"Psst...Fern." "Uy, Fern." Napatingin ako sa aking tabi na si Helley. Kanina pa niya ako tinatawag. Ano naman kaya kailangan ng babaeng 'to at nang iistorbo? Nasa harapan ang tingin ko eh dahil nakikinig ako pero itong si Helley ay parang walang balak na makinig sa nagtuturo sa amin sa harapan. Nandito kami ngayon sa loob ng classroom at kasalukuyan kaming nag-aaral. "Ano? Anong sasabihin mo?" pabulong kong sabi para hindi ako marinig ng guro namin na abala sa pagtuturo. Ang ayaw pa naman nito ay meron siyang naririnig na maingay dahil ang gusto lamang niyang marinig ay ang sarili niyang boses. Dahil kung nag-ingay ka man lang ng saglitan ay wala naman na siyang ibang gagawin kundi ang palabasin ito. May iniabot naman sa akin si Helley na isang papel. Ibinasa ko ang nakasulat dito gamit

