CHAPTER 19:
Wala akong gana ngayon sa lahat ng bagay. Feeling ko may kulang at alam kong si Zach yun. Arggh. Ganito na ang epekto niya sakin malala na ko. Hay.
"Atey bakit sad?" Tanong ni Romeo sakin pagkabalik ko.
I look at him straight in the eyes. My bestfriend, hindi ko na siya masyadong napapansin simula ng ikasal ako. Pati nga ang sikreto na yun hindi ko masabi sa kanya.
Hindi ko na din nababalance ang mga bagay bagay sa buhay ko.
"I know that look pag may problema ka titingin ka lang sa akin at hindi magsasalita. May maitutulong ba ko atey?" Tanong niya ulit at hinawakan ang kamay ko.
"Oh Romeo" Niyakap ko siya ng mahigpit "I just need some hug from you my bestfriend"
"Shh. Atey it's alright malalagpasan mo din yan problema mo. Ikaw pa ba napaka galing mo dyan eh kung paano solusyunan ang problema"
"Gaya nung college pa tayo?" I ask laughing.
"Oo gaya nung college pa tayo na pupunta pa tayo sa recto para lang ipafake ang grades mo" We both laughed.
Kung gaano ako kabilis malungkot ganun din ako kabilis mapatawa. Haay, I miss those times na puro saya lang ang iniisip ko. Yung tipong nag babar kami pag friday na kahit hindi alam nila daddy and mommy na tumatakas ako every friday night.
"Aha!" Napabalikwas ako sa biglaan pagsigaw ni Romeo.
"Bakit?" Nagtataka naman tanong ko.
"Alam ko na solusyon dyan sa problema mo?" Napakunot tuloy yung noo ko. Knowing Romeo wala siyang maissuggest na maganda.
"Tomorrow night grand opening nung bar ng friend ko. Pwede tayo pumunta at magsaya for awhile para makalimutan mo yung mga problema mo diba? Just like the old times" Ngiting ngiting sabi niya.
Tomorrow night? Makakalabas naman siguro ako nun dahil aalis si Zach mamayang gabi at kinabukasan pa siya dadating. Pwede naman siguro akong umalis din habang wala siya hindi naman niya malalaman.
"Game ako dyan Juiet!"
"Shh atey umaga ngayon kaya Romeo ako. Okay?" Natawa nanaman ako.
"Kaya mahal kita Juliet eh" Niyakap ko siya ulit.
"Alam ko Irisiana"
Bigla naman tumunog ang tiyan ko.
"Hala atey ano yun?"
Er, Oo nga pala hindi pa ko kumakain ng lunch.
"Wala yun magtrabaho na tayo bago pa may sumaway satin"
"Yeah left!"
Kaya nagbusy busyhan mode na kami. Ako? As usual hindi padin ako makapagfocus sa ginagawa ko panay din hawak ko sa tiyan ko dahil nagmamaktol na talaga sila. Pero wala talaga akong gana kumain.
"Ms. Villafuente?"
Napalingon kami ng mga kaopisina ko sa lalaking maliit na naka cap muka siyang crew actually tapos may bitbit siya na pagkain.
"Ako po yun" I raised my hand.
"Delivery po" Ngiting ngiting sabi niya at lumakad sa desk ko at inilagay ang iba't ibang uri ng pagkain.
"Er, wala naman ako inoorder na ganito?" Mas lalo naman lumiit yung mata ng nakangiting lalake.
"Ah may nagpadeliver lang po sa inyo niyan. Wag po kayo mag alala bayad na yan. Sige mauna na po ako" Nagmamadali nang umalis yung lalaki ano kayang problema nun?
"Iris may festival pala ngayon?" Natatawang tanong ni Rose pero yung mata niya sa pagkain na nakatuon.
Nagtataka talaga ako sino nagpadala nito. Nang makita ko may sticky note ang isa sa mga pagkain. Agad agad naman bumilis ang pag t***k ng puso ko.
