CHAPTER 13:
"Iha may susuot ka na ba mamaya?" Biglang tanong sakin ni Lola Belle.
Napatigil ako sa pagkain. I look at Zach na nasa tabi ko nagkibit balikat lang naman siya. Ano bang meron ngayon?
"I'm sorry granny it's my fault I forgot to tell her. So Iris may party na magaganap dito mamaya binilhan na din kita ng masusuot" Tuwang tuwa na sabi sakin ni Ashley.
"Party?" Nagtatakang tanong ko.
"Yes daughter party si Ashley ang nag organize ang malilikom na pera dito ay idodonate sa napili namin foundation" Sabi naman ni Tito Miguel.
"This will be fun!" Ashely said again cheerfully.
Napangiti na lang ako. Eto pala yung party na nakkwento sakin ni Ashley pero ayaw niya sabihin kung ano.
"Wag na kayong pumasok ngayon sa trabaho Zach" Sabi ni Tito Miguel.
"I have an important meeting" Walang kalingon lingon na sagot ni Zach.
"Ayan din ba yung emergency meeting mo kahapon?" I ask curiously.
He looks shocked at me. Mukang nagdadalawang isip siya sa isasagot niya. What's wrong with him?
"Yes" Umiwas na siya ng tingin at ibinalik ang atensyon niya sa pagkain.
I smell something fishy. Or nag oover react lang ako? Maybe.
Natapos na kami kumain napagplanuhan naman ni Ashley na wag na lang ako pumasok magpapaganda daw kami ngayon this means na hindi ko makikita si Zach hanggang mamaya. Iniisip ko pa lang namimiss ko na siya agad.
Heto kami naglalakad, nakahawak ako ngayon sa kamay niya dahil ihahatid ko siya hangang sasakyan niya.
"Masakit pa ba?" Nagaalalang tanong niya sakin.
Pinakiramdaman ko naman yung sarili ko. Wala na naman kumikirot sa katawan ko. Thank God.
"Hindi na"
Ngumiti siya ng bahagya.
"Pag masakit padin uminom ka agad ng gamot" He tucked my hair behind my ears.
"Sir yes sir!" Masigla kong tugon.
Mas lumapad naman ang ngiti ni Zach at nagsiliparan naman ang mga butterflies sa stomach ko. OMG his smiles.. Isa sa mga bagay na gustong gusto ko sa kanya. Madalang lang kasi siyang ngumiti.
"I'll see you around Mrs. Esqueza. I bet you'll be the most beautiful woman in this party later" he sounds so confident.
"It's a tie Mr. Esqueza" I laughed whole heartedly.
I know isa si Zach sa pinaka gwapong lalaki mamaya kaya kailangan kong maging alisto sa mga babaeng papaligid sa kanya. Kailangan ko din mag paganda para naman maging match kami kahit mamaya lang.
He kissed me on my forehead at umalis na.
Tamang tama naman palabas na si Ashley sa bahay.
"Iris there you are! Let's go to the parlor at magrelax na din at the same time!" Hindi pa ko nakakasagot hila hila na niya ko.
"S-si tita hindi ba kasama?"
"No yung mga parlolista ang mga pumupunta sa bahay para ayusan siya. You know naman my mom she's kinda maarte. Let's go!"
Hinila na niya ko ulit. The whole day nasa salon lang kami lakad ng konti bili ng damit halos lahat ata nang magustuhan niya binibili niya. Kawawa tuloy yung mga body guards na kasama namin.
Excited na din akong umuwi dahil alam ko pag nangyari yun makikita ko na siya ulit. Inayusan na ko nung bakla tuwang tuwa dahil hindi daw siya mahihirapan sakin.
Ang ganda ko na daw maganda pa buhok ko. Di ko alam kung nangbobola lang siya para bigyan ko ng tip
Nang matapos kaming ayusan ni Ashley nagulat ako sa sarili ko gumanda nga ko iba talaga nagagawa ng make up.
We went straight home medyo may mga tao na may mga nakalagay na dekorasyon sa garden nila at maraming upuan.
"Iris! Are you ready?" Ashley's wearing a pink dress patube siya bagay na bagay sa kanya.
"Saglit na lang. Pero kung may kailangan ka nang gawin mauna ka na kaya ko na sarili ko" Nakangiting tugon ko. I love my red dress see through siya sa bandang bewang at hapit na hapit sakin. Nakalugay naman yung buhok ko na nakacurl ngayon.
"Are you sure?"
"Yes"
"Okay see you"
Hmm, ano kaya magiging reaksyon ni Zach pag nakita niya ko?
Lumabas na ko ng kwarto mas dumami ang mga tao ngayon pati sa bawat sulok ng bahay nila meron. May mga tao na nagsasayawan sa gitna.
