Mabibigat ang talukat ng aking mga nang imulat ko ito. Nakatingin lamang ako sa kisame habang natutulala. Naramdaman ko na lang na may tumulo ng luha na naggaling sa aking mga mata. Totoo ba lahat ng naaalala ko? Si Jayden...naaalala ko na siya. Lahat ng mga alaalang aking nakalimutan. Para akong nagising mula sa katotohanan. "Fern, thanks God at gising ka na. Drake, tumawag ka ng nurse, dali!" utos ni Helley. Naramdam ko naman na hinawakan ako ni Helley sa aking kamay. "Fern, magsalita ka naman oh. Kausapin mo ako," sabi niya at mukhang iiyak na siya. Nanatili lamang akong nakatingin sa kisame habang inaalala ang aking nakaraan na ngayon ay madali na lamang para sa akin ang maaalala ang mga ito. Ayaw tumigil ng mga luha ko dahil sa pagtulo habang ako ay para ng sumigaw sa tuwa at kasa