Kinuha ko yun at binasa.
Eat Ms. Villafuente, I'll be watching you.
Z
Napangiti ako ng bahadya at tumingin sa CCTV na nasa harap ko. My sweet Zachary still cares for me even when he's mad.
I mouthed 'thankyou' to the camera and eat happily.
* * *
Hindi padin nagpapakita si Zach sakin mag gagabi na lahat lahat hindi padin niya ko kinakausap nag aalala nanaman tuloy ako. It's kinda unfair dahil siya pwede niya ko makita kung gustuhin niya pero ako? Arggh. Nevermind.
Kaya hindi na ko nagulat kung yung sasakyan na binigay niya sakin ang nakaparada paglabas ko ng opisina.
Iniiwasan niya ba ko dahil kay Miggy o dahil nag aalala padin siya sa nagawa niya sakin? Haay, I don't know.
Kaya natulog na lang ako ng maaga later that night at umaasa na gigisingin niya ko bago siya umalis.
Here it go again. Tumatakbo nanaman si Zach oh.. no! But this time ang dami na namin kasama. Ikinagulat ko dahil puro kamuka ko sila like Sassy pare pareho kami ng mata.
Hinila naman ako nung isa na kamuka ko din.
"Dyan ka lang. Naiintindihan mo ba? !" Sabi niya at isiniksik ako sa isang sulok hindi ko alam kung paano niya ko napasunod pero ginawa ko yung utos niya. Inilalayo niya si Zach sakin!
Tiningnan naman ako ni Zach na nagaalala napatingin din ako sa braso niya na hawak hawak ng babae. Sumasakit ang dibdib ko at the same time natatakot ako. Hindi ko alam kung saan o kanino. Kay Zach ba dahil tuluyan niya na kong iiwan?
"Wag! Please wag niyo kong iwan.." Umiyak na ko pero di nila ako pinansin.
"Do not follow us " Ang tanging binanggit ni Zach at hinawakan ang kamay nung babae at tumakbo.
Do not follow us?! Oh.. Zach ayaw mo na ba sakin? Tumulo ng tumulo ang luha ko. Lalo na't unti unti silang nawawala sa paningin ko.
"Zach!" Sigaw ko pero hindi niya ko nilingon. Zach bakit mo ko iniiwan dahil ba hindi ko padin mabigay ang gusto mo? Kulang padin ba?
"Zach!" Sigaw ko ulit pero this time hindi ko na siya makita. Tuluyan na siyang nawala kasama ang babae na magbibigay sa kanya ng kailangan niya.
Umiyak nanaman ako ng umiyak natatakot ako tapos iniwan niya pa ko. Zach..come back please.. Hindi ko alam gagawin ko pag wala ka.
"Zach!" Napabalikwas ako sa kama. Hinihingal at the same time humihikbi patuloy padin sa pagtulo ang luha ko.
Holy s**t. Pati ba naman sa panaginip ko iniiwan na niya ko? Napahawak ako sa dibdib ko hindi yun totoo. It's just a bad bad dream hinding hindi mangyayari yun. Hindi ko hahayaan at hindi ko siya pakakawalan.
Napatingin naman ako sa orasan sa gilid. It's 3:30 a.m in the morning nakaalis na kaya siya?
Bumaba ako para uminom may nakita naman akong another sticky note sa refrigerator.
Been to out of town meeting. Be back tomorrow morning. Keep safe Ms. Villafuente.
Z
I blinked, pupuntahan niya ba yung babae sa panaginip ko? Crap! Umiling ako dahil kung saan saan nanaman napupunta ang utak ko.
Dahil ayoko na bumalik sa kwarto ko natulog na lang ako sa sofa.
**
Nagising ako sa isang boses babae na sigaw ng sigaw. Familiar eh?
"Iris! Iris!" Sigaw nito.
"Hindi kaya nakidnap siya?!!" Nag aalalang tanong nito sa kausap niya.
"Baka naman po may binili lang po Ma'am" Sagot ng lalaki na hindi ko kilala ang boses.
