bc

Midnight Rain (A Forbidden Love) Book 1

book_age18+
223
FOLLOW
1.0K
READ
forbidden
BE
billionairess
gxg
serious
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED (OCT. 2, 2023)

Gatchalian is the heiress of Gatchalian empire. everyone thinks she has it all, but little did they know she's mesirable.

she's like a dog who barks only when her father told him so. Her father decides her fate, she decides everything for her, kahit na nga di niya ito gusto.

She wants to be freed, but how?

Not until she meet Maxene Dela Rama, her secretary, the girl that made her know her worth. They fall in love but the sad part is, their love is  forbidden.

Not only in the eyes of people outside, but also in the eyes of her reputable family.

is she willing to risks everything? for a nobody girl like Maxine Seria Dela Rama?

Disclaimer: this is a GL story.

Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
SIMULA
I want the love that lasts but where I can find it? Florence Louis MAKULIMLIM ang langit, nag-babadyang kumawala ang naipong tubig mula rito. Ang mga mga ibon ay mabilis ang paglipad marahil uuwi na sa kani-kanilang tahanan. Nakatulala lamang ako sa kapaligiran mula sa pangatlong palapag na gusali ng aming kompanya. The glass windows started to get wet. Bakit nga kaya napakasayang pagmasdan ang ulan? Para bang pinapalaya ako nito sa kulungang walang rehas. I am being poetic again? Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naiisip. Umiling-iling saka umupo sa aking swivel chair. Papikit na sana ako nang may kumatok sa pinto. I sigh. Who is it? “Come in!” I ordered. Inayos ko ang aking upo at pinagsikop ang aking mga palad. Ang kalmadong antisipasyon ko sa pagpasok ng tao mula sa labas ay tila nabahiran ng pagkataranta. Iniluwa niyon si Dad. Gulat man ay nagawa ko paring tumayo. “It's me, Rence.” Agaran itong pumasok at isinara ang pinto. “D-dad...” Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong ng kayap ang aking ama. Kahit na, paniguradong 'di naman ako ang ipinunta niya. "How's the company?" He asked, not looking at my face. Ngumiti ako. “The company is doing great, Dad. I thought sa makalawa ka pa makakauwi?” "No, kailangan kitang tulungan dito sa kompanya. Besides, your grandma wants a child from you, and I also insists that you need to get married.” Seryoso itong nakatingin sa akin habang nilalapag ang kanyang dala-dalang pasalubong sa sofa. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot. "Wala ka pa rin bang nagugustuhan?" Nakataas ang kilay nito na para bang atat na na sumagot ko. I know him. Paniguradong madidismaya lamang ito sa magiging sagot ko. “Y-yes, Dad. Wala pa kong nagugustuhan. B-but that's okay R-right?” I said while stuttering. “Who says, it's okay? It's not Rence! You know that I got bored easily, ayokong naghihintay.” klaro sa mukha nito ang pagkadismaya. Yumuko ako. “Y-yes, Dad. I understand,” Ngumiti ako ng peke. “Then, ako na ang maghahanap para sayo,” makahulugan siyang ngumisi. "N-no, D-dad! Ako na'ng bahala.” pangungimbinsi ko dahil hindi maaaring siya ang maghanap para sa akin. “Are you sure? Ilang beses na ba kitang pinagbigyan? Heto ka pa rin wala ka pa ring mahanap!” He shouted at me. Para bang lahat ng balahibo sa katawan ko ay tumayo. He's probably serious now. At wala na akong kawala sa pagkakataong ito. “Yes, Dad. I promise.” Ngumisi lamang ito sa akin saka ako tinalikuran. “Siguraduhin mo, Rence! Dahil baka matulad ka sa nanay mo!” Pagkatapos nitong iwan ang mga katagang iyon ay tinungo nito ang pintuan. Kumalabog ito ng napakalakas. Hinilamos ko ang aking kamay saking mukha. Hindi ko pa rin makuha ang ibig nitong sabihin tungkol kay mama. What is it? And why is my mother left us, kagaya ng sabi niya ni dad? Is my mother a bad person? What really happened? All I know for now is I don't like men. I don't have a fantasy about them. All I know is I want a love that lasts but I don't know where I can find it? Inayos ko ang sarili at nag-umpisang tahakin ang bar kung nasaan si Dexter. Nasaan na kaya ang vadeng na iyon? I sighed when I found him. Nakayakap ito sa lalaking nakasuot ng tuxedo. Sa itsura niya ay alam kong lasing na ito. Napailing na lamang ako mula sa aking kinatatayuan. He's really enjoying it! Alangan namang istorbohin ko ito? Umupo ako sa bar counter at umorder ng maiinom. Sinisimsim ko pa lamang ang alak sa aking harapan nang may ingay na lumagaslas mula sa kinaroroonan ni Dexter. Nang lingunin ko ang kanyang kinaroroonan ay higít na ito ng isang lalake na para bang sasabog na sa galit. Bakla ka talaga ng taon, Dex! Magmumukhang mayabang na naman ako nito, pero sige na nga! Ngumisi ako at tinungo ang kinaroroonan ng aking naaaping kaibigan. “Excuse me? Anong problema rito?” I said when I entered the scene. Nakita ko kung paano tumakas ang takot kay Dexter. Kinindatan ko siya bilang hudyat na handa na kong makipaglaban para sa kanya. Dexter eyes, twinkled. “You know him?” Ngingit ng lalake habang hawak-hawak ang kwelyo ni Dexter. Ngumisi ito at pinasadahan ako ng tingin. “Yes! I know him. He's my bestfriend. So back off!” walang ngimi kong sabi. “Oh!” sambit nito na tila ba nang-aasar. Nginisihan ko siya, at pumuwesto para makipagsuntukan. “Hindi mo kilala ang kinakalaban mo miss.” Ngumisi ito na nakapagpairita sa kalamnan ko. “Oh really? Let's see!” Dinampot ko ang kamay nitong nakakapit sa kwelyo ni Dexter At kasunod ay tinisod ang mga paa nito saka pinasadahan ng suntok sa mukha. Humandusay siya sa sahig. Tinapakan naman ni Dexter ang kamay nito at ilang beses na sinipa-sipa. Napasigaw ito sa sakit. “f**k, get her!” usal nito habang nagdurugo ang bibig. “Only if, they can!” Sumenyas ako Kay Dexter. Nasa wisyo na ito kaya alam niya na ang gagawin. Ilang lalake ang pumaligid sa akin habang ako naman ay handa ng makipaglaban, alin man ang sumugod sa kanila. They're all big at batak, but I'm not scared. Pumalilanglang ang suntok na iginawad ko sa isang matangkad at matikas na lalake na marahil tauhan nung kaaway ni Dexter. Naestatwa ito, marahil nasaktan siya kahit na bahagya. He's big and tall at alam kong kahit may kasanayan ako sa pakikipaglaban ay 'di ko siya matatalo. Sumenyas siya sa mga kasama, pagkatapos ay pinagtulungan akong sugurin. Nasalag ko silang lahat, ngunit halos sumakit ang hita ko sa kakasipa. Naglabas ng patalim ang isang lalaki. Malapad siyang ngumisi. “Ahhhhhh!” sigaw niya habang papalapit sa akin. Dinampot ko ang upuan at iyon ang isinalag sa kutsilyo na hawak niya. Tinamaan ko siya sa katawan. Ngunit tila semento ang katawan niyang iyon. Di man lang nagalusan. He smirked. “Tapos ka na ngayon, Miss! Sayang ang sarap mo pa namang ikama!” Humalakhak siya na parang demonyo. Dinuraan ko siya, dahilan upang lalo siyang mainis. “Lets see!” matapang na sabad ko. Ived been in a military for almost five years. Hindi man ako sumasabak sa giyera ay sinasanay naman kami. Ni hindi ko nga alam bakit ako ipinasok roon ni Dad. I heard a Serene of the mobile and I know Dexter made it. I feel relieved. Nagkunwari akong tila nasaktan habang paparating sa dako ko ang mga pulis. Kinindatan ako ni Dexter na lalong nagbigay sa akin ng senyales na galingan ko pa. Pilyong ngiti ang sumilay sa kanyang labi nang makita akong maging artista. Inaresto nila ang mga lalaking tumangkang sugurin ako. Halos hindi matikom ang bibig ng sinuntok ko kanina. Si David Lacsamana pala iyon. Bakit ba naman kasi iyon pa ang nilandi ni Dexter. Kinuhanan ako ng salaysay ng mga pulis, saka pinahintulutan na umalis. Pinagana ko ang makina ng aking sasakyan. Si Dexter ay abala sa pagsagot sa tawag ng kanyang Ina. Nang matapos ito ay sumandal ito sa backrest. “Dex, what really happened earlier?” tanong ko habang nakapokus parin ang atensyon