LAGI ko na lang na iniisip na malalampasan ko rin ang mga pagsubok na 'to. Iniisip ko na kaya siguro ganito ang nangyayari sa akin dahil sinisingil na ako ng karma sa pagiging makasarili ko. Ang laki laki na nang problema ko pero mas lalo yatang dumagdag dahil sa lalaking dumating kanina sa bahay. Malabo man ang litrato pero alam ko'ng si Ram ang hinahanap ng imbestigador na 'yon. May iba pa ba siyang hahanapin na nawawala? Si Ram lang ang napadpad dito na hindi tagarito. At kung tama at kumpirmado ngang si Ram ang hinahanap niya, napakalaki ng kasalanan ko. Nagsinungaling ako. Pinigilan ko ang katotohanan para kay Ram. Maling-mali ang nagawa ko. Ngayon lang pumapasok sa isip ko ang lahat. Ngayon lang umiisa-isa ang takot, pangamba, konsensya at iba pa. Kung ipararating ko naman ang

