hindi ako papatol sa pangit! Are you kidding me? I-isa lang siya sa mga fan ko na obsessed sa akin. Don’t believe her! Alam mo naman na marami akong fans na babae, ‘di ba?” Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Parang nag flashback iyong memories nila ni Marcus ng magkasama. Iyong panahon na trainee pa ito sa entertainment nito at noong bago pa lang silang magkasintahan. Hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili kaya’t nasampal niya ng malakas si Marcus. “Sana sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo na. Sana sinabi mo na lang na may iba ka nang gusto kaya makikipaghiwalay ka. Sana...” itinuro niya si Lindsay, “sinabi mo na nag-iba na pala ang taste mo sa mga babae, edi sana binigyan kita ng basurahan para remembrance, ‘di ba?” “What?!” sigaw ni Lindsay sa kaniya. “Hoy, pangit! Ang kapal naman ng mukha mo! Tumingin ka nga sa salamin at tingnan mo kung sino sa atin ang basura— “Hindi ako pangit!” malakas na sigaw niya kay Lindsay at tinitigan ito ng masama. Nang hahawakan siya ni Marcus sa braso ay inilayo niya ang kaniyang sarili. “Papatunayan ko sa inyo na hindi ako pangit! At itong mukhang ito?” turo niya sa kaniyang mukha, “Itong mukhang ito na sinasabi ninyong pangit? Mas sisikat pa ito sa inyo!” Tumawa ng malakas si Lindsay dahil sa kaniyang sinabi. “At ano? Mag-aartista ka rin? Nagpapatawa ka ba? Hindi ka magiging artista. Hindi matatanggap ang ganiyang itsura. Sa circus kailangan ang mukha mo! Doon, baka sumikat ka!” sabi ni Lindsay. "Anong sinabi mo?!" Kaagad siyang naglakad palapit sa babae dahil sa kaniyang narinig ngunit bigla naman siyang tinulak ni Marcus dahilan para matumba siya sa sahig. Hindi siya makapaniwala! “M-Miho...”  “Huwag mo akong tawaging Miho,” sabi niya kay Marcus sa matigas na tono. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili. Bago niya nilisan ang silid na iyon ay tiningnan niya ng masama ang dalawa. “Ipapakita ko sa inyo! magiging sikat ako at kakainin ninyo ang lahat ng mga sinabi ninyo sa akin!”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD