Chapter 5

1901 Words
Basang-basa si Mimi nang pumasok sa loob ng kaniyang apartment. Nang makita niya ang mga poster ni Marcus na nakadikit sa buong bahay niya pati na ang mga standee na nasa gilid ay lumapit siya doon at kaagad niya iyong sinuntok. "Walanghiya ka!" Pinagdiskitahan niya ang mga standee nito. Tinapaktapakan ng ilang beses hanggang sa mapaupo na lang siya. Sobrang sakit ng ginawa nito sa kaniya, walang kapantay, nangako pa ito sa kaniyang yumaong ina na hindi siya pababayaan. Ibang klase talaga... "How could you do this to me, Marcus? h-hindi pa rin ako makapaniwala. Am I dreaming? panaginip lang ba ito?" Pumasok sa ala-ala niya ang lahat ng masasayang momento nila noon ni Marcus. How he treated her. Totoo ang naramdaman niya noon, eh, walang halong panggagamit. Hindi niya naman masasabi na ginamit lang siya ni Marcus dahil kahit na noong sumikat ito, kung hindi na siya nito gusto ay dapat nakipaghiwalay na ito sa kaniya. But, no... Marcus thanked her because she was always on his side. Nagpasalamat ito sa pagsuporta na ibinigay niya noon nang hindi pa ito sikat. Marcus also thanked her patience and understanding every time one of his leading lady has an issue with him. Siyempre, she will do all of that. Mahal niya ito kaya't susuportahan niya ito. She was there when he had nothing, but right now that he has almost everything... he just denied her like that. Na parang wala silang limang taon na pinagsamahan. Tinungo ni Mimi ang banyo nang mabahing siya. Naligo siya at kinondisyon niya ang kaniyang sarili. Sa loob ng banyo ay kitang-kita niya ang sarili niya na magang-maga ang mga mata, pulang-pula ang kaniyang ilong pati na ang pisngi. Huminga siya ng malalim at naghilamos.  "It's okay, Mimi. You did your best in that relationship. Wala kang pagsisisihan na hindi mo nagawa kaya ka pinagtaksilan ni Marcus. You did your best. Kung nakakita man siya ngayon ng bago na sa tingin niya ay pahahalagahan siya ay hindi mo iyon kasalanan. You value him so much, you spend most of your time supporting him, then, when he has nothing and now when he has almost everything." Nanginig ang mga labi niya. Sa mga drama na pinapanood lang niya nangyayari ang ganito, eh. Hindi niya sukat akalain na mangyayari rin sa kaniya. Ang hindi lang maintindihan ni Mimi, bakit sa ganoong paraan dapat sila maghiwalay ni Marcus? Bakit sa paraan na ipinaramdam nito sa kaniya na hindi siya sapat.  "Ahhh!!" Hinubad niya ang kaniyang mga damit at tumapat siya sa ilalim ng shower. Mabilis siyang naligo at pagkatapos ay tinungo niya ang kaniyang silid. Nagsuot siya ng itim na oversized shirt at sweatpants. Tumapat siya sa harap ng kaniyang computer at nagbukas ng social media account. Pagbukas pa lang niya, mukha na ni Marcus at ni Lindsay ang bumungad sa kaniya. Mahigpit niyang hinawakan ang suklay at muntikan pang maipalo iyon sa monitor ng kaniyang PC kung hindi lang niya napigilan ang kaniyang sarili. "The rumors are still on. The two were seen leaving Marcus' condominium." Pagbasa niya sa nakasulat sa article. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi lang basta rumors, totoo iyon. Talagang may namamagitan sa dalawa. Tumayo si Mimi at pumunta siya sa kaniyang sala, kumuha siya ng tubig sa ref at uminom. Natapunan pa siya sa kaniyang dibdib dahil sa sobrang bilis na ininom niya ang tubig. Inilibot niya ang paningin sa buong unit niya. Ibinagsak niya ang baso at pagkatapos ay inipon niya ang lahat ng mga poster at mga bagay na nagpapaalala sa kaniya kay Marcus. Kumuha siya ng malaking box at inilagay doon. Kahit iyong mga regalo sa kaniya ng lalake noong nililigawan pa lang siya nito ay inilagay niya sa loob ng box. "I will get over this pain. Hinding-hindi ako magpapakatanga ng matagal at hindi ko mararanasan ng matagal itong sakit dahil alam kong wala akong ginawang mali! this is your loss! ako ang kawalan sa iyo, Marcus! hindi habambuhay nariyan ka sa industriya na iyan! lulubog ka rin at--" Natigilan siya nang maalala ang tumatawang mukha ni Lindsay. "Dream on, ugly btch. Hindi ka matatanggap sa showbiz. Ang baduy mo na nga manamit, pangit ka pa. Do you even know how to act? what is your talent?" sabi nito at tumawa ng malakas. She can sing and compose song! alam iyon ni Marcus! he was her only fan since then! wala siyang confident na kumanta sa harap ng maraming tao at sapat na sa kaniya na si Marcus lang ang tagapakinig sa pagkanta niya.  "A fan like you will look at us," itinuro nito ang daliri sa taas, "you will look how high we are. At ikaw, nariyan ka lang," itinuro nito ang baba, "sa ilalim. Mananatili ka sa kinalalagyan mo habang kami kumakaway sa mga camera na nakatapat sa amin." "Pero sabagay, libre naman ang mangarap." Iyon ang mga narinig niyang sinabi ni Lindsay bago siya makalabas ng condo. Wala na siyang sinabing mga salita, hindi rin siya hinabol ni Marcus at hindi rin naman siya umasa.  "Gaano ba kahirap pumasok sa industriya ninyo?! sisiguruhin kong makakapasok ako riyan!" gigil na sigaw niya at ibinagsak ang picture frame nila ni Marcus sa loob ng box.  Hinila ni Mimi ang malaking box sa gilid ng pinto niya. Sisigan niya iyon bukas na bukas rin ng umaga. "Mga pakyu kayo! malalasap ninyo ang karma! hindi palaging nasa itaas ang lipad! babagsak kayo at sisiguruhin ko na hindi lang bagsak, kung hindi lalagapak kayo!" Kinabukasan ay nagising si Mimi dahil sa nag-d-doorbell sa kaniyang pintuan. Hirap at pipikit-pikit pa siya nang bumangon siya at tinungo niya ang pinto. Nang buksan niya iyon ay napaismid siya nang makita si Hilaryo. "My love--" "Ano?" tanong niya at nagpamaywang dito. Napakamot sa ulo ang lalake habang nakatingin ito sa kaniya.  "Ang sungit mo naman, my love, ang aga-aga. Hindi ka na kasi lumabas kahapon ng bahay mo. Hindi na rin naman ako sumubok na abalahin ka ulit kasi nakita ko kahapon na badmood ka nga." Talagang badmood siya. "Ano ba ang sadya mo?" tanong niya kay Hilaryo. "Eh, ito, my love. Magbabayad lang sana ako ng renta namin. Ikaw kasi, ang sungit mo kahapon. Hindi naman kita kukulitin, magbabayad lang talaga ako noon." Natapik niya ang noo dahil sa sinabi nito. Nakatingin siya sa palad ng lalake na may dalawang libo. "Saka ito pala," ssabi ni Hilaryo at may supot ito sa kamay, "pinabibigay ni nanay, nalaman niya kasi sa akin na malungkot ka kaya ginawan ka niya ng leche flan, paborito mo ito, hindi ba, my love?" Napalabi siya nang makita ang tatlong tub ng leche flan. Paborito niya nga iyon! bigla ay nakunsensiya si Mimi sa inasal niya kay Hilaryo kahapon at nang bumungad ito sa kaniya ngayon. Wala naman ipinakitang masama ang lalake, kahit ang nanay at kapatid nito sa kaniya. Ang totoo ay palagi pang nagpapadala ng ulam ang nanay nito sa kaniya. Nasasakto pa na abala siya sa pagdo-drawing at nakakalimutan niyang magluto. "P-Pasensiya ka na, talagang masama ang mood ko kahapon kaya ganoon ang inakto ko. Sandali lang," sabi niya at kinuha ang dalawang libo, may sukli pa iyon na isang daang piso. Nang makakuha siya ng panukli ay binalikan niya si Hilaryo sa labas. Iniabot niya sa lalake ang sukli at kinuha ang leche flan na ibinibigay nito. Totoo ang kunsensiya na naramdaman niya, kahit naman napakakulit ni Hilaryo at hindi ito naniniwala na may boyfriend siya noon ay wala naman itong ginawa sa kaniyang masama at wala rin siyang narinig na pangit na salita na sinasabi nito tungkol sa kaniya. Kahit pa ang suplada niya dito minsan--madalas pala. "Pakisabi sa nanay mo salamat, ha? saka pasensiya na rin talaga sa pagsusungit ko." "Wala 'yon, my love! ako pa ba? ang lakas mo sa akin. Huwag ka nang manghingi ng pasensiya!" sabi nito sa kaniya na ikinangiti niya. Makulit man itong si Hilaryo ay mabait pa rin talaga. Simula nang lumipat ito sa kanilang bahay dalawang taon na ay madalas siya nitong kulitin. Hindi kasi sa apartment niya nangungupahan ang mga ito dati, siya lang ang nag-offer dahil buwisit ang landlady kung saan nakatira ang mga ito noon.  Dahil bilang mabait naman si Hilaryo at nakikita niya noon na masipag itong mag-aral ay nagmagandang loob siya. Kaso na-in love ata talaga ito sa kaniya. Nang makaalis si Hilaryo ay napatingin siya sa langit. Mataas na ang sikat ng araw. "Kahapon lang talaga masama ang panahon, nakisabay sa sama ng loob ko." Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay natalisod siya ng box. Nang tingnan niya iyon ay napapikit siya ng mariin, oo nga pala, lahat ng mga bagay na magpapaalala kay Marcus ay inilagay niya sa loob ng box. Lumapit si Mimi sa ref at inilagay ang tatlong leche flan doon pagkatapos ay binuhat niya ang mabigat na box sa labas. Pagkalagay niya sa gitna ng box ay napatingin siya sa dalawang teddy bear. Sayang naman iyon kung susunugin, kinuha niya ang dalawang teddy bear at inilagay sa higaan sa gilid.  Ibibigay niya na lang iyon sa kapatid na babae ni Hilaryo. Pumasok sa loob si Mimi at kinuha niya ang lighter. Hinila niya iyong malaking malaking can na tin coasted steel sa gilid at doon niya sinimulang sunugin isa-isa ang mga gamit na ibinigay sa kaniya ni Marcus. Inuna niyang sunugin ang mga posters nito, ang mga standee na pinira-piraso niya, pati na ang mga magazines at pagkatapos ay inihulog sa apoy. Huminga siya ng malalim, napatingin siya sa mga building na katapat ng kaniyang 3rd floor apartment. "Lilipas rin ito, ngayon masakit, oo, pero hindi ito magtatagal dahil alam kong wala akong ginawang mali at wala akong pagkukulang. Ibinigay ko ang buong suporta, pagmamahal at atensyon na kailangan niya para maramdaman niya na kahit anumang pagsubok ay andito lang ako sa tabi niya." "Siya ang sumira sa relasyon namin." Pinalis ni Mimi ang mga luha na nahulog sa kaniyang mga mata. Nang makita niya sa loob ng box ang picture frame nila ni Marcus ay pinakatitigan niya iyon. 1st year college sila doon. Nakaakbay ito sa kaniya at nakatingin habang siya ay naka-peace sign at sa camera naman nakatuon ang pansin.  Masayang-masaya sila sa larawan na iyon. "At least, you made me happy. Nagpapasalamat pa rin ako dahil sa loob ng mga taon na magkasama tayo ay talagang naging masaya ako. Ngayon, pinapalaya na kita," sabi niya at inihulog ang frame sa apoy. Huminga si Mimi ng malalim at binuksan ang kaniyang cellphone. Wala na ang lahat ng larawan ni Marcus doon pati ang mga larawan nila. Sa mga social media naman ay in-unfollow niya ang mga groups na kasali siya kung saan naroon ang mga fans nito, pati na rin ang mga pages na tungkol sa lalake. Binlock rin niya ang mga social media account ng lalake pati ang number nito sa kaniyang cellphone.  Dinelete niya ang lahat-lahat. "My love! my love!" Napatayo bigla si Mimi nang makarinig ng sigaw. "My love! ayos ka lang ba?! tumawag ako ng bumbero--" Salubong ang mga kilay niya nang makaharap si Hilaryo may cellphone pa sa tainga nito habang gulat na gulat na nakatingin sa kaniya. Pero ano ang sinabi nito? bumbero? Bumaba ang tingin ni Hilaryo sa apoy at napangiwi sa kaniya. Pagkatapos ng sinabi ni Hilaryo ay napahinga siya ng malalim at napaupo nang makarinig nga ng sirena ng bumbero. "A-Akala ko nasusunog ang apartment mo..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD