ISA, dalawang araw ko halos hindi pinansin si Ram. Galit ako sa kanya. Galit dahil nagawa niyang magsinungaling sa akin ng ganoon. Nagawa niyang pasukin ang ganoong klase na trabaho para lang makatulong sa akin. Hindi ko naman hiniling na magpakababa siya sa mga bakla sa club. Hindi ko hiniling na sumayaw siya roon at magsilbi sa mga halang sa lalaking bakla at matrona. Para akong nanliit nang makita ko siyang sinasayawan ng mga matrona sa madilim na club na iyon. Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit niya pinasok ang ganoong raket. Mahihinang katok ang narinig ko mula sa labas ng aking kwarto. “Sanya, mag-usap tayo," tawag ni Ram mula sa labas ng aking kwarto. Tinalukbong ko ang kumot sa mukha bago tumayo at nagbihis. Aalis ako ngayon at pupuntahan si tatay. Paglabas ko ng pinto

