Chapter 6

1471 Words
Lumipas ang isang linggo hanggang sa nasundan ng isang buwan ay naging abala lamang si Mimi sa trabaho niya bilang isang animator. Pero hindi niya ikakaila na ilang beses siyang hindi nakatulog dahil palagi niyang napapanaginipan ang nangyari sa condo ni Marcus. Ang halikan nito at ni Lindsay na paulit-ulit niyang napapanaginipan pati na ang pagtawa sa kaniya ng babaeng artista nang sabihin niya na makakapasok siya sa mundo ng mga ito--sa showbiz. Napasandal siya sa kaniyang swivel chair. Hanggang ngayon nga ay wala siyang ginagawang paraan, nag-search na siya kung paano maging isang artista pero hindi naman niya maintindihan ang mga nakalagay sa mga binasa niya. Kailangan niyang mag-audition, pero wala naman siyang karanasan sa pag-arte. Saka isa pa, saan siya hahanap ng talent na tatanggap sa kaniya? puwede niya bang sabihin na magaling siyang mag-drawing? Hindi ata. Nag-scroll si Mimi sa kaniyang social media na epbuk. Biglang dumaan sa kaniyang feeds ang isang live interview ni Lindsay at ni Marcus para sa bagong movie ng dalawa. At talagang may bagong movie pa ang mga ito. "What can you say about your fans?" tanong ng reporter. Mahigpit niyang hawak ang mouse habang hinihintay ang sagot ni Lindsay. Si Marcus ay tahimik lang sa tabi nito at pangiti-ngiti sa camera. He's really enjoying himself. Sa loob ng isang buwan ay wala itong mensahe kahit sa email niya, hindi talaga siya nito pinuntahan. Mukhang nagpasalamat pa ito nang mapunta siya sa condo noong 5th year anniversary nila dahil nagkaroon na ng dahilan para maghiwalay sila. "Hmm... actually I always say this to them, eh, I am happy that they never leave me after the issues. Lalo na sa amin ni Marcus. Maraming hindi totoong kuwento na lumalabas. But we are unbothered even though bashers don't stop throwing hate on us." Umangat ang sulok ng labi ni Mimi nang makitang ngumiti si Lindsay kay Marcus at ang huli naman ay gumanti rin ng ngiti. Napatingin siya sa kamay ni Lindsay na humawak sa ibabaw ng kamay ni Marcus. She heard gasps from the reporters. Ang iba ay kinikilig pa. "Last month nga, may isang fan na talagang ginulat kami ni Marcus." Nang marinig niya ang sinabi ni Lindsay ay bigla niyang nilakasan ang volume ng kaniyang computer. "She was mad! galit sa akin, she's a fan of Marcus. Nagpakilala pa nga na girlfriend ni Marcus, eh. Maniniwala na sana ako kaso her looks... uhm, alam ninyo na. Also, Marcus denied her. She's one of his obsessed fans. Nakakatakot lang for Marcus' safety." Napatayo siya sa narinig na sinabi ni Lindsay. "Obsessed?! hoy!" sigaw niy at itinuro ang babe na nasa monitor. "She was so mad and so nakakatakot... sana," tumingin ito sa camera, " huwag mo nang ulitin iyong ginawa mo, ha? alam ko naman na nanonood ka ngayon." Narinig ni Mimi ang mga sinasabi ng ibang mga reporters. Na masyado naman daw ang fan na iyon, walang kahihiyan. Mabibigat ang paghinga niya sa mga narinig lalo na sa sinabi ni Lindsay. Ibig sabihin pala ay nasa isip pa rin ng mga ito ang ginawa niya kahit isang buwan na mahigit ang nakalipas. "Are you trying your best to be a celebrity now? I can't wait to see you again!" Naikuyom ni Mimi ang kaniyang mga kamay nang marinig muli ang ang sinabi ni Lindsay. Mabilis niyang pinatay ang monitor nang marinig ang tawa nito at nang makita ang paghawak nito sa kamay ni Marcus. They almost reveal what kind of relationship they have because of those touches. Tapos sa itsura pa lang ni Marcus makikita nang wala itong problema sa ginagawa ng babae dahil hindi naman ito umiimik. Grabe talaga, walang three month three month rule! Papaano ba magkakaroon? He cheated on her! at kung sabihin man niya sa marami iyon, magpost man siya sa epbuk o kahit sa inztatazam ay walang maniniwala sa kaniya katulad ng unang reaksyon ni Lindsay. "I will really try my best! at kapag naging artista ako ay hahanapin kitang plastik ka!" Hinihingal na tinungo niya ang ref at uminom siya ng tubig. Pagkabalik niya sa harapan ng pc ay kinuha niya ang cellphone at naghanap ng mga entertainment sa epbuk. Nag-search din siya kung paano maging artista at kung ano ang mga kailangan niyang gawin. Sa ngayon, ang masasabi niya na kayang-kaya niyang gawin ay ang trabaho niya--isang animator. Pero mukhang sa mga nabasa niya hindi maaaring sabihin iyon dahil tiyak na hindi siya matatanggap. Sa showbiz siya papasok. Malamang! Tapos kailangan niya pa ng entertainment manager. Napakarami. Nakakawala ng pag-asa sa kaniya. Mukhang hindi nga talaga madali. Noon ay may nakapansin lamang sa itsura ni Marcus kaya't nabigyan ito ng opportunity sa drama. Nakitaan rin ng potensyal. Dati ay nagmomodelo lang kasi ito. "I need to find ways... hindi puwedeng ganito. Magmumukha ako lalong katawa-tawa. Maliit lang ang mundo naming tatlo, tiyak na magkikita at magkikita pa rin kami." Talagang kailangan niyang maghanap ng paraan, hindi siya dapat pagtawanan lang ng Lindsay na iyon at lalo na ni Marcus. She will get revenge! Ang mga sumunod na buwan ay iginugol niya sa paghahanap ng entertainment na tatanggap sa kaniya, nagtanong-tanong siya at sinubukan niyang pumasok bilang talent pero walang tumatanggap sa kaniya dahil wala siyang alam sa pag-arte. "This is the last entertainment on my list," sabi niya at bumuntong hininga. Palabas siya ng ROS Entertainment nang tanghali na 'yon, iyon na ang pangatlong entertainment na napuntahan niya. Dahan-dahan siyang naglalakad palabas nang biglang makarinig siya ng hiyawan. "Marcus! Marcus!" "Hala! Magkasama sila ni Lindsay na a-attend ng interview!" "Owemji! Label reveal na lang talaga ang need natin sa kanila!" Talaga nga namang sinusuwerte siya. Hindi niya alam na may apointment ang mga ito sa ROS Entertainment ngayon! Nang makita niya na huminto ang itim na van--alam na alam niya kung kaninong van iyon. Huminga siya ng malalim. Nagkakatulukan na rin ang mga fans ni Marcus at ni Lindsay dahil dumating na ang sasakyan ni Marcus. Hiyawan ang nangyari, siya naman ay pinipilit na makaraan sa kumpulan ng mga ito upang makaalis na doon. "Ang guwapo mo! bagay na bagay kayo ni Lindsay! MarcSay lang malakas!" Muntik na siyang masuka sa isinigaw ng isang fan nito. MarcSay? yuck! ang baho! Nang muling magsiksikan ang mga fans at nang lumabas na si Marcus at Lindsay sa van ay nabunggo siya ng mga ito. "A-Aray! h-hoy! ano ba!" Napaupo siya at natakpan niya ang kaniyang ulo dahil nadadanggis na siya ng mga ito. "Buwisit! may tao rito! ano ba!" sigaw niya sa mga fans na parang walang naririnig. Hanggang sa bigla na lang natahimik ang mga fans at naramdaman niya na may humawak sa kaniyang braso. Nang iangat niya ang tingin ay nakita niya ang mukha ng lalakeng kinamumuhian niya. "Miho..." Mabilis niyang binawi ang braso na hawak nito at mabilis siyang tumayo, tatalikod na sana si Mimi nang walang salita ngunit narinig niya ang boses ni Lindsay. "Hello, number 1 fan. Long time no see, ilang buwan na ba? five months?" tanong nito. Sinamaan niya ng tingin ang artista dahil sa sinabi nito. Nakita niyang tumingin si Lindsay sa entrance ng ROS Entertainment. Nang tumawa ito at humalukipkip ay nakuha niya kaagad ang nasa isip ng babae. "So you are really trying to enter showbiz. Kaso..." pinasadahan siya nito mula ulo hanggang paa. "With that kind of face and fashion? if I were the manager, sa entrance pa lang bagsak ka na." Breathe, Mimi. Wala kang dapat na sabihin. Breathe... work in silence... Imbis na patulan niya ang mga sinabi ni Lindsay ay nginitian lang niya ito. "I'm sorry, but you are not the manager, eh," sagot niya na ikinawala ng malapad na ngiti ng babae. Nang tatalikod na siya para umalis sa lugar na iyon ay napatigil siya nang may humawak sa braso niya. Nang lingunin niya iyon ay nakita niya si Marcus. The expression on his eyes are different. "Let me go," may pagbabanta sa boses niyang sabi. Naririnig na rin niya ang bulung-bulungan ng mga fans. Nakakakuha na sila ng atensyon. Sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita niya na may kumukuha na ng video at litrato sa kanila. Buwisit. "M-Miho..." Sinamaan niya ng tingin si Marcus nang marinig ang itinawag na naman nito sa kaniya. She doesn't want to hear that name again on his lips. Ayaw na niya. Mas bumabalik ang sakit. "And please, stop calling me Miho. The person who calls me that is dead!" Hinila niya ang kaniyang braso at mabilis na nilisan ang lugar na iyon. She heard Lindsay laughed and the fans started to shout again. Pinalis ni Mimi ang mga luha na kumawala sa kaniyang magkabilang pisngi. "Why the fck are you crying?! akala ko ba wala na?!" Huminga siya ng malalim at kaagad na sumakay sa taxi na huminto sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD