Chapter Seventeen

915 Words

BUONG araw na naglibot sa isla sina Arabella at Jared sakay ng big bike motorcycle ng lalaki. Ipinakilala siya ni Jared sa mga kaibigan nito at pagkatapos ay sinamahan din siya nito sa palengke para mamili ng mga gagamitin niya sa pagluluto ng kare-kare. Kinulit kasi siya nito na ipagluto niya ito ng kanyang specialty. Mag-aalas-singko na ng hapon sila nagpasyang umuwi. Pagdating nila sa rest house ay naabutan nila si Aling Consuelo na papasok pa lang sa bahay. Napatigil ito at hinintay na sila sa pinto pagkakita sa kanila. "Good afternoon po," nakangiting bati niya sa matanda. Kapwa nila inabot ni Jared ang kamay ng matandang babae at nagmano rito. "Kaawaan kayo ng Diyos," nakangiti ring sabi ni Aling Consuelo. "Napadalaw ho kayo," ani Jared na niluwangan ang pagkakabukas ng pinto para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD