Eeya
Nagising akong may mainit at nakakakiliting hangin sa may leeg ko at medyo mabigat na nakapalupot sa ibaba ng aking dibdib.
Pagmulat ko, bumungad sa akin si Brandon na mahimbing ang tulog at may mahinang hilik pa. Nakasiksik siya sa leeg ko at nakayakap sa akin, nasa ilalim ng dibdib ko yung kaliwa niyang brasong nakayakap sa akin. At nakatanday din ang isang hita nito sa isang binte ko.
Sinubukan kong gumalaw pero mas lalo lang niyang dinikit 'yong katawan sa akin.
Lord pano ako iihi nito kung ganto makalingkis 'tong lalakeng 'to. Pero hindi naman po ako nagrereklamo.
Geshte ke pe, geshteng-geste.
Natawa nalang ako sa isip ko. Nahawaan na ako ni Lane at Diday.
Kinuha ko yung cellphone ko na sa lamesa katabi ng kama ko, gamit ang libreng kanang kamay. Pinindot ko yung camera button, at tinapat ko sa aming dalawa. Namula ako sa na kitang magkadikit na mukha namin.
Kinalma ko muna yung saliri ko tsaka ngumit at kinuhanan ko ng litrato ang itsura namin. Ilang shots pa bago ko binalik sa lamesa yung cellphone ko at dahan-dahang inalis yung braso niya.
Gumalaw siya ulit pero hindi na humigpit yung akap niya. Nang matanggal dahan-dahan ko ring hinila ang binte ko saka tumayo. Dali-dali akong lumabas at umihi. Dahil kanina ko pa to nararamdaman.
Mas inuna pa kasing lumandi eh.
Napairap na lang ako. At naglakad pababa. Nakita ko si Nanay sa kusina na nagluluto. Kasama si Aling Pearl, kapit-bahay namin. Magkaibigan ang dalawa.
"Oh kailan ka pa umuwi Eeya?" Tanong niya sa akin ng makita ako.
Ngumiti ako sa kanya. "Kagabe po," magalang na sagot ko tapos uminom ng tubig
Humarap si Nanay Sol matapos i-off ang kalan. Amoy ko ang niluluto niyang sinigang. Sinilip ko ito at halos maglaway ako ng makitang sinigang na hipon ito at malalaki pa.
Kumuha ako ng kutsara para humigop ng sabaw.
Heaven!
Sarap na sarap ako kahit sabaw pa lang ang natitikman ko.
"Tawagin mo na si Brandon at kakain na tayo. Pauwi na rin si Izzy." Utos niya habang kumukuha ng plato, inabot ko to at inayos sa lamesa pati na rin mga baso at kutsara nagsalin na rin ako ng malamig na tubig sa pitchel at tinimplahan ng juice.
"Sinong Brandon mare?" Kuryosong tanong ni Aling Pearl
"Asawa nitong si Amalia ko." Masayang sagot naman ni Nanay Sol saka naupo sa upuan niya sa kabisera.
"Aba'y kailan ka naman kinasal, Eeya? Wala ka man lang pasabi dito sa amin."
Hindi ko alam kung pano sasagutin yung tanong niya. Alangang sabihin kong "Ay nabuntis po ako kaya ako kinasal agad ng walang abiso" ayaw kong sirain ang pangalan ni Nanay Sol.
Walang kaso kung sasabihin ko yung dahilan kay Aling Pearl dahil matagal naman na siyang kaibigan at kumare ni Nanay Sol.
Pero pano ang mga taong makakaalam? Ayaw kong i-risk ang magandang pangalan nila Nanay.
"Hayaan mo at kapag kasal naman nila dito. Tsaka ka siguro iimbitahin nitong si Amalia ko. Hindi ba anak?" Agad na sambit ni Nanay.
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Nanay. Salamat medyo ligtas ako do'n.
"O-oo naman po." O hindi. Medyo magewang pa po yung bangka namin ni Brandon. Hindi pa sigurado.
Pero sana kung mapagbibigyan, gusto kon 'ring maikasal sa simbahan.
"O ayan na pala siya." Untag ni Nanay. Kabababa lang ni Brandon at halatang bagong gising. Medyo singkit pa yung mata at magulo yung buhok niya.
"Sorry po Nay. Kagigising ko lang." Paumanhin niya ng makalapit sa amin
"Ano ka ba. Simula kagabe kapa pagod. Mahaba pa yung binyahe nyo kaya naiintidihan ko. Sige maupo ka na. Mare ito naman si Brandon ni Amalia asawa niya." Pakilala ni Nanay kay Brandon
Lumapit si Brandon kay Aling Pearl at nagmano. Binigay naman ng matanda ang kamay niya sa kanya
"Kaawaan ka ng Diyos iho. Alagaan mo itong si Eeya namin ha? At ang relasyon nyo."
"Makakaasa po kayo." Nakangiting pangako niya sa ginang
Mahal, h'wag naman gan'yan 'yong puso ko. Pero sana nga magdilang anghel ka Aling Pearl.
Sabay-sabay na kaming umupo. Si Brandon sa tabi ko. Nakapwesto kami sa kanang bahagi ni Nanay.
"Halina mare kain na tayo," anyaya ni Nanay.
"Hindi na salamat. Idinaan ko lang talaga yang sugpo na in-order ni Waldo kanina. Sige happy lunch sa inyo. Mare, alis na ako." May pwesto kasi sa palengke sila Aling Pearl at suki na niya kami.
"Sige po salamat sa sugpo Aling Pearl!" masaya ko pang paalam sa kanya
Sasandok na sana si Brandon ng kanin ng pigilan ko siya.
"Magdadasal muna." Bulong ko sa kan'ya
Ngumiti sa amin si Nanay at umusal ng maikling pasasalamat.
"Pwede na tayong kumain." Anunsyo ni Nanay
Iba ang ulam niyang purong gulay ay pinaksiw na isda dahil bawal sa kanya ang hipon na ang sabi eh mabilis magpataas ng dugo.
Kukunin ko na sana ang lagayan ng kanin ng maunahan ako ni Brandon siya na ang naglagay ng kanin sa plato ko. Nagpasalamat ako sa kanya. Sinalinan pa ako ng sabaw sa aking mangkok at nilagyan ng hipon. Sinalinan pati ang baso ko ng orange juice. Nakita ko pa ang masayang ngiti sa amin ni Nanay na animo'y tuwang-tuwa sa pagasikaso sa akin ni Brandon.
Hay nako Nay pa'no pa kaya ako?
Panay rin ang pagbalat niya ng hipon at deretso sa pinggan ko imbis na sa kanya. Pinasalamatan ko ulit siya at sinabing kaya ko na at kumain na siya.
Habang kumakain kami ay siyang dating naman ni Izzy. Malayo palang may naaamoy na akong kakaiba sa dala niyang plastic. Napatigil ako sa pagkain at uminom ng juice.
"Ano 'yang dala mo, Izzy? Ang baho, amoy bulok na basura." Sabay takip ko pa ng ilong at bibig. Pakiramdam ko pa na parang lalabas 'yong kinain ko.
Kumot noo siya. "Ha? Ate shawarma 'tong dala ko. Binili ko nga para sayo eh kasi alam kong paborito mo." Sabi niya at nilapag pa 'yong plastic na may lamang shawarma sa lamesa.
'Di ko na napigilang mapatayo dahil ramdam kong may lalabas sa lalamunan ko. Dumeretso ako sa lababo at sumuka. Naramdaman kong may humahagod sa likod ko. Amoy palang alam kong si Brandon na 'to.
Matapos, inabutan niya ako ng maligamgam na tubig at habang umiinom pinupunasan niya 'yong butil ng pawis ko at inipit ang buhok ko sa likod ng aking tenga.