"Bibili?! Ganitong kaaga bibili?! Ano naman ang bibilin niya?! Baka ano na nangyari dun! Kawawa naman ang kapatid ko kung sakali. My poor brother. ."
Oh.. Now I know kung sino siya.
"Ashley " Banggit ko kahit inaantok pa. Umayos na din ako ng upo sa sofa.
Unti unti naman nanlaki ang mata nito ng makita ako at yumakap sakin ng mahigpit.
"Kala ko ano na nangyari sayo."
"Er, bawal ba matulog sa sofa?" Inosenteng tanong ko.
"Hindi naman pero. Hell, bakit namamaga mata mo? Waaah nag away ba kayo bago siya umalis o namimiss mo na siya agad? Tell me kung may magagawa ba ko para mapasaya ka" Sunod sunod na sabi niya at inalog pa ko.
Am I missing something? May weird feeling akong nararamdaman. I can feel it.
"Do you want to go shopping? O mag paganda sa salon? Tell me kung papaano kita maeentertain today para di ka maboring" Tuloy tuloy nanaman na sabi niya.
"Ashley, Are you up for something? Because you sounds weird" Nahihiyang tanong ko.
"Ughh" Bigla siyang namula at umiwas ng tingin sakin.
"Ashley?" Hindi padin siya tumitingin. Napatingin ako sa oras. Crap! I'm running late.
"Kailangan ko nang pumasok" Patayo ako nang hilahin niya yung jacket ko.
"Iris, Promise me you won't tell him na alam mo na ok? My brother. Arggh! He persuade me for something dahil dun naman siya magaling napa oo ako"
I creased my forehead "Di kita magets"
"He said na bantayan kita in 24 hours hindi dapat kita iiwan at kung saan man daw tayo magpunta ngayon he said to bring his bodyguards with us. And he also said na kailangan hindi ka mabobore at dapat mapasaya kita at wag ka na daw pumasok ngayon at tayo lang muna ang magkasama habang di pa siya bumabalik at bawal ka pumunta sa crowded places at---"
I raised my index finger, "Stop"
This is somehow too much to take. Hindi ako makapaniwala na kahit wala siya dito eh magagawa niya padin iparamdam na andito siya.
"Just please stop. Okay ganito papasok ako sa trabaho ko ngayon at ikaw pwede ka nang umuwi gawin mo lahat ng gusto mo. Hindi natin sasabihin sa kanya at hindi niya malalaman. Hmm, Better?"
"No no no no Iris dear. Trust me malalaman at malalaman niya yan. Please pagbigayn mo na ko para sa lovelife ko. Please.. "
Teka paano naman napasok lovelife niya dito?
"Lovelife?"
Nagsparkle naman ang mga mata nito na tila may iniimagine na ibang kasama.
"Oh.. yes my dear Iris. Lovelife kilala mo ba si Caleb yung hot mysterious vocalist ng Not For Hire band?"
Nagisip ako saglit "Ah yung Illuminati? "
"No! Of course not hindi siya Illuminati. Pero sige ganito yun I like him pati yung mga kanta niya at napagalaman ko din na kaibigan siya ni Zach"
Oh.. May kaibigan pala si Zach? I guess they have this weird circle of friends dahil pagkakaalam ko dun sa Caleb everytime na nagcoconcert siya may nagsusuicide mismo dun sa lugar na pinagpeperforman niya.
"And?" Tanong ko.
"Pag nagawa ko ng maayos ang inutos sakin ni Zach ipapakilala niya ko kay Caleb ng hindi siya kumokontra"
Nagsitayuan naman ang mga balahibo ko "Hindi ka ba natatakot Ashley? Hindi normal na lalaki yung Caleb sa pagkakaalam ko meron silang secret group kaya siya tinatawag na Illuminati and you still like him?"
