“RAM, ayos ka lang ba? Mukhang malayo ang diwa mo.” Nasa kasagsagan kami ng biyahe. Kanina pa ito tahimik at hindi nagsasalita. Seryosong nakakunot ang kanyang noo nang tumingin sa akin. Ngunit bigla ring ngumiti at hinaplos ako sa pisngi. “Pasensya na. May iniisip lang ako. Masiyado na ba'ng malalim ang pag-iisip ko?" Kapagkuwa'y tanong niya rin sa akin. Gumapang ang kamay ko sa braso niya at humilig dito. “Oo. Ang lalim na kasi ng gitla sa noo mo. Iyong nangyari pa rin ba kanina ang iniisip mo?” Naramdaman ko ang pagtango niya. “Iniisip ko nga 'yon." “Curious ka pa rin ba sa lalaking kamukha mo tulad ng sinasabi ng babaeng 'yon?” “Medyo,” tugon nito. “Paano kung ako nga 'yon? At dahil sa hindi ako maayos manamit kaya sinabi na lamang niya na nagkamali siya.” Kalokohan. Napailing

