Eeya
Mag aalas-onse na ng gabi ng makarating kami sa pampublikong hospital sa s'yudad ng probinsya namin at dali-dali akong lumabas ng kotse ni Brandon at pumasok sa loob.
Ramdam ko ang mabilis na pagsunod niya sa likuran ko.
Bumungad sa akin si Izzy sa harap ng ward na kinaroroonan ni Nanay Sol. Hawak ang kanyang cellphone. Mukang hinihintay kami.
Agad na nilapitan ko siya at niyakap
"Izzy! Si Nanay asan siya?"
"Ate! na sa loob po, pasok po tayo."
Saka niya kami inakay papasok sa loob. May anim na kama sa loob ng kwarto at apat 'yong ukopado kasama si Nanay. Nasa dulo ang pwesto niya sa tabi ng bintana.
Dali-daling nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang kamay, naupo sa upuang katabi ng kamang hinihigaan niya. Payapa siyang natutulog. Marahan kong inihahaplos ang malambot niyang kamay sa aking pisngi.
Ilang buwan na rin ang huli naming pagkikita at ramdam ko ang pangungulila sa kanila.
"Ayos na si Lola, ate. Hindi naman daw siya na stroke o mild stroke. Pero kung mas lumama, pwedeng mangyare sabi ng doctor. Sa sobrang pagkagulat lang daw, sabay pa ng pagod kaya siya nawalan ng malay. Eh ang kulit din kasi ni Lola ate, pagalitan mo nga, ayaw makinig sa amin ni Kuya Waldo sumama na naman sa volunteers na magturo sa mga Aeta sa Botolan. Ayaw magpaawat. Kauuwi niya lang kanina no'ng tumawag ka."
Retired english teacher si Nanay Sol. At regular siyang sumama bilang volunteer sa grupo ng mga kilalang guro na pumupunta sa malalayong lugar o sa kabundukan, upang magturo sa mga bata. Pero dulot ng katandaan na rin at sabay mataas pa ang dugo niya. Pinagbabawal ng doctor na magpapagod siya.
"Dahilan niya pa wala raw siyang magawa sa bahay." Sumbong niya pa sa akin. Pero nasulyapan ko siyang pabalik-balik ang tingin sa amin ni Brandon na nasa labas ngayon ng ward at may kausap sa cellphone.
"Ate sino 'yong kasama mo? Boyfriend mo?" tanong niya sa akin na maloko pang tumingin.
"Ano ka ba. Kailan pwedeng lumabas si Nanay?" Pagiiba ko ng usapan
"Bukas din ate pwede na. Ubusin lang daw 'tong IV fluid. Pero sino nga yun? Ikaw ha?"
Bumuntong hiningi ako. Maingat na inaayos ang kumot ni Nanay Sol.
"Basta, sa ngayon magpahinga ka na at may pasok ka pa bukas. Si Kuya Waldo nga pala?"
Si Kuya Waldo isang malayong kamag-anak din namin na kinupkop na rin ni Nanay Sol mula ng mamatay ang mga magulang niya. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Nagtatrabaho siya sa isang talyer bilang part-time pero regular siyang nagtatrabaho sa isang hotel bilang front desk clerk.
"Nasa cashier po. Inaasikaso 'yong bill ni Lola."
"Oh, sumabay ka na sa kanya pala umuwi. Kami na ang bahala dito."
"Sigurado ka? Kadarating nyo lang. Kumain na ba kayo?"
"Ayos lang. Kumain na kami bago bumyahe, magpahinga ka na."
Pagkadating ni Kuya Waldo, pinasama ko na si Izzy sa kanya pauwi para may tao na rin sa bahay. Nakita ko rin ang nagtatanong na tingin sa akin ni Kuya nang makita si Brandon. May pagdadalawang-isip pa siya bago umalis. Alam kong marami siyang katanungan at hindi ko alam kung handa na ba akong sagutin sila.
"Are you okay now? Magpahinga ka na muna, it's already late." Sabi niya nang makalapit sa tabi ko at humila ng upuan.
"Ayos lang ako. Ikaw? Na istorbo pa kita, ayos lang ba na dito ka muna matulog? O gusto mong mag-check in na lang muna may mga malapit ditong hotel," suhestiyon ko ngunit bumuntong hininga siya at tumingin kay Nanay.
"Ayos lang ako sanay ako sa puyatan. Ikaw ang magpahinga na, buntis ka, hindi ba bawal sayo ang mapuyat? Ako na ang magbabantay kay Nanay." Sumulyap siya sa katabing bakanteng kama.