Napapagasps naman mga lalaki sa direksyon ko. I hate being the center of attraction di ko alam kung bakit pero minsan talaga pag sobrang daming tao na kinakabahan ko. It makes me uncomfortable.
Huminga ako ng malalim hindi ko padin makita ang hinahanap ko.
Nakakatatlong inom na ko ng wine wala padin. Baka narape na yun ha? O baka may kameeting padin?"Pwede ba kitang masayaw magandang binibini?" Napatalon ako sa lalaking sumulpot sa harap ko. Gwapo naman pero may asawa na ko.
"No, because she's my date tonight" Sabay kaming napalingon nung lalaki sa likod ko.
Oh...my God.. Zach really stand out sa suot niya na gray suit and black tie. At ang kgwapuhan niya lutang na lutang!
"Mr. Zachary Esqueza" Gulat na bati nung lalaki sa kanya.
"Mr. Flores" He said.
At lumapit siya sakin parang nagsslow motion ang lahat.
"Shall we beautiful lady?"
"Yes" I said breathlessly.
Hinila ako ni Zach sa gilid malayo sa mga tao.
"I've miss you" He murmurs.
Pero bago pa ko makasagot hinalikan na niya ko sa labi saglit lang siya pero ang lakas nanaman ng epekto sakin.
He smiled.
"You look stunning Iris" He look at me with amusement.
"Er, you look perfect Zach"
Lumapit siya sakin at bumulong sa tenga ko
"It's a tie love"
I giggled.
"That's my son" Turo ni Tita Mikaela kay Zach napapaligiran siya ng mga bata at magagandang babae.
Napahawak tuloy ako sa braso ni Zach.
Nagtatakang tumingin si Zach sakin at sinundan ang direksyon ng mga mata ko.
He laughed, "Lots of single and beautiful ladies tonight huh?" Pang aasar niya sakin.
"Subukan mo lang" Nag init tuloy agad yung ulo ko.
He laughed again louder than before "But I still prefer my most beautiful and lovely wife"
Agad agad naman nagtatalon sa tuwa ang puso ko tumayo si Zach sa harap ko and held my hand.
"Now, May I dance with you Madam?"
I laughed.
At tumayo na din sa harap niya.
"Of course you may" I bend slightly my right leg like a princess.
Sa pinaka gitna kami pumwesto at hinapit naman ni Zach ang bewang ko. Smelling every inch of me.
I can smell his perfume too. Hmm.
He moves expertly. .Gosh pati ba naman sa pagsayaw napaka galing niya.
"This dress suits you love" Bulong niya sakin at bumaba yung kamay niya sa likod ko."I can't wait to kiss each and every part of your body so if I were you...." He kissed my earlobe.
"I'm going to beg right now and as a return I promise that I'll give you one of a kind mind blowing orgasm of all time"
Ah s**t. Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Inikot naman ako ni Zach at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak niya sakin.
"Shock right now? Aren't you Mrs. Esqueza?" He tease.
"I guess I am Mr. Esqueza"
Swaying my hips now. Sumasabay kami sa tugtog ng kanta at ngayon ko lang din napansin na halos lahat ng tao samin nakatingin.
Namula ako tumawa lang si Zach.
"Enough for this" Bumalik na kami sa upuan.
Nang magsalita si Ashley.
"Ladies and gentlemen lets start the show!" Nagpalakpakan yunh mga tao.
"Pinagbotohan namin ang mga lalaki na kasali dito. And I guess majority always win" She laughed in her attractive voice.
"May tatlong napaka swerteng lalaki ang kasali sa larong ito. Simple lang itong tatlong lalaki iaauction natin kung sino ang mapipili niya magkakaroon kayo ng one on one date with him! Isn't that wonderful?"
Nahiyawan naman yung mga babae.
Shoo! They are staring. Kay Zach sila halos nakatingin. Pero relax na relax padin siya sa tabi ko na parang wala lang.
"And the first lucky guy is no other than my most hottest, handsome and gorgeous brother. The CEO of Esqueza's Company Mr. Zachary Esqueza"
Aaah! Dammit sumimangot naman si Zach tapos yung mga babae tila nagsparkle yung muka. Hindi padin gumagalaw si Zach na tila walang narinig.
"Oh come on Zach. Try to be good sport it's just a game and just one date. Para naman sa mga mahihirap mapupunta ito" Pangongonsensya ni Ashley
Crap. No Zach wag kang tatayo. I crossed my fingers. Don't.
"Zachary!" Sigaw ng isa.
"Zachary!" Dalawa na sila.
"Zachary!" Ang dami nang sumisigaw sa pangalan niya kaya no choice. Napatayo siya kahit hindi niya gusto.
Nag aalala naman siyang tumingin sakin parang nagpapaalam sa gagawin niya. Yumuko na lang ako then I nodded.
Nagpalakpakan na yung mga tao. Este, yung mga babae pala."I told you sasali siya!" Rinig ko na mataray na sambit ng babae sa likod ko.
"Pagkakataon na natin to para makadate siya! OMG!" Yung isa naman nagsalita.
"Wala na kayong chance dahil ako ang makakadate niya" Sabi nung mukang sosyal.
"Ako!"
"Ako kaya!"
"Ako na yan! Naglabas na si dad ng maraming pera sa bangko para lang manalo dito!"
Nag aaway away na sila sinong makakadate ni Zach, hindi ba nila alam na hindi madaling makadate si Zach? Kaya ako lang talaga dapat. Pero crap, Pinag aagawan na nila si Zach. Paano na ko?
Hindi ko na naman narinig yung ibang contestant gwapo din pero walang tatalo kay Zach.
"Now let's start the auction with Mr. Bautista" Says Ashley.
"Starting price is 5 thousand peso"
"6 thousand!"
"8k!"
Hindi na sila pumapasok sa isip ko dahil di ko na alam ang gagawin ko. Si Zach naman hindi na tumitingin sa direksyon ko. Arggh. Badtrip nanaman ata siya?
"Going once going twice"
"Let's congratulate all the ladies who bet 10k and above!"
Tuwang tuwa naman yung limang babae.
"And now for my brother Mr. Esqueza. The auction is now open started price is 8 thousand pesos!"
Ah crap. Halos isang sahuran ko na yan ha? Ganun kamahal ang makipagdate sa kanya.
"10 thousand pesos!" Sigaw nung babae.
"15 thousand!"
15k agad? Oh..my...I hate this whole party idea!
"20k!" Pataas na ng pataas yung price.
"21k!"
"26k!"
Hindi ba sila matatapos? Teka magkano na lang ba pera ko sa bangko? 50 thousand? Ni hindi ko nga ginagastos yan kahit may gusto akong bilin basta maka ipon lang.
"40k!" Napanganga ang mga tao.
Tumingin kami sa babae na nagsalita. Holy cow, bakit ang ganda niya tapos mukang model pa? No no no. Hindi ako papayag na may makadate si Zach ng ibang babae.
I look at him. He looks so bore bakit hindi man lang siya kinakabahan?Argh!
"50 thousand!"Yeah, ubos agad agad ang pinagipunan ko para lang makadate ang asawa ko. Ashley stare at me smirking si Zach naman ngumiti na kahit papaano. Like I save his life! Oh come on!
"55 thousand!" Ah s**t. Yung babae ayaw magpatalo.
Hindi na ko makapagsalita.
"Going once, going twice. Congrulations! Ladies who just bet 30k and above! We'll see you in the next round."
Hindi ako natutuwa pinagpapawisan ako ngayon kaya wala na kong pakelam sa next guy na iaauction nila. Naubos ang ipon ko at hindi pa ko sigurado kung makakadate ko ang asawa ko. Poor me.. Siguro one of these days pupulutin na lang ako sa lansangan. Sino ba naman kasing nagpauso ng auction na yan..
"Going once, going twice. Congrulations! Ladies who bet 25k and above!"
Huh? Mataas taas din yun ha. Nilingon ko yung pangatlo ngayon ko lang napansin medyo bata pa siya mga 18 siguro? Kaya pala pinagagawan din siya. Di na kataka taka.
"We will continue the next part after we eat. Well done for awhile everyone!" Says Ashley.
Bumaba na naman sa stage si Zach nakatulala lang ako sa kanya ganun din siya sakin atleast nagkakaintindihan kami ngayon.
"I'm so glad you bet for me"
"Hindi ko naman hahayaan na makipagdate ka sa ibang babae"
"I thought that too"
"Oh Zach.."
Kung alam niya lang na halos maubos na ang kayaman ko para lang sa kanya.
"Nag send ako ng pera sa bank account mo you know that?"
I blinked.
"Really?"
"Yes you are my wife so what's mine is yours" Di ko alam kung kikiligin ako o makikipagtalo o magugulat padin.
Magsasalita pa sana ako.
"No buts no fights"
"Er, okay. Thank you" Yumuko pa ko nakakahiya kasi.
"Always welcome love"
He kissed the back of my hand and I know na nakatingin padin ng masama samin ang mga babae na gustong umagaw kay Zach. Huh, kala namna nila ipapaagaw ko si Zach kung alam lang nila na kasal na kami kahit dahil sa kontrata lang. I don't care basta ngayon ieenjoy ko muna yung moment na nasa tabi ko siya.