Eeya
Nagpapahinga na si Nanay sa kwarto niya sa taas at na sa hapag kami ni Brandon at kumakain ng pang-almusal.
Nag-alangan pa ako kung kumakain siya ng tortang talong at sinabawang isda bilang almusal. May pandesal din kung gusto niya at may peanut butter naman na palaman. Pero kahit na baka hindi siya sanay, at yung mga pagkain sa bahay niya puro pang english breakfast.
Inalok ko din na paglutuan siya ng bacon at pritong itlog pero tumanggi na siya at kumain na. Pinagtimpla ko nalang siya ng kape at gatas naman sa akin.
Ngayong kaming dalawa na lang ang magkasama, at tunog lang ng kutsara at plato ang ingay. Walang nagsasalita sa amin.
Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko. Ito yung unang beses naming pagsabay sa pagkain. At natutuwa ako, sobrang saya ko. Lalo na at magana siyang kumakain at pa minsang humihigop ng timpla kong kape.
Napangiti ako.
Sana magtuloy-tuloy na to.
Matapos kumain nag-alok siyang maghugas ng pinaggamitan namin ng plato na kinabigla ko.
"Bakit? Hindi ba halatang marunong akong gumawa ng gawaing bahay? Gusto mo nilisin ko pa buong bahay nyo eh." Nakangising sabi niya habang sinisimot sa isang plato ang mga tinik at sinalansan sa lababo ang mga plato tsaka siya bumalik sa lamesa at inubos ang kape.
"Hindi naman, pero sigurado ka?" Isang tango ang ginawa niya. Kaya pinabayaan ko na lang siya. At pinunasan ng basahan ang lamesa.
Sa puntong ganito, para kami talagang isang pamilya. Napangiti ako ng maluwag dahil dun.
"Salamat. Umakyat ka sa taas pagkatapos mo ha. Unang pinto sa kaliwa yung kwarto ko," paalam ko sa kanya
Bago umakyat dumeretso ako sa kwarto ni Kuya Waldo at kumuha ng bagong pares ng medyo maluwag na sando at itim na jogger shorts niya.
Sana magkasya kay Brandon 'to. Bago umakyat sa hagdan nilingon ko pa siya. Sa laki niyang tao, nagmukang maliit yung kusina namin sa kanya. Hindi ko akalain na ang isang Brandon ay marunong sa gawaing bahay. Napangiti ako do'n.
Rinig ko pa ang mahina pagsipol niya, mukang good mood si Don kapitan ngayon ah. Sana ako ang dahilan.
Asa ka pa.
Nakapagbihis na ako ng isang pambahay na daster ko. Biglang hindi na ako kumpotable sa lenggings kahit na hindi naman masikip.
Nang pumasok si Brandon sa kwarto ko. Medyo basa yung damit niya sa paghuhugas at pawis sa nuo. Inabot ko agad sa kanya ang extra kong tuwalya. At yung damit na dinekwat ko sa aparador ni Kuya.
"Ito magbihis ka, na sa kabila lang yung cr. Sabihin mo lang kung hindi kasya sayo. Damit yan ni Kuya pero mga bago pa naman."
"Ayos na 'to salamat."
"Pero walang ano. U-underware mo."
Napangisi siya."Don't worry I have my gym bag. May mga extra boxers naman akong dala."
Nag-iwas ako ng tingin. "Sige maligo ka na. Para makapagpahinga ka."
Nang umalis siya saka ako dahan-dahang napaupo. Simpleng underware lang Eeya di mo mabanggit?
Nakakahiya.
Nagbukas ako ng f*******: account ko at nagnotify agad ang friend requests ni Diday at Antonette pati narin si Nanay Mela.
Aba pati si Nay Mela may f*******: account ha. Pinag-a-accept ko kaagad sila. Nag-scroll pa ako ng mga nag-friend requests.
Rowan Nikolas Peres Alcantara
Delete Accept
Aleczander Beuno Coronel
Delete Accept
Jaxx Pablo Delos Reyez
Delete Accept
Tobio Aquilles Luna Franco
Delete Accept
Ang kilala ko lang sa kanila si Rowan at Jaxx. Pero 'yong dalawa?
Ini-stalk ko yung profile no'ng dalawa at nakita ko sa display photo nila ang litrato nilang lima. Naka-suot sila ng jersey, nasa gitna si Brandon at may hawak na trophy.
Infairness gwapo silang lahat. Pero mas gwapo syempre si Brandon ko. Napa-hagikgik ako sa iniisip ko. Langya lakas tama mo Eeya!
Mukhang nanalo sila base sa litrato. Agad na inaaccept ko ang mga friend requests nila. Matapos ay agad na lumabas ang mga posts nila lalo na si Rowan. Puro memes ang profile niya. At mga hugot status. Marami din siyang posted na pictures.
Lahat sila ay na sa 500 ang mga likes and shares nila at 1k+ reacts yung mga pictures nila. Grabe may mga friends pala ako sikat.
Napangiti ako.
Pinindot ko kaagad ang screen nang makita ko ang pangalan ni Brandon sa tinag ni Rowan na meme tungkol sa paghiram ng Netflix account.
Maniwalang walang sariling account 'to.
Mas lalong lumawak yung pagkakangiti ko nang bumungad sa akin ang profile niya. Naka-private ito dahil puro profile picture niya lang ang nakikita ko. Agad na pinindot ko 'yong profile picture niya.
Nakatingin siya sa camera, akala mo tumatagos pati kaluluwa mo binabasa.
Agad na sinave ko 'yong profile picture niya. Tiningnan ko pa yung mga reacts at mas mababa ang reacts na sa 100 lang gano'n lang din 'yong sa comments.
Puno na siguro yung friend requests nito. Mas madami pa sa official friends niya.
Agad na nagsend ako ng friend request. Sana iaccept niya agad.
Napalingon ako sa nagriring na cellphone, nakapatong ito sa lamesa sa tabi ng kama ko.
Cellphone ni Brandon!
Agad na tiningnan ko ito
Mama Calling ...
Agad na kinuha ko ito at lumabas. Kinatok yung pinto ng banyo na nasa tabi lang ng kwarto ko.
"Brandon? Si Mama tumatawag." Nilakasan ko anng boses ko para marinig niya. Tumigil ang lagasgas ng tubig, at bumukas ang pinto.
Bumungad sa akin ang naka-boxer lang na itim si Brandon. May mga bula pa siya katawan at buhok niya.
Naestatwa ako bigla.
"Sagutin mo na. Sabihin mo naliligo pa ako." Saka niya sinarado ang pinto.
Ilang minuto akong naka tayo lang sa harap ng pinto, huminto na't lahat ang tawag nakatayo pa rin ako rito sa harap ng pinto.
Kitang-kita ko na naman yung katawan niya saka 'yong abs niya. Diyos ko!
Napapitlag ako ng tumununog ulit ang cellphone at si Mama ulit ang tumatawag. Agad na sinagot ko ito at pumasok ulit sa kwarto.
Nangamusta si mama at may kaunting bilin. Matapos ang tawag ay pumasok na si Brandon sa kwarto habang nagpupunas ng buhok. Ang presko niya tingnan at ang amoy...
"Sorry ginamit ko na yung shampoo nyo. Di ko dala yung shampoo ko tsaka body wash. It smells nice actually, ang tamis ng amoy. Amoy mo," imporma niya at naupo sa kama habang tuloy parin sa pagpunas ng buhok.
Sakto lang sa kanya yung sando at jogger short na binigay ko. Medyo maluwang yung bandang gilid kaya nakikita pati yung sa bandang ribs niya pero ang hot niya lalo tingnan dahil kitang-kita ko yung mga tattoo niya sa kaliwang braso pati yung tattoo na bulaklak sa kanang tagiliran niya.
Anong bulaklak kaya 'yon? Ang maskulado niya pa, sakto 'yong mga muscles niya sa katawan, lalong-lalo na 'yong abs niya.
Napalunok ako at umiling. Tigil na Eeya. Nagiging berde ka na.
Hindi ako nadudumihan tingnan yung mga tattoo niya. Na sa totoo lang ayaw na ayaw ko sa lalake lalo na gan'yan sakop na lahat ng braso niya. Nakadagdag pa nga sa kagwapuhan niya.
At kaamoy ko? Naaamoy niya ako? Nag-iwas ako ng tingin baka makita nya pa yung ngiti kong abot tenga. Shampoo ko siguro yung ginamit niya. Eh, simpleng sunsilk pink lang naman 'yon.
"Sabi pala ni Mama pwede tayong magextend ng ilang araw dito. Ayos lang ba sayo?" Tanong ko sa kanya.
Nangamusta rin siya sa kalagayan ni Nanay kaya nakapatawag.
Lumingon siya sa akin at tumango
"Pwede naman, ayos lang sayo? Wala naman akong kailangan gawin sa shop ngayon," pagpayag niya bago sinabit sa balikat ang tuwalya kong gamit niya, saka inabot ang cellphone niya.
Ang shop na sinasabi niya ay 'yong sarili niyang negosyo na Auto parts and accessories. Bukod pa siguro sa negosyo ng pamilya nila. Malalaking shop 'yon at may pitong branches na. Sa kanya pala 'yong auto shop na suki ng talyer na pinagtatrabahuan ni Kuya Waldo. Part-time siya roon.
DC Auto Parts and Accessories
"Eh wala kang dalang mga gamit?"
"Pahiramin mo na lang ako."
"Sira malamang hindi yun magkakasya sayo yun. Ang laki mo eh."
Napalingon ako sa kanya ng mag-ring ulit ang cellphone niya. Tinaas niya ito at tinapat sa mukha. Video call pala at bumungad ang nakangising mukha ni Rowan.
"Hello sa aming Don Kapitan!" Kumaway pa ito pero nang ihinto ang pagkaway nakataas pala ang gitnang daliri nito
Napailing na lang ako sa kalokohan nito. Napahikab ako at inayos yung unan ko saka humiga. Niyakap ko pa itong mahabang unan ko tsaka tumalikod sa kanya at pumikit.
Bago ako makatulog rinig ko pa yung sinabi ni Rowan.
"Don baka maging kambal yung inaanak namin ha? Dahan-dahanin mo lang si Eeya. Pero galingan mo na rin. Itayo mo yung bandera na tin Kapitan! Walang hiyang Tobio kasi yun, mani na yung lumalapit sa kanya. Alam mo yung ginawa? Tinulak tsaka iniwan amputa! Bebot na yun Kapitan! Bawal tumanggi sa grasya motto natin yun diba?"
***
Itutuloy...