Chapter 4

1379 Words
Pinalis ni Mimi ang mga luha na nalaglag sa kaniyang magkabilang pisngi habang tinatahak ang daan palabas ng condominium ni Marcus. Naninikip ang dibdib niya. Hindi niya akalain na magagawa iyon sa kaniya ng kasintahan.  Malaki ang tiwala niya kay Marcus kahit pa nang naging sikat na artista na ito, naniwala siya sa mga sinabi nito dahil talaga naman na ipinakita nito sa kaniya na hindi ito masisilaw sa ganda at sexy ng mga babaeng nakakatrabaho nito. "W-Walanghiya siya, a-ang kapal ng mukha n-niya. Kaya siguro noong mga nakaraang buwan ay naging busy siya. B-Busy sa babae!" Hindi niya pa siguro kung si Lindsay lang ang babae na naikama nito. Sa ilang buwan na hindi pagpaparamdam sa kaniya ni Marcus dahil palagi nitong sinasabi na abala ito sa trabaho at sa taping ay mukhang iba at maraming babae ang tinrabaho nito. Pinindot ni Mimi ang ground floor sa elevator at pagkatapos ay pinalis niya ang luha sa kaniyang magkabilang pisngi. "P-Porke hindi ko iyon maibigay sa kaniya ay ganito ang gagawin niya sa akin? s-sabi niya ay inirerespeto niya ang desisyon ko! hihintayin niya na maging ready ako! kung pala gusto niya ng seks ay 'di sana sinabi niya na lang! ang tagal na rin naman namin--" "Hija, may problema ka ba?" Napatingin si Mimi sa nagsalita. Nilingon niya ang babaeng nagtanong sa kaniya. Nang makita siya nito ay napaatras ang babae at nagsalubong ang mga kilay nito sa kaniya. Natakpan nito ang bibig at nilapitan siya ng kaunti.  "A-Ay ano bang kay pangit naman ng itsu--" ipinili g nito sandali ang ulo at muling nagsalita, "h-hija, ano ba ang nangyari sa 'yo?" Hinawi ni Mimi ang buhok na tumabing sa kaniyang mukha.  "W-Wala po, ayos lang po ako, ma'am," sabi niya. Nang bumukas ang elevator ay lumabas doon ang dalawang babae. Napatingin pa ang mga ito sa kaniya. Nang marinig niya na tumawa ang mga ito ay sinundan ni Mimi ng tingin ang dalawang babae. "Hija, papasok ka ba?" tanong sa kaniya ng babae. Nasa loob na ito ng elevator. "O-Opo." Pumasok si Mimi sa loob ng elevator at dahil may salamin sa gilid non ay nakita niya ang kaniyang itsura. Napaatras siya sa gulat. Maitim ang palibot ng kaniyang mga mata at kumalat rin ang kaniyang lipstick. "Hija, kung ano man ang pinagdadaan mo ngayon ay malalampasan mo rin iyan. Manalangin ka lang," sabi sa kaniya ng babae sa tabi niya. May kinuha ito sa bag, nakita niyang wet tissue iyon. "Ito, punasan mo ang ilalim ng mga mata mo, kumalat na ang makeup mo dahil sa pag iyak." Yumuko siya." S-Salamat po, ang bait po ninyo." Humarap sa salamin si Mimi at sinimulan na punasan ang ilalim ng mga mata niya. Kumalat ang mascara at eyeliner na inilagay niya.  "Hayaan mo, kung anuman ang pinagdaraanan mo ngayon ay lilipas rin iyan, maging matatag ka lang at ipanalangin sa Diyos ang lahat." Nilingon niya sandali ang babae. "Kung puwede ko nga lang po sanang ipanalangin sa Diyos na maputulan ng pagkalalake ang ex-boyfriend ko ay iyon po ang hihilingin ko." Natigilan ang babae na nasa kaniyang harapan. Ilang beses itong kumurap at pagkatapos ay napangiwi ito. Mukhang hindit ito makapaniwala sa sinabi niya. "A-Ano iyong sinabi mo?" Bumuntong hininga siya at muling humarap sa salamin sa gilid at ipinagpatuloy ang pagtanggal ng mga itim na bakas ng mascara at eyeliner sa ilalim ng kaniyang mga mata. "Wala po, ma'am. Maraming salamat po sa concern ninyo, ang bait-bait ninyo po," sagot niya. Ang sama ng itsura niya, hindi na siya nagtaka kung bakit pinagtawanan siya kanina ng mga babae na lumabas sa elevator.  Mukhang nagsawa na sa 'yo si Marcus. Hindi ka kasi marunong mag-ayos. Napaka-plain mo lang. Tapos masyado pa ang pagtatanggol mo sa kaniya na isa sa ikinainis niya.  