"Mahiga ka na roon." Turo niya sa katabing kama. "Kukunin ko lang yung neck pillow ko sa kotse." Paalam niya saka tumayo at lumabas.
Pagbalik niya dala na niya yung neck pillow niya at may dalang dalawang plastic cup.
"Here. Inumin mo muna 'tong gatas bago ka matulog." Sabay abot niya sa akin ng isang plastic cup at may mainit na may laman na gatas, at kape naman ang sa kanya.
Nakakahiya na sa kanya. Sobra-sobra na ang istorbong ginawa sa kanya.
"Sorry, huh. Naistorbo pa kita," sabi ko sa kanya matapos humigop ng gatas saka yumuko at pinagmasdan ang hawak kong baso.
Ordinaryong gatas lang siya pero bakit parang ang sarap. Siguro kasi galing sa kanya. Napangiti ako
"Okay, if you're really sorry. Matulog ka na, anong oras na, oh."
Tumingin ako sa kanya at tumango. Kinalahati ko muna ang inumin ko at inilagay sa lamesa na nasa tabi ng kama. Inabot niya rin sa akin ang neck pillow niya, saka ako umakyat sa bakanteng kama at nahiga.
Ngayon ramdam ko na yung pagod sa byahe. Pa'no pa kaya siya na nagdrive pa ng ilang oras, galing pa siya sa labas.
May hawak na rin siyang jacket na itim at inayos itong nilagay sa tyan ko. Sa laki nitong jacket pwede ko na 'tong gawing kumot kung babaluktot lang ako ng kaunti.
Tumingin ako sa kanya.
Ang gwapo niya talaga at ang lakas ng dating. Hindi na nakapagtataka halos lahat ng nagbabantay sa pasyenteng kasama namin sa ward ay napapatingin sa kanya nang pumasok siya, hanggang ngayon may sumusulyap sa kanya. Pero parang wala lang sa lalakeng 'to.
May sariling buhay yata itong kamay ko, inabot ang magulo niyang buhok at inayos pero kahit anong ayos bagay parin sa kanya. Saka ko hinaplos ang kanyang pisnge.
"Salamat sa pagsama sa akin dito." Ngumiti ako sa kanya at binawi ang kamay ko.
Nakakapagtaka na biglang naging mabuti ang pakikitungo niya sakin. Parang nitong mga nakaraan lang ay puro nakakainsultong tingin at galit ang binibigay sa akin.
Ang pinagpapasalamat ko na naging mabuti siya kahit papaano. Saka ko na iisipin kung may dahilan ba itong mga pinapakita niya sakin.
Hindi ko na nahintay siyang sumagot at unti-unting pumipikit ang mga mata ko. Ang natatandaan ko na lang ang paghaplos din niya sa pisnge ko at pagsulyap sa tyan ko na natatakpan ng jacket niya.
Nagising akong nakaupo na si Nanay Sol at nakangiting kausap si Brandon. Dali-dali akong tumayo at tinawag siya. Pareho pa silang lumingon sa akin tsaka ako mabilis na inalalayan ni Brandon pababa ng kamang hinihigaan ko.
"Ano ka bang bata ka hindi ka nagiingat pa'no kapag napatid ka, mapahamak pa kayo ng apo ko," sermon niya sa akin habang yakap ako, humiwalay ako't kinulong ang mukha niya sa mga palad ko
"Ayos na po ba kayo, Nay? Wala nang masakit sayo? Kumain ka na ba? Kumusta po tulog mo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya, na isang maluwang na ngiti lang ang sinagot niya sa akin saka tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang mukha at malambing na hinahaplos ang buhok ko.
"Oo ayos lang ako. Salamat sa pagpunta ninyo rito agad ng asawa mo. At pasensya na kung pinagalala ko kayo." Gulat akong tumitig sa kanya at sumulyap kay Brandon na nasa gilid ko lang, nagkibit-balikat ito.
"P'wede na raw akong lumabas sabi ni Doc. na tumingin sa akin kanina. Para makapagpahinga kayo ng maayos."
Sumulyap ako kay Brandon at nginitian siya na sinuklian niya ng maliit na ngiti. Na lalong nagpasikdo sa puso ko, mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko.
Mukha pa rin siyang presko kahit na walang masyadong tulog at ang bango-bango pa rin niya. Eh ako kaya? Nako nakakahiya baka may panis na laway pa ako.
Tumayo ako at pasimpleng nagpunas ng pisnge at nagmuta. Sabay inamoy ko na rin ang hininga ko na sana di ko na ginawa.
