CHAPTER 01
NOVA POINT OF VIEW :
"miss! Psst! Sexy!"
Putragis kanina pa ako naririndi sa lalaking toh
"ano ba kailangan mong putragis ka?" sigaw ko rito pero ang loko ay ngumisi lang
"ikaw! Ikaw kailangan ko" saad nito habang lumalabi pa.
Nakakadiri at nakakasuka siyang tignan .
"wag kana ngang painosente kaya kitang bayaran ng malaki . Tutal Lahat ng nag ta-trabaho sa bar na toh ay nahawakan at napasukan na.
Alam ko kailangan mo ng pera, isang mainit na performance lang ay voala may pera kana" nakangising aniya nito habang kinikiskis niya ang kamay niya sa aking balat.
Nakaka inis, nakaka putragis. Ano gusto niyang palabasin na kapag waitress sa bar ay nagalaw na?
Tsk tarantado din pala toh eh.
Umurong ako rito at hinigpitan ang pag kakahawak sa tray
"kung ako sayo tatabi ka, dahil kapag hindi ako nakapag pigil ay hahalik ka talaga sa semento" seryosong saad ko rito.
Ngumisi ito at biglang tumawa ng malakas habang hawak hawak ang tiyan
Kaya naman ang mga taong malalapit sa puwesto namin ay pinagmamasdan siya.
"tsk" ibang klase
"hahahaha... Ikaw mapapatumba ako? Baka hindi mo ako kilala ako lang naman si david kaito ang kilalang—"
"wala akong pake kung sino ka. Tumabi ka! " saad ko rito
"ayuko sa lahat na pinuputol ang sinasabi ko" inis na sigaw na aniya nito at sabay kinuha ang aking panga "naintindihan mo?!" aniya pa nito at sabay binitawan ng marahas ang aking mukha
Pinunasan ko ang aking mukha gamit ang kabilang kamay "hindi ako nakikinig sa mga hayop na katulad mo" saad ko rito at kinuha ang Bote na sa tray at hinampas sa ulo nito.
Napatigil ang lahat sa Ginawa nila at mga babaeng nasa gilid namin ay humiyaw sa nakita nila dahil unti unting bumabagsak ang gago pero ang musika ay patuloy lang tumutogtug.
Pumunta ako sa bartender at kumuha ng alak. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa lalaking umordered kanina.
"pasensya kana kung natagalan" saad ko rito.
Tumango ito at nanginginig na kinuha sa akin ang bote ng beer.
Bumalik sa kaniya kaniyang ginagawa ang mga tao na para bang walang nangyaring kaguluhan.
Bumalik ako sa lalaking nakahandusay at nakita ko ang mga bouncers nanakatingin sa puwesto ko
"ikaw ang may kagagawan toh noh?" tanong ni Badger isa sa mga pinagkakatiwalaan ng may ari Ng bar na toh.
Hindi ko pinansin ang tanong ni Badger at umupo ako sa gilid dahil sumasakit ang binti ko kakatayo, lalo na naka heels ako putcha, puwede naman kasing magsapatos nalang Putcha!
" anong nangyayari rito? Oh bakit hindi niyo pa ilabas? Nasaan si Nova?!"
Lumingon ako sa lalaking nagsalita at agad naman itong tumingin sa puwesto ko.
"nandiyan kalang pala" aniya nito at tumayo sa harapan ko
"anong nangyari?" tanong nito
"tsk" asik ko.
"sabi ko nga binastos ka" kamot kamot na saad nito at sinenyasan ang isa pang bouncer para kunin ang lalaking nagpakilalang David
"oh ilabas niyo nayan at i-ban dito" utos ni panther
"opo master!!" sabay sabay sigaw ng mga bouncers.
Akmang magsasalita ito na agad akong tumayo "tapos na ang trabaho ko. Sibat na ako" saad ko rito at pinatunog ko ang aking leeg Dahil Nangangalay talaga.
"hep hep... sandali Nova! "
Tumingin ako rito at bigla naman itong umurong ng bahagya
"puwede bang pagbihisin mo muna ako dahil nanakit na ang ang paa ko dahil sa Heels na pinapasuot mo sa akin"
"hahahaha kala ko naman babangasan mo Rin ako. Sige na... Sige na! Magbihis kana" natatawang saad nito.
"master panther may parak at hinahanap kayo" aniya ng isang Bouncer na si Black cat
"buset naman oh" asar na aniya ni panther
pumasok na ako sa RestRoom para magbihis at napakunot ang noo ko ng may tumatawag sa akin.
"unregistered number?" tanong ko sa sarili ko.
Akmang sasagutin ko na ito na may kumatok sa pintuan kaya naman inilagay ko nalang sa bulsa ang selpon at binuksan ang pintuan.
"ano?!" tanong ko kay Black cat
"si master–" hindi ko toh pinatapos dahil bigla ko itong tinabig.
"tsk... Ang dami namang problema ngayon" asar na saad ko
Bigla akong napatigil ng makitang nakahandusay ang Bouncer na si Bobcat at caracat.
"anong kaganapan dito?" tanong ko at mukhang napukaw ang atensyon nila sa akin.
"isang maliit lang na problema" sagot ni panther
"sa sobrang liit ay nabangasan ka" saad ko rito na ikinatawa niya.
"hindi lang ako nakailag." pagmamayabang pa nito
"tsk" asik ko at tumingin sa mga kalalakihan na nagpapanggap na parak.
"umalis na kayo" mahinahong saad ko pero ang mga loko ay tumawa lang at sabay sabay pinakita nila ang mga baseball bat na hawak nilang lahat .
Sa tingin nila ay matatakot ako sa pormahan nilang pang Jeje?
"kung ako sa inyo, makikinig nalang ako sa kaniya" saad ni panther.
Tsk. Nagsalita pa ang isa pang loko eh nabangasan ka nanga
"sino kaba? Eh babae kalang naman" natatawang saad ng lalaking naka uniporme ng pang pulis at may Blonde na buhok.
Napairap nalang ako dahil sa tanong niya. Pare parehas lang sila ng sinasabi , nakakarindi na.
"mukhang napipi tol. Eh kung patumbahin na rin natin yan?" huthot naman ng isang lalaking nakulangan sa Height
"gago! Sa kama ko yan papatumbahin" hirit naman ito kaya naghiyawan ang mga kasama niya.
"tsk" asik ko
Lumapit sakin ang lalaking blonde at tinapat sa akin ang baseball bat na hawak hawak nito
"hindi ka ba natatakot?"
"wala sa Vocabulary ko ang matakot" saad ko rito at sabay idinikit niya ang baseball bat sa aking mukha
"Alam mo ba na isang hampas ko lang sayo toh ay hindi kana magigising" ngisingising aniya nito na mukhang nauubos na ang pasensya niya sa akin.
"marami nang nagbanta sa akin at lahat yun ay mahimbing na natutulog" sagot ko rito na mukhang kinagulat niya
"abat—"
"hindi ako natatakot sa kapit mo, dapat ikaw ang matakot dahil kapag napunta sakin niyang ang hawak mo. Maaga kang paglalamayan" mahinahon kong aniya ko rito kaya naman biglang nagtagis ang bagang niya.
"sino ka ba para pagbantaan ako?!" bulyaw nito sa akin at ramdam kong tumatalsik ang mga laway nito sa mukha ko.
"pare parehas lang ang tanong niyo at pare parehas din ko kayong sasagutin" aniya ko at sambay inagaw ang baseball bat na hawak niya at mabilis ko itong hinampas sa binti na ikinaluhod niya .
Sumugod naman ang isa kaya naman agad ko itong tinadyakan at hinampas ng Baseball bat. Nakita ko pa itong napaubo ng Dugo
Tumingin ako sa iba pang mga kasamahan niya at mukhang napaatras sila sa ginawa ko.
Humarap ako sa lalaking blonde na hawak hawak ang binting hinampas ko.
"binti pa lang yang hinampas ko pano pa kaya kung yung ulo mo, edi hindi kana makahiyaw" matalim akong tinitigan ito kaya naman ay nagtitigan kami
"sino ka ba talaga! " matigas na sambit nito pero nakikita ko sa mata niya ang takot.
Ngumisi ako at tinapat sa kaniya ang baseball bat "if I'll answer your goddamn question then i will end your life now"
Tinaas ko ang hawak kong baseball bat at mukhang natakot siya sa gagawin ko.
"sa susunod na gumawa ka ng katarantaduhan hindi na sa semento ang bagsak mo kundi sa Hukay. Naiintindihan mo? "
Tumango naman ito. Ganun din ang mga kasamahan niya
"sige. sibat na!" nagkanda
dapa-dapa sila sa sinabi ko at ang lalaking Blonde na buhok ay gumagapang at pilit na umaalis sa harapan ko.
Napakamot ako sa ulo at hinarang ko gamit ang baseball bat ko ang lalaking papatakbo papalayo sa akin.
"tulungan mo" aniya ko at saka pumunta ito sa lalaking Blonde at lalaking duguan para tulungan.
Tsk... Ang yayabang eh puro porma lang naman ang alam.
"oh ano pa ang tinatayo niyo diyan? Kunin niyo ang dalawang pusang yan" sigaw ni panther habang tinuturo si Bobcat at caracat. Agad naman kumilos ang iba pang bouncer at body guard ni Panther
"nasaktan ka ba?" tanong ni panther na ikinairap ko
"ano sa tingin mo panther?" tanong ko pabalik dito
"sabi ko nga hindi" kamot kamot na aniya nito
Tsk. Kahit kailan talaga loko.
"ang dami mong body guard pero ikaw ang sumalo ng suntok. Tsk humihina kana yata" pangangasar ko rito at mukhang naasar siya.
"ang yabang. Baka hindi kita paswelduhin diyan. Ang dami monang binabasag na gamit" saad nito kaya naman nagkabit balikat ako
"sa susunod dadamihan ko pa ang pagbasag" saad ko rito at sabay tinapik ang balikat
Itinapon ko ang hawak kong bat at naglakad na papalayo sa lugar na toh.
"sandali!" sigaw ni panther kaya naman napatigil ako sa paglalakad.
"spill the tea. Kanina pa ako inaantok" saad ko rito.
3 na ng madaling araw. Kailangan kona matulog. may pasok pa ako.
"hinahanap ka niya sa akin."
Napaharap ako sa sinabi niya at kinakabahan sa susunod na babanggitin niya
"pero sinabi ko na hindi kana pumupunta rito at mukang naniwala naman siya—alam ko naman na ayaw mong isali ako sa Problema mo, Nova pero kung patuloy mo siyang tataguan baka ikamatay mo. Partner mo ako baka gusto mong sabihin ang plano mo? " ramdam ko ang na naawa si panther sa akin dahil siya ang nag iisang tao na alam kung sino ako at saan ako galing Pero hindi porket kilala niya ako ng lubusan ay may karapatan na siyang pakeelaman ang buhay ko dahil natatakot ako na kapag tinulungan niya ako ay isa siya sa mga taong ilalayo sa akin
" wala akong plano at kung maari ay iwasan mo ang taong yun" saad ko rito at mabilis na linisan ang lugar na iyun.
Tsk... Nakakainis hindi na naman yata ako makakatulog nito.
ITUTULOY...