sa kalsada. He sigh, “Just a my normal day in a bar.” Nagkibit-balikat ito. “Normal day na mabubugbog ka?” Ngumisi ako sa disgusto sa sinabi niya. “Fine. I'm sorry! Akala ko kasi gusto niya rin ako. Yun Pala pinagtripan lang ako.” Naglandas ang patak ng luha sa kanyang pisngi. Natahimik naman ako, imbes na pagalitan siya ay hinayaan ko na lang. “Okay, I'm not mad anymore. But next time think carefully kung sino ang lalandiin mo.” Tinapik ko ang balikat nito. I carefully tap his hair nang bigla itong humagalpak ng tao. “So hindi ka na galit? Bakit ko naman iiyakan 'yong gagong iyon! E, hindi naman siya masarap!” Humagalpak ulit ito ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin, “Bakla ka ng taon, Dex! Akala ko naman talaga!" Sa inis ko ay pinaharurot ko ang sasakyan dahilan para magsisigaw siya. Nang labis-labis na ang kanyang pagsigaw ay hininayan ko na ang patakbo. "Bruha ka talaga!” Nakakapit pa rin siya sa kanyang kinauupuan habang ako naman ay tawang-tawa sa itsura niya. “Mas bruha ka!” Pilit niyang sinusundot ang tagiliran ko, ngunit agad kong nahuli ang kamay niya. “Dex, stop!” saway ko sa kanya. Inirapan niya lamang ako. “H'wag mo ng uulitin iyon. Make sure, to know the person first, bago mo landiin. Landi responsibly, Dex.” Nagpout lang siya at tumango-tango. “Promise! Hindi na. Thank you, Rence. I love you, talaga!” Lumingkis pa ito sa braso ko. Siniko ko lang siya. “I want to kiss you, Rence. Sige na!” Inilapit pa niya ang bibig niya sa tainga ko. “Ew! Yuck! Lumayo ka nga sa'kin!” pagiwang-giwang ang pagharurot ko ng sasakyan dahil sa ginawa niya. “Ano ba Dex! Mababangga tayo, umayos ka!” pinandilatan ko siya ng mata. “Oo na! Eto naman! Ikikiss lang e,” Umakto pa siyang nagtatampo. “Nandito na tayo!” Ipinark ko ang sasakyan, pagkatapos ay lumabas rin siya agad. Hininga siya akin ang susi. Dali-dali naman itong pumasok ng building at tinungo ang elevator para makarating sa aking condo. Nakangisi ito ng sarhan niya ako ng elevator. Anak ng! At nauna pa talaga kaysa sa akin! Nang makarating ako sa condo ay bukas na ang pinto. Nang makapasok ako ay nadatnan ko itong nakasalampak na sa sofa. “Anong gusto mong kainin?” tanong ko. “Hindi na Rence, matutulog na ako.” Pumikit na ito, at inayos ang pagkakahiga. “Dito ka na naman matutulog?” Nakapameywang na tanong ko. Nginitian niya lang ako at tumango-tango na para bang nang-aasar. “Magiging amoy mo na itong bahay ko! Ang tapang pa naman ng amoy mo, 'di ko alam kung bahay ko pa ba ito.” “Grabe ka naman! E, di hamak na mas mabango naman ako sayo! Che!” Inirapan ko siya. Paalis na ako sa sala nang magsalita siya. “Nasa bahay si Dad. Ayoko ko munang umuwi kapag nandoon siya.” ngumiti siya, ngunit mas halata ang pait sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Pero nakuha ko rin ang ibig niyang sabihin. Alam kong mahirap ito para sa kaibigan ko. Mahirap na hindi ka tanggap ng magulang mo. Sa kung ano at sino ka. “Sleep tight, Dex, I have a favor to ask. Sana ay pagbigyan mo ako.” Tumango lamang siya at ilang saglit ay nakatulog na. Hindi mo alam kong anong tinatanunguan mo Dex, pero I need your help this time. Tinungo ko ang terrace para magpahangin. I'm tired but my dad request haunted me. Ayoko nang hinihiling niya at gagawin ko ang lahat ng paraan para makaiwas ito. Dinama ko ang malamig na simoy na dumadampi sa aking balat. You're more than this Florence Louis! You can't just be a dog that barks when you're owner told you so. Ipinikit ko ang aking mata kasunod ng isang patak na luha.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG

read
395.0K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.5K
bc

NINONG II

read
653.2K
bc

NINONG III

read
426.7K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.5K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
81.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook