Chapter 1
"Fern Felicity Gail Garnet Geneva! Bangon na!" rinig kong sigaw ni Manang mula sa labas ng pinto. Agad naman akong napabalikwas ng bangon habang nakapikit pa rin ang mga talukap ng aking mga mata. Napakamot-kamot pa ako sa ulo.
Hayst! Ang ganda na ng panaginip ko, eh. Sirain ba naman ng malakas na sigaw ni Nanny.
Napahilig ang aking ulo habang ini-imagine ang lalaking nasa panaginip ko. Napahawak naman ako sa mapupula kong labi. Malapit nang maglapit sa isat isa ang labi namin ni Clark. Isang inch na lang, eh pero... pero... Waaaahhhh!
Naglupasay ako sa aking kama at para bang bata na inagawan ng pagkain. Umaatangungal na ako. Ang tagal ko kayang hinintay ang pagkakataon na makasama ko siya na kahit sa panaginip ko lang pero heto ang nangyari.
Bakit ngayon pa? Bakiiiiittt?!
"Jusko, ikaw na bata ka! Ano bang pinaggagawa mo d’yan?" sambit ni Nanny.
Kasalan n’yo ito, Nanny, eh. Kung hindi ba naman kayo araw-araw na sumisigaw para gisingin ako ay siguradong parating maganda ang umaga ko. Hindi na natuloy ang pag-kiss sa akin ni Clark. Wahhh, gusto kong umiyak.
Kung tinatanong n’yo kung sino si Clark. Well, he's one of the heartthrobs in our school na pagmamay-ari namin. Sa kan’ya lang talaga ako nagkagusto. The first time I met him talagang tulala ako sa taglay n’yang kagwapuhan. Alam mo ‘yong feeling na gustong-gusto mo s’yang sundan kahit na saan man s’ya magpunta basta makita mo lang s’ya araw-araw. Hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko s’ya nakikita kaya nagmumukha na tuloy akong spy sa kasusunod sa kan’ya. Mayroon pa ngang pangyayari na naligaw na ako habang sinusundan s’ya but I'm grateful na nakita niya ako. Kilala rin kasi niya ako pero ang hindi niya alam ay sinusundan ko siya. Hindi naman ako sobrang baliw sa kan’ya, slight lang. Okey na sa ‘kin ang makita siya ng isang beses sa isang araw. Dinikit ko ang aking dalawang palad sa pisngi ko habang kinikilig.
"Nababaliw ka na bang bata ka o baka nasapian ka na?" Nanny asked.
Si Nanny talaga ang bad niya kung magsalita sa’kin. S’ya na nga ang parating nambubulabog sa mahimbing kong pagtulog. In short, my one and only alarm clock. Pero kahit na gano’n ay love ko pa rin si Nanny. S’ya nga pala ang aking Nanny Imelda na mula pagkabata ko magpahanggang ngayon ay nandito pa rin para alagaan ako. I'm already 19 years old but still she treats me like a child but I’m thankful na dumating siya sa buhay ko dahil kung hindi, siguro naging malungkot lang ang buhay ko. My mom and dad are always busy in their work so once a week lang kami nagkakaroon ng bonding together.
Walang gana akong naupo at tumingin sa kan’ya na para bang binagsakan ng lupa ang maganda kong pagmumukha dahil sa sira na naman ang umaga ko.
"Nanny, how many times do I have to tell you na kahit ‘wag n’yo na po akong gisingin. Hindi na po ako bata. I can decide what time I want to wake up," inaantok kong sambit. Napahikab ako.
"Bumangon ka na d’yan at wala ng maraming reklamo. Dali na! May lakad pa kayo ng mommy mo," pagbabalewala ni Manang sa sinabi ko.
Napaisip ako bigla nang mag-sink in sa akin ang huling sinabi ni Manang. May lakad kami ni Mommy? Napahawak ako sa chin ko habang iniisip kung ano nga meron ngayong araw.
"Sh*t," I cursed.
Napatayo agad ako sa kama at nanlalaki ang mga mata ko ng may malala. Hindi... hindi ‘yon totoo.
"Waahhh, hindi maaari!" Napasigaw ako at hindi makapaniwala sa naalala habang pumapadyak sa kama.
"Fern, tumigil ka nga sa pinaggagawa mo. Tama na ‘yan!" Nanny shouted.
Nanlulumo naman akong tumingin kay Nanny at hindi ko na ring napigilang mapaluha. Dahan-dahan akong napaupo muli. Wala na sira na talaga ang araw ko. The worst day of my life. Sana talaga hindi na lang ako nagising pa. Mabuti pa sa panaginip ko nagiging masaya ako. Napayakap ako sa mga tuhod ko at nakayukong umiiyak.
"Fern, tahan na ang pag-iyak. Hindi n’yan mababago ang desisyon ng mga magulang mo," Nanny said.
Nakakainis talaga. Saglitan lang nawala sa isipan kong ikakasal na ako. Yeah, you heard it right. I'm going to marry a man that I don’t love. I'm going to marry a man I don't love and it's my parents' fault.
"Tumingin ka sa’kin, Fern," utos ni Manang. Sumunod naman ako sa kan’ya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Intindihin mo na lang ang mommy at daddy mo. Wala silang gusto kung ‘di ang makakabuti sa’yo. Malay natin ito talaga ang nakatakda para sa’yo."
"Youre wrong, Nanny. Makakabuti sa akin? Paano makakabuti ang ipakasal ako sa taong hindi ko kilala and the worst part is I don’t love the guy that they want me to marry.
Paano nila nakakayanang i-arranged marriage ang nag-iisa nilang anak at the age of 19. Marami pa akong gustong gawin at mga pangarap na gusto kong matupad," sambit ko.
Marrying a man is one of my dreams but the hell not like this na sila ang nagdesisyon kung sino ang pakakasalan ko. They are always controlling my life. Lahat ng desisyon ko para sa sarili ko ay meron silang napupuna. Feeling ko pinagtutulungan na nila ako. Okay lang sana kahit na mawalan sila ng time sa akin hindi ‘yung ganito na ipapakasal nila ako.
"Hindi pa ba sapat na wala na silang time sa akin, Nanny? Kailan pa bang umabot sa ganito? I'm not ready for this. Please ilayo nyo nalang po ako dito. I'm begging you Nanny," nagsusumamo kong sambit.
Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Nanny. Sana naman pagbigyan niya ako. Ayaw ko talagang ituloy ang kagustuhan ng mga magulang ko.
"Gustuhin ko mang pagbigyan ka sa kahilingan mo subalit ako ang malalagot sa mga magulang mo. Kung ilalayo kita dito mas lalo lamang masisira ang buhay na meron ka ngayon. Ano namang buhay ang maiibigay ko sa’yo? Fern hindi maaari ang kagustuhan mong yan. Wala akong karapatan para ilayo ka mula sa mga magulang mo," mahinahong pagpapaliwanang niya.
Napatakip naman ako ng mukha. Ano ba itong naisip kong idea? Balak ko pang ipahamak si Nanny dahil lang sa gusto kong takbuhan ang hinaharap kong problema. Talagang wala na akong magagawa kung hindi ang hayaan na lang ang nakatadhana para sa akin.
I took a deep breath until an idea came out in my mind or let’s just say isang kalokohan. Hmm, tingnan lang natin kung ‘di madismaya ang lalaking iyon sa akin. I no longer care what mommy's reaction will be. Well, I'm such a b***h. Hindi ako makakapayag na maging maganda ang araw nila ngayon.
"Ngayon ngingiti-ngiti ka na," Nanny said.
"Yes, Nanny. If this is what they want then I will give it to them," nakangiti kong sambit.
"Nako, ikaw, Fern. Kung balak mo pa ring umalis, huwag mo nang ituloy pa. Nagmamakaawa ako sa’yo," pakiusap ni Nanny.
Hindi ko na itutuloy ang balak kong lumisan. Ayaw ko namang mapahamak pa si Nanny dahil once na gawin ko ‘yon ay alam kong sa kanya isisisi ang lahat kahit na ba matagal ng naninilbihan si Nanny sa pamilya namin.
"I'm not. Don’t worry Nanny it's just a little fun," I said to her.
"Fern," Nanny warned.
"Sige na, Nanny. I will go to the bathroom na," mabilis kong sabi.
Agad na akong tumungo sa bathroom at hindi na nilingon pa si Nanny. Alam kong kukulitin lang niya ako at sasabihing huwag ituloy ang plano ko. Well, Nanny knows kung gaano kakulit ang isip ko pagdating sa kalokohan.
Binilisan ko lang ang pagligo at nagpalit na. Nagsuot lang ako ng sando, sa pang-ibaba naman ay black denim jeans. Wala namang mali sa suot ko but except in my reflection. Nag-drawing lang naman ako ng mga maliliit na black spot sa skin ko including my face. I put red lipstick on my lips and I spread it all around on my lips. Naglagay din ako ng red contact lens para magmukha akong may sore eye.
"Perfect," I whispered.
Tingnan lang natin kung hindi umurong sa arranged marriage kung sino mang lalake ang gustong ipakasal sa akin.
Oh, I forgot!
Isinuot ko na ang black sunglasses, next is my black mask and last my black jacket with hood. Hmm, almost perfect na. I’m ready and excited to see them. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at lumabas na ng bathroom. Nakita ko si Nanny na busy sa paglilinis ng kwarto ko na hindi napinsin ang paglabas ko.
"Nanny, pupunta na ako sa ibaba," sambit ko. Hahakbang na sana ako nang biglang sumigaw si Nanny.
"Susmaryosep! Anong nangyari sa iyo at ganyan ang iyong kasuotan. Ang iyong mukha bakit may maiitim na pantal!" sigaw ni Nanny. Hinawakan naman niya ang mukha ko.
"Nanny, huwag n’yo na pong hawakan. Mabubura lang, eh." Tumingin sa akin si Nanny na hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ito na nga ba sinasabi ko sa’yo, Fern. Kung isa na naman ito sa kalokohan mo—"
"Please, Nanny hayaan n’yo na muna ako. Wala namang masasaktan sa gagawin ko. Gusto ko lang makita na ma-disappoint sila sa akin." Hindi ako papayag na wala akong magawa para hindi matuloy ang plano nila.
"Pero kapag ginawa mo iyan nasisiguro kong magagalit n’yan ang mga magulang mo lalong-lalo na ang iyong ina," Nanny said.
"I don't care if they get mad at me. After all, sila lang rin naman ang may kasalanan ng lahat.
~Jayden's POV~
"Bro, tama na ‘yan. Nakakarami ka na ng inom." Tinabig ko ang kamay niya nang tangkain nitong agawin ang bote ng alak sa akin.
"Tsk. Don’t bother me," I said in a cold voice.
Iinom ako hanggang sa gusto ko at walang makakapigil sa akin.
"Hayy, buhay nga naman. Ikasal ka ba naman sa iba, bro—"
"Shut the f*ck up, Chavez." I glared at him. Subukan lang talaga n’yang ituloy ang gusto n’yang sabihin talagang magkakaroon s’ya ng pasa sa mukha.
"Sabi ko nga tatahimik na lang ako," Casper said.
Tinungga ko ang bote na may lamang alak at inubos agad ‘yon. Kumuha agad ako ng isa pa. This time ay inilayo na ni Clack ang lagayan ng alak sa akin.
"If I were you, bro. mas mabuting kausapin mo muna si Tita tungkol sa arranged marriage na sinet-up sa iyo. Hindi ganito na nagpapakalasing ka," Clark said.
Ngumiti ako nang mapait. Wala akong pake. Kaya nga ako nandito para magpakalulong sa alak. Bad mood ako dahil sa walang kwentang arranged marriage na pinlano ng mga magulang ko. They knew I love Andy but dammit, pinipilit nila akong magpakasal sa ibang babae. Wala nang ibang babae ang gusto kong pakasalan. Si Andy lang.
"Andy texted me. She asked me where you are. Sa tingin ko kailangan mo na siyang puntahan. She is waiting for you." Nilingon ko si Clark. Napasuntok na lang ako sa mesa dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon.
Kung ako lang ang masusunod hindi ko na kailangang pumili pa. Alam ko kung hindi ko sinunod ang kagustuhan nila lalong lalo na si Dad. Mas lalo lang nilang ilalayo si Andy sa akin. Kaya n’yang gawin ang lahat basta mapasunod lang ako sa kan’ya.
"Anong balak mo, dude?" tanong ni Jacob habang may nakasaklot sa kan’ya na babae.
"I don't know," maikli kong wika. Napayukom ako ng kamay hanggang sa nag-ring ang cellphone ko.
Dad calling....
Kinuha ko ang cellphone ko sa mesa at sinagot ang tawag ni Dad.
"What do you want?" Walang galang kong sambit. Hindi na bago sa kan’ya ang ugali kong ganito.
"I warn you. Huwag na huwag mo kaming paghihintayin dito. Alam mo na kung ano ang pwede kong gawin." Pagkatapos niya iyong sabihin ay pinatay na niya ang tawag.
Napahigpit naman ako ng hawak sa cellphone ko at malakas na inihagis ito.
"Would you still choose your daddy’s want over Andy?" Clark asked.
Gulong-gulo na ang isip ko. Gusto kong puntahan ngayon si Andy pero ayaw kong mapalayo sa kan’ya. Kung sakaling malaman n’yang ikakasal ako sa iba may chance rin na lumayo s’ya sa’kin.
Kung planuhin ko mang itanan si Andy, alam kong agad rin kaming mahahanap ni Dad. Marami s’yang tauhan para hanapin kami. Kaya wala na akong pagpipiliin pa pero hindi ibig sabihin nito na iiwan ko si Andy. S’ya at s’ya pa rin ang mamahalin ko.