Nakakahiya, ngumiti-ngiti pa ako sa kanya baka may tinga pa ako. Napapadyak ako sa hiya.
"Hey, ayos ka lang ba?" Rinig kong tanong niya sa gilid ko na kinainit ng tenga at pisnge ko. Ang lapit-lapit niya sa akin, jusko!
Dumistansya ako sa kanya, baka maamoy niya ang hininga ko. Wala pa man baka mawalan ako ng chance sa puso niya.
"A-ah. . o-oo! Ayos lang ako." Imbis na ngiti ang ibibigay ko sa kanya, nauwi pa ata sa ngiwi.
Nang makarating sa bahay ay agad na inalalayan ko pababa ng kotse si Nanay, sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay. Matapos inalalayan ko pa siyang paupo sa may sofa. Sinalubong kami ni Kuya Waldo na galing kusina at inabutan ng tubig si Nanay.
Nand'yan na naman ang tingin ni Kuya Waldo kay Brandon nang pumasok ito, matapos i-park ng maayos 'yong kotse niya.
"Ya, si Brandon nga pala, a-asawa ko." Pakilala ko sa kanya. Kita ko naman ang gulat sa mukha niya tapos tumingin kay Nanay kung totoo. Saka nag-abot ng kamay si Brandon.
Nang ngumiti si Nanay do'n palang niya tinanggap ito at nagpakilala rin.
"At higit sa lahat, magkaka-baby na si Amalia natin!" Masayang anunsyo niya kay Kuya Waldo, sabay narinig namin ang tili ni Izzy na nakasuot na ng school uniform niya. Nasa hagdan na ito at patakbong bumaba.
Senior high na siya ngayon sa pinapasukang private school.
"Totoo, ate?" Mataas ang boses na tanong niya. Saka paluksong yumakap sa akin. Na agad namang inalalayan ni Brandon at dahan dahan akong inilayo kay Izzy na ngayon ay nakangiti ng maluwag.
Bakit ba ang mga nakapaligid sa akin masyadong masaya at basta-basta nalang yumayakap?
Sana ayos ka lang dyan nak
Haplos ko sa puson ko.
Mabuti nalang malapit lang si Papa mo, di tayo nasaktan ni tita Izzy. Kiti-kiti pa naman 'to.
"Ano ka ba naman Izzaleah! Magdahan-dahan ka mapano si ate mo saka ang bata. Kahit kailan talaga." Saway ni Nanay kay Izzy.
"Sorry." Humagikgik ito, sabay yuko at dikit ng tenga sa tiyan ko
"Hello dyan pamangkin! Si tita ganda ito, stay put ka lang dyan ha. Mag-beauty rest ka dyan ng bongga." Haplos niya at magiliw na kausap nito sa t'yan ko. Akala mo maririnig na ng bata.
Napangiti ako saka hinaplos ang kanyang buhok.
"Oo raw sabi ni baby. Sige na pumasok ka na malate ka pa." Ngumiti siya pabalik sa akin saka masayang kumaway kay Brandon na tumabi na ng upo sakin.
"Hello Kuya Brandon! May kapatid ka pa ba? Pakilala mo naman ako." Parang nagningning pa ang mga mata niya habang tinatanong niya sa katabi na kinatawa ni Kuya Waldo mula sa kusina ngayon.
"Yes. May kapatid pa ako, nasa Baguio siya ngayon. Do'n siya nag-aaral." napatingin ako sa kanya sa sinagot niya.
May nabanggit si Mama na may isa pa siyang anak na nasa Baguio at nag-aaral. Silang dalawa ni Brandon ang anak niya. Babae at Lalaki. Gusto pa nga ni Mama na madagdagan sila pero dahil sa sakit na PCOS nahirapan siya kaya nakuntento na sila sa dalawang anak.
Kasagsagan ng exam ng kapatid niya kaya hindi nakauwi noong kasal namin.
"Pero babae yo'n at mas matanda sayo. College na si Ayla," patuloy nya, na nagpalungkot sa mukha ni Izzy. Napailing nalang kami ni Nanay sa pinaggagawa niya.
"Ano, iyak ka na Izzy," Asar sa kanya ni Kuya Waldo, lumabas galing sa kusina sabay kuha ng bag niyang nasa bangko at mano kay Nanay.
"Nay, papasok na po kami ni Izzy. Ya, alis na kami," paalam niya sa amin at tinanguan si Brandon. Gano'n din si Izzy na bumeso sa amin ni Nanay at nakipag-fist bump pa kay Brandon bago naunang lumabas.
***
Itutuloy...