"Fern, anak? Nandito ka na." Naimulat ko ang aking mga mata at tumingin kay Mommy na ngayon ay nasa harapan ko na. "Bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka?" tanong niya at umupo sa aking tabi. Niyakap niya ako ng saglitan at nakangiti niya akong tinitingnan. "Kamusta si Jayden? Is he okay?" tanong niya muli. Tumango naman ako sa kaniya bilang sagot sa kaniya kahit na wala talagang nangyari sa kaniya na hindi maganda. Huminga ako ng malalim at humarap sa kaniya. Hindi ko na patatagalin pa ang nais kong sabihin sa kaniya at kay Dad. "Mom...may gusto akong sabihin sa inyo ni Dad but he doesn't seem to be here. Nasaan po ba siya?" tanong ko kay Mommy. Nang magsasalita na sana siya ay napinto na lamang siya ng may biglang nagsalita. "Hinahanap mo ako my baby girl," sabi ni Dad pagka

