"Hahaha...hindi ko talaga mapigilan—hahaha..." Halos sumakit na ang aking tiyan dahil sa katatawa. Paano ba naman kasi ay nanood kami ng isang movie at sobra talagang nakakatawa. Napatingin naman ako sa aking tabi na nahuli kong nakangiting nakatingin lamang sa akin. "Hoy, ayos ka lang? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko. Nakalabas na kami ng mall at nandito kami ngayon sa fountain na malapit lamang sa mall. Nakaharap kaming dalawa dito. "Wala naman. Nakakatuwa lang na makita kang ganiyan," sabi niya. Ngumiti na lamang ako sa kaniya at itinuon na muli ang aking tingin sa harapan. "Lucas, matanong ko lang. Nasaan pala ang mga magulang mo. Napansin ko kasi na mag-isa ka lamang kasama ang mga maid at guard," sabi ko. Napaisip naman ako at mukhang hindi yata tama na manghimasok ako sa buh