"Are you okay now?" Marahang tanong niya. Ramdam ko 'yong pag-alala niya sa boses niya pero nakakunot noo naman siya
'Di ko naman napigilang haplusin 'yong kunot niyang noo para mawala na ito. Sabay kurot ko pa sa ilong niya. Napahagikgik ako ng makitang namula 'yong ilong niya sa kurot ko.
Bakit parang ang cute niya lalo? Naiiyak ako.
"Why? Why? Why are you crying? Are you really okay? May masakit ba sayo? Huh? Tell me?" Hindi niya alam kung sa'n niya ako hahawakan. Naging aligaga rin bigla 'yong kilos niya at boses.
Parang di niya alam kung ano ang gagawin niya.
Kaya napahinto ako sa pagiyak at tumawa sa nangyayare sa kanya. Napabuntong-hininga nalang siya. Tunog nabunutan ng tinik yung buntong-hininga niya.
I'm sorry Mahal.
"Ate sana ayos ka lang?" Napalingon ako kay Izzy na ngayon ay nakaupo na at kumain.
'Di ko alam kung nagaalala ba siya o natatawa sa tunog ng boses niya ngayon. Wala na rin 'yong plastic na may nakakakilabot na shawarma
Sinamaan ko siya nang tingin.
"Kasalan mo 'to. Nilabas ko tuloy yung kinain ko. Nakakapanghinayang tuloy." Sisi ko pa sa kanya.
"Sorry po." Ginaya niya pa ang boses ni Chichay sa Got to Believe kapag humihingi ng sorry.
Napasimangot ako
"Akala ko naman kasi ate hindi applicable sayo yung nangyayare sa ibang jontis. Pero ayan nangyare na. Peace!" Nag-peace sign pa sya saka ngumiti nang malapad tapos tinuloy ang pagkain na akala mo wala lang.
"Kumain ka na lang ulit Amalia." Alok ni Nanay habang nagliligpit na ng pinagkainan niya.
"Mamaya na lang po unti Nay. Parang ang pait ng panlasa ko bigla."
Tumingin ako kay Brandon na na sa tabi ko pa rin
"Kumain ka na. Ayos na ako, salamat." Tapos nginitian ko siya at bahagyang tinulak paupo.
"You should eat too. Wala ng laman yang tyan mo." Pilit niya sa akin. Pinigilan ko siya ng akmang maglalagay ulit siya ng kanin sa pinggan ko
"Mamaya na talaga. Wala na akong ganang kumain eh."
"Anong gusto mo?"
"Tapusin mo na lang muna yang pagkain mo. Iisipin ko muna kung ano ang gusto kong kainin."
"Sige, maupo ka na lang muna sa sala ako ng bahala dito." Sagot ni Brandon
"Sana all." Singit ni Izzy na nasa harap namin at nakangiti pa ng nakakaloko.
"Sana all ka diyan. Ikaw maghugas ng mga plato kala mo ha." Sumimangot naman siya bigla na kinasaya ko.
Nang tumingin siya ulit sakin, nangaasar na nilabas ko ang dila ko na lalong nagpasimangot sa kanya.
"Lola si ate oh nangaasar!" Sumbong niya pa kay Nanay na nasa sala na at nanunuod ng paborito niyang noon time show.
Wala ng nagawa si Izzy at siya na ang naghugas ng mga plato.
Tutol pa si Brandon do'n at gusto niyang siya na lang ang maghugas pero sinabihan siya ni Nanay na si Izzy na lang at tuwing tanghali ang toka nito sa paghuhugas ng pinggan.
Magkatabi kami ni Nanay sa sofa sa sala at nanunuod ng tv ng pinalabas yung commercial ng isang sikat na fast food chain dito sa Pinas.
Yung masayahing bubuyog!
Biglang kumulo yung tyan ko sa nakikita ko, lalo na yung fried chicken na sinasawsaw sa gravy. Slow motion pa 'yong pagkagat nang babae sa manok.