Mas lalo naman kuminang ang mga mata nito "Malakas ang appeal sakin ng mga misteryosong lalaki Iris kaya. Please kahit para na lang sa lovelife ko.. Please"
Dahil alam ko na hindi rin susuko si Ashley, hindi ko naman siguro ikamamatay kung makasama ko siya buong maghapon.
I sighed "Okay" At niyakap nanaman niya ko ng sobrang higpit.
Nagshopping lang kami buong maghapon. Bumili na din ako ng damit na susuotin ko para sa party namin ni Romeo sinabihan ko din si Ashley tungkol dito. Nilagyan ko na lang ng concealer yung pasa ko at may iniinom naman ako na gamot para mawala sila agad.
Sa una ayaw niya pumayag pero nung sinabi ko na magbabar kami umoo naman siya agad. Ang problema na lang namin ngayon kung papaano makakatakas sa dalawang bodyguards na kanina pa sunod ng sunod samin.
* * *
Kanina pa text ng text si Romeo at kanina padin kami nakabihis hindi namin alam kung papaano makakalabas na hindi nakikita ng dalawang bantay.
"I think alam ko na kung papaano" Sabi ko kay Ashley na kanina pa silip ng silip sa pinto.
"Paano nga ba?"
Tinuro ko naman yung bintana.
Nanlaki ang mata niya "What?! Ang taas niyan!"
"Second floor lang naman" I winked at her.
Para tuloy kaming teenager na tatakas sa magulang. Pinagkabit kabit namin yung kumot at doon bumaba. Success naman kaya dumeretso na kami sa bar na sinasabi ni Romeo.
"Ang tagal mo atey! Lunod na lunod na tuloy ako sa mga lalaki dito" Nagtatalon na sigaw ni Romeo.
"May kailangan lang takasan. By the way this is Ashley "
Lumapad naman ang ngiti ni Romeo at sumigaw dahil napakalakas ng music sa paligid "Ashley Esqueza? Myghaaad! Ikaw yung model right?!"
Mukang nagkasundo sila agad kaya na o.p ako diba ang saya lang! Dapat ako yung inaaliw nila.
Pumunta na lang ako sa bar counter at tumingin sa paligid. Ang daming tao na nagsasayawan yung iba lasing na 12 a.m. na hindi padin sila napapagod.
At nakaka anim na shot na ko kaya medyo umeepekto na ang alak sa katawan ko nang maisipan ko makisayaw na din kela Ashley and Romeo na mukang lasing na din.
"Party like, like it's the end of the world!" Sabay sabay namin kanta.
I miss this! My night life the happy go lucky part of me! I sway my hips ignoring those people around me basta kami nageenjoy lang!
Tinataas ko pa yung buhok ko habang kumekembot nang mapasulyap ako sa lalaking nakaupo sa counter na nakatingin sakin ng masama.
May iniinom siya na alak yung paa niya naman nakadekwatro na pang lalaki.
Holy cow! I can't believe this siya ba talaga ang nakikita ko?! Sa itsura niya ngayon muka siyang nagpipigil ng galit.
Itinaas ni Zach yung isang daliri niya at gumalaw na naguutos na pinapalapit niya ko. Nawala ata bigla ang tama ko.
Lumapit ako sa kanya, kinakabahan.
"Enjoying yourself Ms. Villafuente?" He asks dryly.
Napalunok ako "Are you mad?" Nag aalalang tanong ko.
Inilapag niya yung hawak niya na baso at tumayo sa harap ko.
"No words can describe how mad I am right now Ms. Villafuente" He whispered.
I look at his face. This face I really miss okay lang kahit galit siya sakin ngayon atleast kinakausap niya ko at nasa harapan ko na siya.
"Please, Don't be mad at me Sir. I've miss you" So much na kahit sa panaginip ko siya at siya padin.
"You can call me whatever name you want Iris" Anong nakain niya na pwede ko na siyang tawaging Zach?
Hinila naman ako ni Zach upang mapalapit lalo ang mga katawan namin
"I miss you too much it's like I've left my half self with you Iris"
Oh.. crap my Zach is back and he miss me too. Naoverwhelm ako sa sinabi niya.
