“ANO, nandiyan pa ba si Ram?” Kanina pa ako nangungulit kay Atoy na silipin ang buong bakuran kung nakita ba niya si Ram. Dahil pagtingin ko sa bintana ay wala na ito. Napakamot naman sa batok si Atoy. “Sensya na Sanya, hindi ko siya nakita sa buong bakuran.” “Naghanap ka ba sa lahat ng sulok ng lugar na 'to?” “Oo. Hinanap ko siya." Nanghihinang napaupo ako at napahilamos. “Saan kaya siya nagpunta?” wala sa sariling tanong ko. “Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano. Madiskarte si Ram, kaya niya ang sarili niya. Babalik 'yon." Kunswelo sa akin ni Atoy para lang hindi ako mag-alala masiyado. Pero problemadong-problemado pa rin ang pakiramdam ko. Nasa loob ng kwarto si Tatay at hindi pa lumalabas. Galit na galit talaga ito sa nagawang kasalanan namin ni Ram, kung kasalanan nga ba