Naglaway ako bigla.
"Gusto mong Jollibee?" Tanong bigla ni Brandon na nasa kanan ko at nakaupo sa pang isahang upuan na gawa sa rattan.
Nagsalubong ang tingin namin at sunod-sunod na tumango ako sa kan'ya. Feeling ko naghugis star pa ang mga mata ko.
Nang tumayo siya, pinigilan ko siya na akmang aakyat na sana sa taas para siguro kunin yung susi.
"Malapit lang yung Jollibee store dito. Walking distance lang."
"Kunin ko nalang yung wallet ko."
Hawak na niya yung wallet at cellophone niya pagbaba at sumunod sa kanya palabas.
"Sama ako?" tanong ko sa kanya na kinangiti niya nung lumingon siya sa akin
Parang gusto kong kagatin 'yong labi niyang nakangiti, at yo'n na lang ang kainin ko.
Pero 'di bali mangyayare din 'yon, h'wag muna ngayon. Mailap pa ang puso ni Manong sa akin.
Nang tumango siya agad na pumasok ulit ako alo kinuha yung payong na malaki ni Nanay para kasya kami.
'Yong automatic sana kaya lang malaking mama ang kasama ko. Hindi kami magkakasya. Kinuha ko narin 'yong tote bag ko, baka sakaling may gusto pa akong bilhin sa labas mabuti nang dala ko rin ang wallet ko.
Kinuha niya sa akin ang payong na itim at siya na ang nagbukas saka niya sakin inabot 'yong kulay itim na leather wallet at cellphone niyang iPhone na may tatlong camera sa likod na ngayon ko lang napansin.
"Hawakan mo muna. Wala akong bulsa." Agad ko namang kinuha at nilagay sa bag.
Napangiti ako bigla Kainis para talaga kaming mag-asawa na. Sakin 'yong wallet at cellphone niya.
Sus maliit na bagay kahit mag kaibigan ginagawa 'yan at mag-asawa naman talaga kayo.
Kontra naman.
Paglabas namin ng gate, lahat ata ng nakakasabay at nakakasalubong namin deretso ang tingin dito sa kasama ko at parang wala lang sa kanya, deretso lang ang tingin niya.
Tumabi ako lalo sa kanya ng marinig ang paparating na trycicle.
Kahit na maluwang naman tong kalsada sa kanto namin, natatakot parin akong mahagip.
Naramdaman ko 'yong braso niyang pag-akbay sa akin at paglipat ng p'westo namin. Siya na ngayon ang mas malapit sa dumadaan na nga trycicle at motor ako ang na sa gilid.
Nginitian ko siya ng magsalubong ang tingin namin nakita ko ang pag-iwas niya agad ng tingin at pagtaas baba ng adams apple niya.
Nang na sa highway na kami kinuha niya yung kaliwang kamay ko at pinakapit sa braso niyang hawak ang payong. Kaya sobrang lapit na namin sa isat-isa.
Ang firm ng braso niya na medyo malambot. Kita ko rin ang iilang ugat sa likod ng kamay niya at braso. Pinagdikit ko yung mga labi ko para pigilan ang mapatili.
Jusko!
Mas kumapit pa ako ng husto sa braso niya. Napayuko ako at nakita ko yung tsinelas ni Kuya Waldo ang gamit niya at medyo masikip sa paa niya 'yon.
Tumingala ako sa kanya. Six footer naman ata 'tong si Manong eh, anong laban ng height kong 5'3?
"Gusto mong bumili ng tsinelas mo pansamantala? Medyo masikip ata 'yang tsinelas ni Kuya sayo." Yumuko siya sandali at hinagod yung batok niya
"Medyo nga." Alanganing ngiti 'yong binigay niya sa kin tapos ewan ko namumula 'yong pisnge niya o dahil lang ba sa init ng araw?