Namuo muli ang luha sa mga mata ni Mimi. Kahit kailan ay hindi naman sumagi sa isipan niya na maghihiwalay sila ni Marcus dahil mabuti ang pakikitungo ng lalake sa kaniya. Kahit noong naging artista na ito. Palagi siyang kinukuwentuhan ni Marcus kung ano ang nangyari sa taping nito, kung sino ang mga artista na nakasalamuha nito. Marami kuwento si Marcus noong dalawang taon pa lamang ito sa showbiz at bilang girlfriend ay natutuwa siya sa tuwing magsasabi ito tungkol sa trabaho. Madalas noon na magka-video call sila kapag nasa malayo ang shoot nito. Nakakatulog pa nga si Marcus habang kausap siya. She saw how her boyfriend work hard and as a supportive girlfriend she did her best to do what she can. Iyon nga ay ang pagtatanggol kay Marcus sa social media sa tuwing bina-bash ito. Pati na ang paglihim sa relasyon nila. Pumayag siya sa nais ni Marcus dahil alam niya naman ang kalagayan ng mga artista. Hindi maaaring isapubliko kung may karelasyon ang mga ito dahil maaaring makasira iyon sa imahe at mawalan ng proyekto. Isa pa ay may iniingatan na loveteam si Marcus ngayon, iyon nga ang babaeng nahuli niyang kasama nito sa ibabaw ng kama nito mismo. Si Lindsay Thangna. Bagay na bagay sa kaniya ang apelyido niya! Fu Thangna siya! Nang makalabas siya sa condominium ay tinungo niya ang kaniyang apartment. Hindi na siya umaasa pa kay Marcus na pupuntahan siya nito at susuyuin dahil harap-harapan siyang idi-neny ng lalake kanina sa artistang si Lindsay. Mabibigat ang mga paa ni Mimi na umakyat papunta sa unit niya na nasa rooftop. "My love!" Narinig ni Mimi ang boses ni Hilaryo. Iyong isa sa nangungupahan sa apartment niya. "Huwag ngayon mainit ang ulo ko," pagbabanta niya sa lalake.  Habang paakyat siya ng hagdan ay nakasunod ito sa kaniya. "My love naman, kanina pa kita hinihintay, eh, may ibibigay sana ako sa 'yo--" Nilingon niya ang makulit na kapitbahay at itinaas ang kaniyang nakakuyom na kamay. "U-Thangna na loob, Hilaryo!" Napaatras ito dahil sa sigaw niya.  "Masama ang araw ko ngayon! please lang! bukas mo na ako kunsumisyunin, puwede ba?" Hindi nakapagsalita ang lalake kaya't nagpatuloy siya sa pag-akyat sa hagdan. Si Hilaryo naman ay gulat na gulat, napakamot sa batok nito at pagkatapos ay tiningnan ang palad na may dalawang libo. "Magbabayad lang sana ng renta, ang sungit naman ni my love ngayon. May dalaw kaya siya?" Nang maakyat ni Mimi ang rooftop ng apartment ay dumiretso siya sa higaan na gawa sa kahoy na naroon. Humiga siya at pagkatapos ay kinuha niya sa kaniyang bulsa ang cellphone. "Mabait ako pero hindi ako magpapakatanga sa 'yo, Marcus." Tama na at sapat na ang nakita niya para tanggapin na tapos na ang lahat sa kanila.  "Sana ay sinabi mo na lang sa akin na ayaw mo na pala, hindi iyong talikuran mo akong gagaguhin. Deserve ko ba 'yon? deserve ko?!" Binura niya ang lahat ng mga dating larawan nila ni Marcus sa kaniyang cellphone. Pati na ang wallpaper niya na picture nito ay pinalitan rin niya. Mimi never thought that Marcus would cheat on her. Kahit kailan ay hindi. Ang masakit pa, nahuli niya mismo ito sa kama at kahalikan ang babaeng kapareha nito sa isang drama. "Akala ko ba trabaho lang?!" "Pero pagtapos pala, pag-off cam na, may sarili na kayong trabaho ni Thangna!" "A-Ang kapal-kapal ng mukha mo... p-puwede mo naman sabihin sa akin na ayaw mo na, na h-hindi mo na ako mahal kaysa iyong lolokohin mo ako ng ganoon. S-Saan ba ako nagkulang, Marcus?" "S-Sinabi mo sa akin na pagkatapos ng limang taon na kontrata mo ay magpapakasal na tayo. S-Sabi mo isasapubliko mo na ang r-relasyon natin, h-hindi na ako magtatago sa dilim. I-Ilang beses mo rin na sinigurado sa akin na hinding-hindi ka titingin sa mga magagandang babae na makakatrabaho mo at ako naman itong si tanga paniwalang-paniwala naman sa 'yo." "K-Kahit araw-araw nakikita ko iyong mga tingin mo sa magagandang babae na nakakapareha mo ay ayos lang kasi alam ko na t-trabaho mo lang 'yon, eh, sa likod ng k-kamera ako pa rin iyong mahal mo. A-Ako pa rin iyong uuwian mo." "B-Bakit mo naman sa a-akin ginawa ito, Marcus?" Ibinagsak niya ang cellphone sa gilid at umiyak. Nang makaramdam siya ng mga patak ay napabangon siya.  "U-Umuulan?" napatingala siya. Ang maliliit na patak ay biglang lumaki. Ilang sandali pa ay lumakas na nga ang ulan.  Napangiti si Mimi at napailing. Pati langit nakikisabay sa kalungkutan niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD