Pumasok na ako na ako sa magiging kuwarto namin ni Jayden at humiga sa kama. Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Jayden. Ngayon ko napagtanto kung bakit hindi man lang uminom si Jayden marahil ay alam niyang kasama niya ako sa isang kuwarto at hindi yata maganda kung makakasama ko siya na lasing. Lumapit siya sa kama at tahimik na kinuha ang unan, kumot at naglagay ng banig sa sahig bago siya humiga. Sinilip ko naman siya. Naisip ko na malamig ang sahig at baka mahirapan siya sa matulog. Kaya umurong ako papalit sa kaniya at kinalabit siya sa likod. "Hmm," sagot niya. "Ayos ka lang ba diyan?" tanong ko sa kaniya. "Yeah, matulog ka na," naaantok niyang sabi. Napaikot naman ang aking mga mata. "Huwag ka ngang magsinungaling sa akin. Kung gu—gusto mo, dito ka na lang din