"Sige daan tayo sa palengke. Malapit lang din yun. Palengke muna tayo bibili ha di naman tayo magtatagal dito."
"Kahit san pa yan. Hindi naman allergic yung paa ko kung original ba o hindi yung mga gamit." Ngisi niya pa sakin.
"Malay ko bang nangangati o kaya namamantal bigla yung balat mo kapag hindi original yung ginagamit mo." Tumawa siya at kinuha 'yong ilong kong namamawis. Napanguso ako dahil do'n.
Kaya mas lalo siyang tumawa. Na ikinalingon ng mga kasabay namin sa daan. May mga kinilig pa lalo na yung nga estudyante ng makita si Brandon. Mas lalo akong nalungkot.
Takpan ko kaya yung mukha para walang makakita. Dapat ako lang eh.
"Wag ka ng malungkot diyan. Mas maganda ka sa kanila." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at nahihiyang nag-iwas ng tingin sa kanya
Ano ba! Wala na, nagrigundon na naman itong puso ko. Mas lalong uminit, mainit na nga 'yong panahon lalo pa at ramdam ko yung init sa pisnge at tenga ko.
Naamoy ko bigla yung pamilyar na amoy ng fried chicken sa Jollibee. Agad kong binilisan ang lakad ko. Tanaw na tanaw ko na 'yong store nila at ang malaking mukha ni Jollibee.
"Good afternoon ma'am and sir. Welcome to Jollibee!" Bati sa amin ng guard.
Nginitian ko siya at bumati rin pabalik.
Naging presko bigla ang pakiramdam ko nang pumasok na kami sa loob at ingay mula sa counter at mga naguusap-usap na mga dine-in costumers. Mostly mga estudyante ang nakikita ko. Sabagay may mga malapit na schools dito.
Naramdam kong hinawakan ni Brandon yung kamay ko at magkahawak-kamay kaming pumila. Nilingon ko siya at magkasalubong ang mga kilay niya.
Ano naman kaya problema neto?
Pinindot ko yung braso niya "Ayos ka lang?" Tanong ko nang lumingon siya.
"Yeah," maikling sagot niya. Napanguso na lang ako.
Wala naman siguro siyang sakit kasi kanina ang sarap pa ng ngiti at tawa niya, ngayon mukhang mananakmal na naman ang mga tingin niya.
"Sabihin mo na lang yung gusto mo tapos hanap ka ng upuan natin hintayin mo na lang ako do'n." Tumango ako at sinabi ang gusto kong kaining manok, bigla na naman akong sumaya nang makita ko sa pagpipilian ang chicken joy nila.
Matapos kong sabihin ang order ko. Kinuha ko sa bag at inabot sa kanya ang wallet niya. Imbis na kunin, pinakuha nya lang sa kin ang isang credit card at pinabalik 'yong wallet niya.
Iba ang daming cards ni Manong, kumapal dahil do'n. May ilang cash din pero mas gusto ang credit nalang. Flexing si Manong!
May isang bakanteng lamesa sa gilid ang nakita ko, agad na lumapit ako at naupo. Swerte at malambot pa itong upuan. Nilapag ko sa tabi ko ang bag at nilingon siya sa pila.
Agad naman akong kumaway ng magsalubong ang mga mata namin, para malaman niya ang pwesto namin.
Tumitingin ako sa paligid at puros mga bata ang nandito kasama ang magulang nila o kaya Lolo at Lola.
Napangiti ako. Dati nang nabubuhay sila Mamang at Papang, kapag mataas lagi ang grades ko, dederetso kami rito sa Jollibee para i-treat ako. Tapos gusto ko pa 'yong kiddie meal dahil may mga laruan pang kasama. Kaya kumpleto ang laruan na sila Jollibee saka 'yong mga kaibigan niya.
"Ah, excuse me, Miss. Pwedeng makishare ng table?"
"Hindi. Kaya makakaalis ka na."
***
Itutuloy...