MATAMIS na halik ang gumising sa akin matapos ng mainit na tagpo na iyon sa pagitan naming dalawa ni Ram. Kusa akong ngumiti at pumulupot ang hita ko sa baywang niya. “Morning, Mahal," hagikhik ko sa tainga niya. “Morning din. Anong gusto mo'ng almusal?” aniya. “Kahit ano. . ." “Iba ang naiisip ko sa kahit ano," pilyong ngisi niya sa akin. “Hoy, huwag kang ano diyan, Mahal. Hindi pa ako nakakabawi sa pagod." Humalakhak siya bago bumangon. Nakahubad pa ito at walang pakialam na naghanap nang masusuot. Kitang kita ko tuloy ang kanyang hubad na umbok sa likuran. Nagmartsa ang mga araw at oras ay mabilis akong nakapag-move on sa nangyaring lusak sa akin. Pabilis nang pabilis ang pagbabalik ng dati ko'ng sigla. Nakalimutan ko man ang sakit ng pagkawala ni tatay pero mananatili siya

