“SANYA, gabi na. Bumalik na tayo sa bahay at baka naroroon na si Ram," wika sa akin ni Atoy pero nagpumilit akong maglakad-lakad dito sa Bayan. Nagbabakasakaling makita ko si Ram. “Hahanapin ko siya kahit mag-madaling araw pa," sabi ko naman. Tatlong araw nang hindi umuuwi ang asawa ko. Tatlong araw na rin akong bangag sa kahihintay. Tatlong araw na akong nag-aalala. Alang-alala na ako na umabot na sa puntong parang gusto ko nang mag-report sa mga pulis. Umabot na rin sa puntong nagpaprint pa ako ng daang-daang flyers na ang mukha nito ang nasa front page. Humihiling na sana ay sa pamamagitan ng ginagawa ko'ng ito ay mahanap ko siya. Halos hindi na ako makakain ng ilang gabi sa pag-aalala sa kanya. Nasaan na ba kasi si Ram? Mamatay na ako sa pag-aalala. Hawak ang mga flyers ay napat