"Oh Zach.. My Zach.." I soabed.
"Hush now love, I am here" Finally niyakap na din niya ko feeling ko ilang taon kami hindi nagkita. He kissed the top of my hair. Nawala na ng tuluyan ang pagkalasing ko.
"You really like dancing, huh?" He teased habang pinupunasan ang luha ko.
"You saw it again" I said shyly looking down to my hands.
"Yes and I will pay a million pesos just to see it again. But I prefer you in private Iris"
Hihilahin na sana ako ni Zach nang pigilan ko siya.
"Wait!"
Nagtataka naman na tiningnan niya ko sa mata.
"Romeo and Ashley?"
Umiiling siya at giniya niya ang mata sa direksyon ng dalawa.
"I told her to take care of you. Look at her mukang siya pa ang dapat alagaan ngayon"
"Shh, don't blame her Zach malaki na ko at alam ko na ang ginagawa ko"
He looks at me the-stubborn- as- ever- look.
"Let's enjoy the night instead?"
"Hmm, I'll enjoy the night as long as you're with me Iris"
Gusto ko nanaman sumayaw pero this time sa tuwa. Si Zach naman ang hinila ko papunta sa table namin nila Romeo.
"So pano mo nalaman na andito kami?" Tanong ko ng makaupo kami ni Zach. He's caressing my exposed legs and it's very distracting.
"May tumawag sakin" Tila wala sa interest na sagot niya.
Umakyat naman ng umakyat yung kamay niya. At bago pa makarating kung saan ito patungo isinara ko ang hita ko dahilan upang maipit ang kamay niya.
He smirked.
"Paano naman may tatawag sayo? Wag mong sabihin hanggang dito may pinapasunod ka padin?"
Tinanggal na naman niya ang kamay sa hita ko.
He tucked my hair at the back of my ear "My two useless bodyguards called. Sabi nila tumakas kayo ni Ashley at buti na lang pauwi na ko kaya sinubukan kong tawagan ang mga night club na pag mamayari ko"
I raised my eyebrow "Paano mo naman nalaman na sa bar kami pupunta ni Ashley?"
"First, it was really late so I conclude nasa bar lang kayo pupunta. Second, knowing my sister hindi siya sumasama sa mga lakad ng pang gabi unless you'll go partying with her. You know it's her favorite hobby" Then he puts his forehead against mine "Any questions Mrs. Esqueza?"
I breathe heavily hindi ko alam kung bakit sa tuwing ang lapit na niya ganito padin ang epekto.
"I miss you calling me Mrs. Esqueza, Mr. Esqueza"
He laughed before I could speak again he crashed his lips against mine I closed my eyes. Savoring this moment we have now.. It's been what? One day since I taste his addictive lips I open my mouth to give his tongue an entrance. I miss him his scent, his tounge, his lips, his hair, his body and everything about him. I miss this man so badly.
He puts his hand on my hair and my hand on his to make it more deepen. Then he sucked my tounge I moan of the sensation he's giving me. We're now kissing passionately mating our tounge and giving tiny bites.
He kissed me with power, hunger and dominating desire I was panting while my throat was screaming for more. We stopped before we lose ourselves.
"Oops, that was out of line" He smiled my favorite teased smile that always destroy my resistance.
"I don't mind"
"No, not here" Lumayo na siya sakin bago pa mawala nanaman kami sa aming sarili.
"So meaning ba niyan pwede na uli----"
"No"
Sumimangot ako. Eto nanaman kami okay sa una maya maya hindi. Naramdaman naman ni Zach na naoffend ako sa sagot niya.
"It's a yes and no answer love" Pagbabawi niya. "Let me think of it first okay?"
"Sure, I can live with that" I look to his dark beautiful eyes. Those eyes of the man I truly love. He look at me too straight, never leaving mine.
I smiled he smiled. Right at this moment we both knew the fight was finally over.